1 minute read

Ang Aparador ni Daddy

Next Article
Attaché Case

Attaché Case

Dibuhong gawa ni:

Angelo D. Tolentino

Advertisement

Digital Art using Intuos and Photoshop

ni: Edlyn C. Venasquez “Mommy, bakit mo po binubuksan ang aparador ni Daddy? ‘Di po ba ayaw niyang pabuksan ‘yan?” tanong ko. Umiling sa akin si Mommy habang patuloy ang pagtulo ng kaniyang luha. “Anak, alam kong kamamatay lang ng Daddy mo ngunit patawarin mo ‘ko dahil hindi ko na kaya pang itago ito sa ‘yo. Bata pa ang Daddy mo noon a-at ginahasa siya ng isa sa mga katiwala noong nasa ampunan pa kami, gusto nilang mahiwalay kami noon dahil ayaw nila sa relasyon namin” tumigil si Mommy sa pagsasalita dulot ng tuloy-tuloy na pag-agos ng luha. “M-Mommy, ” tumango si Mommy sa akin at isang hikbi ang kumawala sa kanya habang tinitingnan n’ya ako, diretso sa mata. Binuksan n’ya ang aparador at tuluyang nakumpirma ang nasa aking isipan nang bumungad sa akin ang laman ng aparador. Pahina. Mga pahinang tila pinunit at ang iba’y halos nawala na ang guhit—at damit. Mga damit pambabae. “Ang mga pinunit na sulat na ‘yan ay ang mga pagpipilit sa kanyang umuwi at ang pagbabanta na papatayin nila tayo kapag hindi s’ya bumalik. Nasa Thailand pa tayo noon kasama ang lolo mong sumagot sa kanyang operasyon. Natatanggap niya ang mga sulat at inipon niya lahat. Iyon pala, siya ang talagang target,” dugtong ni Mommy kasabay ng isa pang hikbi. Kaya pala ayaw niyang umuwi ng Pilipinas noon, kami lang talaga ni lolo ang mapilit. Binawi nila ang buhay ng Daddy ko, na tunay ko palang ina. Ang gumahasa sa kaniya, sabi ni Mommy, ay isang pari. Mapait akong ngumiti. Siguro, sadyang mapaglaro ang tadhana dahil kung kailan naubos na ang buhangin sa orasan, saka ko lang nalamang Mommy ko pala ang kinilala kong Daddy.

This article is from: