
1 minute read
Attaché Case
Larawang kuha ni: Kerl Joshua Franco Focal length: 30 mm Aperture: f4.5

Advertisement
ni: Edlyn C. Venasquez “Ang kinis at ganda talaga nito, pare. Lalaki nga lang kung kumilos,” at sumunod ang tawanan na halos nagpamanhid sa buo kong katawan. Ang paggapang ng mga kamay kasabay ng nakapaninindig balahibong halakhakan ang naging dahilan upang lalong umagos ang aking mga luha. “Tulong!” “Tulungan niyo ‘ko” Mga salitang namutawi sa aking bibig ngunit sa kasamaang palad, wala man lang nakarinig sa mga palahaw at iyak ko. Naroon ako, tumatangis habang nanghihina sa katotohanang unti-unting gumuguho ang mundo ko, dinudurog ng bawat haplos at halik ng isang kasalanang ako ang nagbayad habang sila, pinagtatawanan ako. Sa mga oras ding ‘yon, ang tanging nasa isip ko’y katapusan ko na. Pinagmasdan ko kung paanong hinawakan ng dalawang pulis ang lalaki upang ikulong na, habang ang kliyente kong babae’y tumatangis, marahil sa pinaghalong tuwa, sakit, at pagkamuhi. Nang sambitin ang huling hatol ng hurado, alam kong tapos na. Isa na namang rape case ang naipanalo ko—isang kaso kung saan isa ako sa mga naging biktima, at ang kuwentong ‘yon ay nakaipit sa pinakasulok ng attache case ng buhay ko. Sa paglabas ko ay sumalubong ang nakasisilaw na flash ng mga camera. Inaasahan ko nang ang laman ng mga balita ay kung paanong isang rape case na naman ang naipanalo ng isang transgender na abogado. Ang gabing akala ko’y wakas na para sa’kin ay nabigyang halaga. Ayos na ako, nakalaya na ‘ko sa seldang kinalalagyan ko noon dahil may anak akong kasing ganda ko noong babae pa ‘ko. May bonus pang naging matagumpay akong abogado kahit na pa transgender ako. Siguro nga, ang kilala nilang magandang babae noon ay isa nang lalaki ngayon, ngunit ang mga aral na natutunan ko ang naging daan upang humantong ako rito ngayon.
- 71 -

Dibuhong gawa ni: Angelo D. Tolentino
Digital Art using Intuos and Photoshop
