2 minute read

ANG BUHAY NI RIO i / p.5 ii / p.29 iii iv / p. 65 v / p.83

Next Article
Epilogo

Epilogo

iii

“Bukod sa dilim, ang katahimikan ang lumalamon sa buong paligid. Walang tao sa paligid ngunit ang kaniyang sariling boses ang naririnig. “

Advertisement

Taong 1984 ay natapos ni Rio ang kursong BS Clothing Technology sa isang pamosong unibersidad. Bukod sa pagpasok sa mga gay bar ay ginamit niya iyon upang makapagtrabaho sa mga kumpanya ng patahian at siya ring nagbigay-daan upang magbukas sila ng maliit na negosyo.

Bisperas ng Pasko ng ibigay niya ang kaniyang regalo sa kaniyang ina. Ito ay isang fuschia pink na blusa na matagal na niyang gustong ibigay sa kaniyang ina. Ang kulay ng fuschia ang paboritong kulay nilang mag-ina. Sambit ng kaniyang ina,

“Alam mo ba? Fuschia pink ang kulay ng panty ko noong ginawa ka namin ng papa mo?”

“Ma naman!” sambit ni Rio.

Sumunod na araw ay nagparamdan sa kaniya si John, ang kaniyang nakababatang kaibigan. Ang dating payat at pilyo na binata ay macho at maginoo ngayon. Noon pa man ay gusto na ni Rio si John ngunit ikinulong niya lamang ang kaniyang sarili sa ideya na kailanman ay hindi sila maaari.

“Kumusta ka na?” tanong ni John.

“Balita ko babaeng-babae na tayo ah” dagdag niya.

“Ah.. eh.. ayun nakapagtayo ako ng maliit na negosyo-”

“Uy si Angelie pala, girlfriend ko. Babe, siya pala yung sinasabi ko sa’yo” singit ni John.

“Hi! Nice meeting you,” sambit ni Angelie.

Parang milyong beses na dinurog ang puso ni Rio. Wala man sa lugar ay naiiyak siya sa kanilang harapan.

“Bakit ka naiiyak?”

“Wala, masaya ako para sa inyo...” sabay balik sa loob.

Tumunog ang kaniyang telepono sabay basa sa mensahe na “Hi, si John nga pala ito, paki-save na lang ang number ko no. Text nalang kita ulit pag okay ka na.”

Muling nagtext sa kaniya si John sabay sabi “pwede ba tayong magkita?”

“Oo naman” tugon ni Rio.

Sa Mama’s Hotdog sa isang kilalang restaurant sa Scarlet Boulevard ay dinala siya ni John.

“Nasaan yung girlfriend mo?”

“Nasa bahay, sabi ko kikitain kita. Mukhang ayaw mo kasi siyang makita at naiyak ka kanina.”

Ang kilalang restaurant ay nagbibigay kay Rio ng kakaibang bigat sa kanilang usapan. Bukod sa mapupungaw na ilaw ay napakatagal dumating ng kanilang order. Nagpapawis ang kamay ni Rio at maaaninag mo sa kaniyang mukha ang pangamba at pangungulila.

“Hindi mo yata alam na pansexual ako”

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Rio.

“Hindi mo lang alam, pero ginusto din kita.”

Matapos nilang kumain ay pumunta sila sa isang hotel. Nag-apoy ang mga bituin sa kanilang pag-iisa. Ang kapit ni Rio kay John ay para bang ayaw na nitong kumawala sa sakit at sarap. Diniligan ni John ang nanunuyong damdamin ni Rio. Ito ay higit pa sa kaniyang mga matatayog na pangarap. Ang mapansin at mahalin sa kung sino at ano siya.

Sa kaniyang paggising ay wala si John sa kaniyang tabi. Nanaginip lamang pala siya matapos niyang makatulog sa pag-iyak noong gabing iyon. Wala na, huli na ang lahat para sa kanilang dalawa.

BAKIT FUSCHIA ANG DUGO NI RIO? | Sundan sa pahina 65...

This article is from: