7 minute read

Ang sakit sa lunas sa Ik-ik

Next Article
Alis-Taya

Alis-Taya

Ang Side Effect sa Lunas ni Ik-ik

ni: Angelo D. Tolentino

Advertisement

Malalim na ang gabi para sa bayan ng Capiz. Bukod sa pagkiskis ng mga damo sa talahiban ay maririnig mo ang ungol ng sakit at kaginhawaan. Hawak ang madulas na latik ay makikita mo raw kung papaano nila himasin ang kanilang mga tiyan. Kung papanong sa bawat hagod ay para bang pinapalaya sila nito. Kaumagahan ay parang lason na mabilis kumalat ang balita ng mga patayan. Sa deskripsyon ng mga tsismosa, ang mga bangkay ay natagpuang nakabulatlat ang lamang loob. Hindi tao ang may gawa kundi hayop anila.

Pero para kay Anica o di kaya “ik-ik” kung siya ay tawagin, hindi daw hayop ang may sala, kundi halimaw na nabubuhay maaninagan lamang ng liwanag ng buwan. Patunay ang kanyang malalim na peklat sa kaniyang leeg kung papaano siya nagpumiglas at nanlaban bago paman paghiwalayin ng halimaw ang kaniyang ulo at katawan. Mahahaba daw ang kanilang mga kuko at may lakas sila na kaya kang dalhin papahimpapawid gamit ang kanilang malalapad na pakpak.

Ngunit nitong mga nagdaang araw, tila kakaiba ang kinikilos ni ik-ik. Sakitin siya pero ngayo’y para ba siyang bata na napakalikot at napakalakas. Dito sa aming bayan napakadalang kung kami ay dalawin ng doctor mula sa bayan. Kung nanaisin mong magpagamot, malayo-layo pa ang iyong lalakbayin at malamang sa hindi patay ka na kung malubha ang iyong karamdaman. Nakakakot magkasakit lalo na kapag ganito.

Pero bago paman maging malakas si ik-ik ay may mga gabi kung saan madalas ang kaniyang paglabas na para bang nakikipag-ulayaw siya kay Satanas. Ngunit sa bayan ng capiz, isa lamang ang kilalang Satanas. Si aling Berna ay kilala,para daw sa kaniyang napakaraming koleksyon ng mga atay, puso, bituka, maski mga sanggol mula pa sa sinapupunan ng isang buntis, na nakasilid sa malalaking bote. Pero sa lahat ng kahindik-hindik na kwentong tulad nito ay may nagsasabing siya daw ay isang manggagamot.

Bago pa man maubos ang hininga ni ik-ik mula sa kaniyang asthma ay minabuti niyang sumugal at makipagkita kay Aling Berna. Wala paman siyang sinasabi, “Bilang na lamang ang hininga na mayroon ka, mukhang kailangan mo ng lunas” ani Aling Berna. Walang pagaalinlangan ay sumagot si Ik-ik, “Pagalingin moko, kahit ano pa ang kailangan kong gawin”.

Inilabas ni Aleng Berna ang isang mangkok na gawa sa niyog na puno ng dugo. Malansa at kahindik-hindik ang amoy nito, ngunit para sa tulad ni Ik-ik maliit na sakripsyo lang ang paginom nito. Dali-dali ay uminom si Ik-ik. “Ano nang mangyayari? Parang wala namang epekto ang pag-inom nito.” Ani Ik-ik. Tumawa ng malakas si Aling Berna. “Sino ang nagsabing sa pag-inom mo niyan ay gagaling kana agad?”. “Unang hakbang pa lamang yan. Kailangan mong pumunta sa palayan sa kabilugan ng buwan at doon ay kitain moa ko” dagdag niya.

Bilog at ginto na ang buwan, pumunta si Ik-ik sa pinag-usapang lugar. Sa laking gulat niya ay hindi lamang pala siya ang sumugal kundi ang ilan pang mamamayan sa Capiz. “Makinig!” nabasag ang mga maiingay na alingawngaw ng pag-uusap mula sa mga naimbita ng magsimulang magsalita si Aleng Berna. “Ngayong gabi ay lalaya kayong lahat sa inyong mga karamdaman. Huwag kayong matakot at damhin niyo lamang ang epekto ng lunas sa inyong katawan”. “Ipahid ninyo ang latik na ibinigay ko sa inyo sa inyong tiyan at doon ay makikita ninyo!”

Pinalilibutan ng mga gasera ay sinimulan nilang ipahid ang latik sa kanilang mga tiyan. Matapos kumanta ni Aleng Berna gamit ang isang tila demonyong lengwahe ay nagsimulang sumigaw isa isa ang mga naroroon. “Masakit!!!” Siyang sigaw ni Ik-ik. Ngunit sa isang saglit natigil ang sigaw ng magsimulang tumubo ang malalaking pakpak sa kanilang likuran. Malalalim na ungol at paghinga na lamang ang maririnig lalo na ng magsimulang mahati ang kanilang katawan. Parang goma kung papanong hilain ng kanilang bituka ang kanilang pang itaas na katawan.

Mabilis na tumubo ang mga matutulis na kuko kagaya ng kanilang mga nangitim na mata. Nagsimulang maglaway si Ik-ik sabay sambit ng “nagugutom ako”. Lumipad sila ng malaya ng gabing yaon at para sa kanila ang bayan ng Capiz ay isang malaking hapagkainan mula sa itaas.

Isang bata ang napiling kainin ni Ik-ik. Nilipad niya ito sabay kuha sa paa at ulo at doon ay pinaghiwalay niya ang katawan ng kaawa awang bata. Doon din ay kinain niya ang puso at utak ng bata. Hindi pa nakokontento ay kinain niya ang lahat ng nakikita niya sa daan.

Magaales tres na at malapit ng magbukang liwayway. Matinding bilin ni Aleng Berna na hindi sila pwedeng matamaan ng sikat ng araw sapagkat ang liwanag nito ang tutupok sa kanila habang sila ay manananggal. Kinakailagan nilang bumalik at maging tao matapos kumain. - 86 -

Dibuhong gawa ni:

Angelo D. Tolentino

Digital Art using Intuos and Photoshop

Dali-daling bumalik si Ik-ik sa lugar kung saan niya iniwan ang kaniyang kalahating katawan. Ngunit sa malaking pagtataka ay wala na ang kalahati niyang katawan. Sumisilip na ang araw at wala na siyang oras magisip, kung kaya ay pumatong na lamang siya sa kalahating katawan na malapit sa kaniyang tanaw.

Akala niya ay imposible pero nagawa niya. Matagumpay niyang naikabit ang kaniyang sarili sa kalahating katawan ng ibang tao. Ang kaniyang gulugod ay milagrosong sakto sa katawang kaniyang napili. Iba ang pakiramdam ng kaniyang kalamnan ngunit mas kakaiba ang kaniyang pakiramdam sa pagitan ng kaniyang hita. Para bang kung anong kahoy ang nakadikit sa pagitan. Katawan ng lalaki ang kanyang nakuha.

Wala na siyang magagawa kundi hintayin ang susunod na kabilugan ng buwan. Kailangan niyang mamuhay gamit ang katawang alam niyang hindi sa kaniya.

Kaumagahan ay para bang walang nangyari at nagalmusal si Ik-ik na parang isang normal na bata. Ngunit bago pa man sumubo si ik-ik ay nagsigawan ang mga tao sa labas ng kanilang tahanan. “May napatay na aswang malapit sa bahay ni Aling Berna!” Dali-dali silang tumakbo upang maki-isyoso.

Doon ay nakita ni ik-ik kung papaanong natupok ang katawan ng animo’y isang malaking paniki. Nangilabot si Ik-ik pagkat sa kaniyang pakiwari ay siya ang may dahilan kung bakit namatay ang kaawa-awang aswang. Malakas ang kutob ni Ik-ik na angkalahating katawang kaniyang ginagamit ay sa kaniya.

Ilang araw pa lamang ang lumilipas ay ibang-iba talaga ang pakiramdam ni ik-ik sa kaniyang sarili. Hindi sa kalalakihan ay nagkakagusto siya sa kapwa niya babae. Ang malambot na buhok at mapupulang labi ay parang lambat na humuhuli sa kaniya.

Sa di kalayuan ay nabihag siya ng isang dilag, sila ay nagkamabutihan at doon narin ay nagawa niya ang hindi dapat ginawa. Ngunit bago pa man sila magtalik ay nagimbal ang dilag ng makita kung ano ang meron si ik-ik. Bago pa man ito makapagsalita ay ipinakal ni ik-ik ang malaking kahoy sa kaniya.

Malapit na ang susunod na kabilugan ng buwan doon ay magkakaroon na ulit siya ng pagkakataon upang baguhin ang kaniyang kapalaran. Ngunit sa kabiguaang palad ay hindi na niya malaman kung ano ang sa kaniya, kung kaya ganoon na lamang ay ninakaw niya ang hindi sa kaniya.

Ilang buwan ang lumipas at ganoon din kung papanong nagbago ang kaniyang pagtingin sa lahat ng kaniyang nakakatagpo. Sa lalaki, babae, bakla, o di kaya ay tomboy ay nagsimula siyang magkagusto. Sa isang tagpo ay napaisip si Ik-ik na marahil ay pinangungunahan siya ng kalahating katawang kaniyang ipinuslit at dito ay itinutuloy niya kung ano ang nais ng may-ari.

Parang baboy na nakipagtalik si Ik-ik kung kani-kanino sa pagsapit ng kabilugan ng buwan. Hindi na niya alam kung ano ang kaniyang gusto. Ngunit isa lamang ang malinaw, hindi na siya normal.

Inisip na manirahan ni Ik-ik sa karatig bayan at maraming nagsasabi na namumuhay na siya ngayon sa mga siyudad sa maynila. Naghahanap ng biktima, hinahanap ang sarili. - 87 -

Larawang kuha ni: Allen Hendrix Supan Focal length: 18 mm Aperture: f/3.5

150

ni: Kimberly S. David

Hindi uulit? Wampipti’y sulit Tulo kapalit

13

ni: Kimberly S. Daivd

Bata? pwede na! May pangkain lang At sisinding marwana

1k

ni: Kimberly S. David

1k bibigay live feed lang naman bukas may new scandal

- 89 -

This article is from: