
6 minute read
Ang bagong panganak na Jennie
ni: Angelo D. Tolentino
Bata pa lamang ay gusto nani Johnny na maging ina kapag naglalaro ng bahay-bahayan. Kahit walang suso ay pinapadede niya ang sanggol na manika. Pipitas siya ng dahon at ipaghahalo ang lupa at tubig kanal upang makapaghanda ng hapunan para sa kaniyang kunwaring pamilya. Kahit napipintasan, ay kukuskusin niya ang pawis ng kaniyang kunwari-asawa.
Advertisement
Hanggang sa pagtanda pangarap niya parin ang maging babae, maging ina. Kagaya ng kaniyang ina na namatay dahil sa pagpatay ng di kilalang salarin na nakapagtataka, sapagkat ayon sa tsismis ay wala ang kaniyang mga obaryo ng ito ay linisin ng embalsamador.
Maraming nagsasabi na gumamit na lamang siya ng kolorete upang magtagumpay sa kaniyang naisin. Pero sa puso ni Johnny hindi sapat ang makukulay na pinta sa mukha at buong katawan kung hindi ka isang ganap na babae – natural na mahaba ang buhok, may matris, nanganganak, at minamahal ng tunay na lalaki.
“Mahal ang nagpapapalit ng ari Johnny, atsaka kung mapapalitan man di ka magkakaanak!” sambit ng kaniyang ama na sumasalungat sa kung ano ang gusto niya para sa sarili. “Talagang hindi! Para saan pa yun e rinig ko di man daw kamukha ng sa babae kapag natapos na”, tugon ni Johnny.
Sa kwento ng kaniyang mga kaibigan, mayroon daw isang manggagamot sa isang liblib na lugar sa Camarines Norte. Sa tala ng mga naroroon, kaya niya daw gawin ang lahat ng imposible. Sa tulong ng mahika at kaunting dasal, mabibigay niya ang iyong kailangan.
Biyernes, pagsikat pa lamang ng araw ay pumaroon si Johnny. Nagtatanong siya sa mga malalapit doon pero akala ng marami ay baliw siya para kitain ang manggagamot.
Sa pagpasok ni Johnny ay nandoon ang matanda. Suot ang kung ano-anong abubot sa kaniyang leeg ay para ngang nakausap na niya ang lahat ng enkanto sa balat ng lupa. “Ano ang kailangan mo?” tanong ng matanda. “Gusto kong maging babae”, sambit ng may mataas na pangarap na si Johnny.
Walang tawa, o kahit ano, mukhang kaya ngang gawin ng matanda ang kaniyang hiling. “Kaya ko yan, ngunit ang kailangan ko ay ang iyong pananalig at sundan mo ng maigi ang lahat ng aking gusto”. “ Kahit ano pa yan, gagawin ko” determinadong sagot ng bata.
“Kaya kitang gawing babae, pero katumbas nito ay kailangan mong mapanganak muli.” “Kung bibigyan kita ng matris mula sa iyong ari ay hindi mo na ito magagamit upang magkaanak”.
“Ngunit para saan pa ang matris kung hindi rin naman ako magkakaanak?”, tugon ni Johnny.
“Pwede naman, ang kaso baka hindi ka handa”, “Kailangan mong kumuha ng obaryo ng ibang babae… obaryo na magiging daan upang magkaanak ka, obaryo na magbibigay buhay sa iyong gustong mangyari.” Alok ng matanda.
“Sige”, walang alinlangang sagot ni Johnny.
Bitbit ang kaniyang bag ay aalis na dapat siya, pero pinigilan siya ng matanda. “Saan ka pupunta? Pwede na tayong magsimula ngayon, saka nalang ang obaryo, sundan mo lamang ang sasabihin ko.”
Inalis ni Johnny ang kaniyang salawal, walang kahit anong pampamanhid ay tinapyas ng matanda ang kaniyang ari. Kagat-kagat ang isang pirasong kahoy ay napaungol ng masakit si Johnny. Gusto niyang kumawala ngunit siya ay nakatali. Nagsisimula pa lamang sila.
Pinakulo ng matanda ang ari at doon ay dinurog niya ito ng napakaliit. Dinikdik niya ito hanggang sa ito ay maging pulbura. Binuhusan niya ito ng malinis na tubig at doon ay nagmistula itong malapot na likido, pintura kumbaga.

Dibuhong gawa ni: Angelo D. Tolentino
Digital Art using Intuos and Photoshop

Masakit pa ang pakiramdam ni Johnny ay pinintahan ng matanda ang parte ng kaniyang katawan na gusto niyang palitan. Mula sa matilos na panga, adams apple, maikling buhok, suso ay nabalot ng pinturang gawa sa kaniyang ari. Kasabay ng sigaw ay ang dasal ng matanda.
Ilang sandali lamang ay tumubo ang kaniyang suso at mahabang buhok. Ang kaniyang panga ay lumiit at ang buto sa kaniyang tandyang ay mag-isang umalis mula sa kaniyang katawan. Masakit, mahapdi, hindi sapat ang mga salita upang ipaliwanag ang mala-impyernong kapalit sa kaniyang mimimithi.
Halos lumuwa na ang kaniyang mga mata kasabay ng mga luha. Parang ipinanganak siyang muli sa labas ng sinapupunan. Isinaayos ng diyablo ang kaniyang katawan. Sa kaniyang paggising ay babae na nga siya. Sa ganda ng kaniyang katawanan at mukha ay mabibighani ang kung sino mang makakakita. Isa nalang ang kulang, buhay na matris.
“Mayroon kang hanggang mamayang hating gabi upang makapaghanap ng obaryo, kung wala kang nahahanap ay mananatili ka nalamang na ganiyan at hindi na kita malalagyan pa ng mga obaryo.” Mahigpit na bilin ng matanda.
Umuwi ng mabilis ang dating Johnny na ngayon ay Jennie upang kumustahin ang kaniyang ina. Hindi kilala ay nagtaka ang kaniyang ina. Pero masakit man sa kaniyang loob at dahil wala na siyang oras ay sinaksak niya ang kaniyang ina. Litong lito at lunod na lunod na si Johnny sa kaniyang mga sariling pangarap. Hindi na niya naisip kung ano ang moral.
Dali daling kinuha ni Johnny ang obaryo ng kaniyang ina at isinilid sa garapon na binigay ng matanda. Matapos noon ay hindi na muling namataan si Johnny sa kaniyang lalawigan. - 77 -

IKALIMANG KABANATA: Q
MALIGAMGAM
Ako ay isinupling na humihikbi Sa pagitan ng mga kulay ng bahaghari Pumagitna sa samu’t-saring kulay Kakaiba ang banghay Akala ng iba ito ay bunga lang ng pagkalito Hindi ba pwedeng ‘di ko lang alam ang totoo? Hindi batid kung bakit ka lalake At siya naman ay babae ‘Pagkat sa kabila ng labo sa aking pagkatao Para sa akin malinaw na tayo ay pantay-pantay na tao Hindi man ako tulad ng pangkaraniwan O diretso tulad ng inaasahan Isa pa rin akong likha ng ating Maykapal May puso’t marunong ding magmahal.
queer /’kwir/ (ibang katawagan) - questioning, curious, lito at iba pa depende sa pagkamalikhain ng tumatawag.
The only queer people are those who don’t love anybody. -RITA MAE BROWN, QUEER

v
Kumalat ang balita ng pagpaslang sa kaniyang ina. Ayon sa mga ulat siya ang may sala, dahil daw sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Dinala si Rio sa presinto at kahit walang legal na paglilitis, siya ay ikinulong.
“Maswerte ka dahil di ka tinamaan” bulalas ng isang bantay sa kulungan.
Habang nakatali palikod ay pinagsasampal siya ng mga dumakip sa kaniya. Pinagmalupitan siya ng mga ito. Binaboy ang kaniyang katawan sa selda kung nasaan siya.
Mababanaag mo ang kadalisayan sa kaniyang mata, sa kabila ng takot at paghihirap na nakaimprenta sa mga pasa sa kaniyang katawan. Ang mga liwanag na bumubulag sa kaniya ay parang mga bituin na nagbibigay aliw sa kabila ng kalituhan. Bukod sa dilim, ang katahimikan ang lumalamon sa buong paligid. Walang tao sa paligid ngunit ang kaniyang pansariling boses ang kaniyang naririnig. Sumigaw siya para humingi ng tulong, ngunit tanging ang alingawngaw lamang ng kaniyang boses ang tumugon sa kaniyang pakiusap.
Ngayon hindi lamang siya biktima ng diskriminasyon, ganun din ang depresyon. Napangiti at natawa si Rio ng makitang ang dugo mula sa kaniyang basag na labi na nagkalat sa kaniyang damit ay nagkulay fuschia kasabay ng tama ng liwanag sa kaniyang selda. Doon ay kinausap niya ang kaniyang sarili, bigla na lamang siyang natawa sa pagitan ng kawalan.
Pagtapos ng ilang buwan ay nakalaya siya sa tulong ng kaniyang mangilan-ngilang kaibigan. Duguan at naghihingalo na lamang ng huli niyang makita ang kaniyang ina. Masakit para sa kaniya na sa puntod niya, sila ay magkikita.
Malagim ang sinuong ni Rio, ngunit hindi iyon dahilan upang siya ay tumigil. Mas nag-alab ang kaniyang damdamin upang sumigaw ng hustisya para sa mga naaapi. Silang naipit sa pagitan ng mga gusot. Sila na walang ibang nais kundi mabuhay ng walang pangamba. Sila na tulad mo, na walang hangad kundi maghanap ng espasyo sa isang sistema na walang ibang ginawa kundi iporma ka sa moldeng hindi iyo.
