
1 minute read
Ang trivia ni Tracy
ni: John Gabriel S. Dela Torre Lunch break sa pamosong Bangkok University, dayalogo ng dalawang exchange students mula sa Pilipinas. Tracy: May tanong ako, Glenda. Glenda: Ano ‘yon, Tracy? Tracy: Anong bansa ang may mga pinagbabaligtad na bagay na may “land” sa dulo ng pangalan nito? Glenda: Uhm, Iceland? Kase ‘di naman puro yelo sa Iceland. Madami rin kasing bulkan at hot springs don. Tracy: Good answer pero ‘di ‘yon ang sagot na hinahanap ko. Sige, hulaan mo. Glenda. Uhm, siguro New Zealand. Kase ‘di naman ata bagong bansa ang New Zealand eh. Tracy: Nice try, Glenda. Pero eto talaga ‘yung sagot na hinahanap ko. Alam mo ba anong bansa ang may mga pinagbabaligtad na bagay na may “land” sa dulo ng pangalan nito? Glenda: Eh ano? Tracy: Eh di Thailand! Glenda: Thailand? Paano naging Thailand? Tracy: Simple lang sagot d’yan. Dito kasi sa Thailand, espada ang pinipitas, at bulaklak ang isinasaksak. At nagtawanan ang dalawang estudyanteng Pilipino na si Troy at Glenn na sumailalim sa sex-change surgery sa Thailand tatlong taon na ang nakararaan.
- 73 -
Advertisement
