1 minute read

Proud ba kayo sa akin?

Next Article
Epilogo

Epilogo

ni: Mikaela Faith Hinton

Ma, Pa, proud ba kayo sa akin? Noong unang beses kong maisulat ang aking buong pangalan Kahit na ang hirap imemorize ng bawat salita dahil sa sobra nilang haba Ang rami-rami niyong binigay na pangalan sa akin Ngunit bandang huli, hindi naman pala iyon ang itatawag ng karamihan sa akin Ma, Pa, proud ba kayo sa akin? Noong naipasa ko ang sobrang hirap na exam namin And take note, ako pa ang nakakuha ng highest score sa amin Kahit pa naging paboritong biktima ako ng mga inggiterang palaka Eh ano naman, hindi ko naman nakukuha ang grades ko sa kanila Ma, Pa, proud ba kayo sa akin? Noong nakuha ko na ang aking puting diploma Nagka-stiff neck pa ako dahil sa bigat ng mga medalyang isinuot nila sa akin Ngunit alam niyo ba kung ano yung masakit? Iyon ay dahil hindi kayo mismo ang nagsuot ng mga medalyang iyon sa akin Proud ba kayo sa akin? Ako’y malapit nang magtapos ng kolehiyo Nakarating ako hanggang dito kahit walang tulong niyo Malapit na’kong makatapos ng isa na namang kabanata ng buhay ko Sana’y maging interasado na kayong basahin ang kawawang librong ito Proud ba kayo sa akin? Habang harap-harapan ko sa inyong ginugupitan ang mahaba at madulas kong buhok Para naman hindi na gaanong masakit kapag sinabunot akong muli ni mama Hindi ko na sasayangin pa ang oras na ito upang umamin “Ma, Pa, tomboy po ako.” Proud ba kayo sa akin? Syempre hindi Kaya hindi ko na kayo muli pang tatanungin Ilang beses kong sinubukang magpinta ng ngiti sa inyong mga labi Ngunit sawang-sawa na akong mabigo Kaya’t sa pagkakataong ito, ibang tao na ang aking tatanungin, “Jean, maging proud ka sa iyong sarili!”

Advertisement

This article is from: