
1 minute read
Ang bayad kay Maximo
Dibuhong gawa ni:
Mikaela Faith Hinton
Advertisement
Mixed media on vellum board

ni: Edlyn C. Venasquez
Isang mapayapa at taimtim na gabi sa syudad ng Berlin, bansang Alemanya, silangang Europa, ika-29 ng Marso, 1887. Maximo: Jose, kaibigan. Masaya ako at naipadala mo na ang mga kopya ng Noli Me Tangere. Jose: Oo. Maraming salamat sa iyong tulong. Kung hindi dahil sa iyo, hindi maililimbag ang aking akda. Narito nga pala ang mga larawan. Maximo. Malapit na akong umalis upang ipagpatuloy ang aking pag-aaral sa Inglatera, Jose, at batid mong hindi ito ang inaasahan kong kapalit. Jose: Ilang beses ko nang pinagbigyan ang iyong nais, Maximo. Hindi pa rin ba sapat ang mga iyon? Maximo: Alam mo ang sagot sa iyong katanungan, Ginoong Rizal. Jose: Ano, dahil ako ang iyong iniibig? Ganoon ba? Kaya ang pinili mong kapalit ay ako? Maximo: Hindi mo ako masisisi. Oo, mahal kita at ito lamang ang naiisip kong paraang upang manatili ka.
Jose: Nahihibang ka na ba! Batid mong mali ito ngunit bakit patuloy mo itong ginagawa? Maximo: Alam mo rin namang hindi tama ang ginagawa natin, ngunit bakit pumapayag ka? Mahal mo rin ako, hindi ba? Takot ka lamang kaya hindi mo ito matanggap. Maraming babae ang iyong napaibig ngunit alam ko na mas lumiligaya ka kapag ako ang sinisipingan mo. Huwag kang mag-alala, lilisan na ako ngayon taon at kakalimutan na kita pagkatapos nito, kaya halika na. Sa isang haklit sa kanyang braso, napatayo si Jose. Dumaloy ang luha ng sakit at galit sa kanyang mga mata bago siya hilain ni Maximo papunta sa kanyang kwarto na may pistol pang nakaipit sa tagiliran. Kasabay ng lamig ng gabi sa pagtatalik ng dilim at ng mga bituin, nagbigkis ang dalawa, at ang kanilang mga katawan ay muling lumikha ng init maging nangungusap na tinig.
DISCLAIMER: Walang kahit anong patunay na ang mga tagpo ay nangyari. Ang mga naganap sa kwento ay gawa-gawa lamang ng may akda.
