
2 minute read
Wanted: Cast ni Direk
Larawang kuha ni: Kerl Joshua Franco Using 35mm focal length
ni: Jeff Gerald G. Quindoyos Habang naghahanda ang set para sa shooting… Direk June: Ms. Joyce, pakihanapan mo ako ng maganda at guwapo. Yung pasok sa taste ko. Ms. Joyce: Gusto mo i-browse yung mga profile ng applicants, Direk? Direk June: Ayoko. Gusto ko bago. Yung fresh na fresh. Ms. Joyce: Okay, Direk. May bago tayong project? Direk June: Wala pa, naghahanap ako ng maganda at guwapo para jowain ko. Feeling ko kulang na ako sa aruga at pagmamahal. Trabaho na lang kasi ang minahal at sinamba ko.
Advertisement
- 61 -

IKAAPAT NA KABANATA: T
DYOSA
Kinasusuklaman ako ng lipunan Sa buong bayan ako’y usap-usapan Dahil isa akong kabalyerong ‘di alam gamitin Ang bakal na espadang ibinigay sa akin Itinulak ako sa bangin dahil ako’y gustong maglaho Hanggang sa nabali halos sa katawan ang buto-buto Napunit ang balat, kumalat ang dugo Nasira ang espadang tinatago Pero ako’y bumangon sa kalaliman ng kawalang pag-asa Parang mahika na ikinagulat ng masa Mahaba ang buhok hanggang sa aking kurba Wala ng sugat sa maputi kong kutis at mukha Isa na akong diyosa na bulisak Hindi na espada ang sandata, kundi bulaklak.
transgender /tranzˈjendər/(ibang katawagan) - wala pa gaanong katawagang nalalaman maliban sa trans.
- 63 -

Be your own representation. -CHELLAMAN, TRANSMAN
- 64 -
iv
Taong 1992 ay nagsimulang mabuo ang Makabagong Babaylan – isang organisadong samahan na naglalayong ipaglaban ang karapatan ng mga hindi naiintindihan noong panahong iyon – ang LGBTQ+ Community. Kasabay pa ng iba pang mga grupo ay nakibaka si Rio at nag-ingay sa mga kalsada ng San Sebastian at sa iba pang lugar dala ang mga naglalakihang campaign banners.
Matagumpay naman ang kanilang kampo upang maipasa ang STD and AIDS Prevention and Control Act sa kabila ng mga tumataas na kaso ng STD and HIV patients sa Pilipinas. Silang may mga sakit na nga ay nakararanas pa ng diskriminasyon mula sa mapanghusgang lipunan.
Lumakas ang kanilang grupo at nagkakaroon na ito ng tunog sa iba’t ibang lalawigan. Bilang representante ng Bahaghari Partylist sa isang halalan, masakit para sa kaniya na hindi maisali ang kanilang kampo sa eleksiyon. Dagdag pa ng nasa taas ay “imoral” ang kanilang ipinapakita.
Pero hindi iyon kwento ng pagmamamalabis upang magkaroon ng pantay na pagtingin sa lipunan. Ito ay laban ng pagiging sino sila at ano talaga sila sa lipunan.
Isang gabi, hingal na hingal si Rio sa pagtakbo mula sa hindi kilalang grupo ng kalalakihan. Sa kaniyang pakiwari, sila ay nagsasadyang dakpin at pahirapan siya. Pumasok sa loob ng kaniyang kwarto si Rio. Ngunit sa pagpasok niya nagpumilit pumasok ang mga bandido. Sa akmang pagbaril ay napigilan ang pagtama ng bala sa kaniya. Ang kaniyang napakahinang ina ay humandusay sa sahig matapos magtamo ng bala sa kaniyang puso sa tangkang pagprotekta sa kaniya. Nilapitan ni Rio ang kaniyang ina at nagsimulang humagulgol.
Dinala sila ng mga nanloob.

- 65 -

Dibuhong gawa ni: Maureen Khimmery Supan