
4 minute read
Traje de Boda
Traje-de-Boda ni: John Gabriel Dela Torre
‘Wag mong sukatin ang ‘yong traje de boda, may posibilidad na ‘di matuloy ang kasal niyo.”
Advertisement
Umaasa ako na totoo ang pamahiing ito.
Isang linggo bago ang araw ng aming kasal, walang araw na hindi ko sinukat ang aking wedding gown. Walang araw na hindi ako humarap sa salamin habang pinagmamasdan ang aking sarili. Walang araw na hindi ako tumangis sa pag-asang mag-iiba rin ang ihip ng hangin.
Nagkasundo na ang dalawang partido. Bagamat labag ito sa aking kalooban, batid ko na ang aking pagtutol ay hindi pakikinggan. Ako lamang ang alas ni ama upang makabangon sa pagkakautang ang kanyang kumpanya. Ayaw kong biguin si ama kahit pa binigo niya ako bilang kanyang anak.
Dumating din ang araw ng aming kasal. Bumuhos ang aking mga luha habang tinatahak ang pasilyo ng simbahan. Ang bigkis ng bulaklak na nakadampi sa aking palad ay mistulang naging mga tinik. Hindi pinawi ng mga ngiting sumalubong sa akin ang matinding hapdi at pait na kumukurot sa aking puso. Sa puntong iyon, ako na yata ang pinakamalungkot na babaeng ikakasal sa sansinukob. Masakit kong tinanggap ang mapait na katotohanan. Ako ay magiging isang reyna at isang bilanggo sa isang palasyo na kailanman ay hindi ko ninais ng trono.
Ibang tao ang gusto ko. Ibang tao ang mahal ko. Hindi siya ang lalaking mahal ko at mas lalong hindi lalaki ang mahal ko.
- 24 -

Larawang kuha ni: Allen Hendrix Supan Focal length: 66 mm Aperture: f/5.6


IKALAWANG KABANATA: G
LIHIM NI ADAN
Wangis ni Adan, sa mukha’t pangagatawan, Kanyang tikas at tindig ay ‘di mapapantayan, Hulma ng katawan ay mistulang nakabubulag, Sa totoong sigaw ng puso ay ‘di makapapalag At ang espadang naitarak na sa mga yungib, Sa kapwa sandata rin pala s’ya tunay na iibig Matagal na ikinubli sa loob ng kan’yang kahon, Ang sikretong sumisigaw ng ‘sang rebelasyon Nais n’ya nang lumabas sa kan’yang lungga At maging isang paru-paro na lumilipad ng malaya, Nais n’yang ipagmalaki ang samu’t saring kulay, At ang tunay n’yang persona ay iwagayway, Siya ang karaniwang Adan sa ating pangin, Ngunit Eba ang kaluluwa at hangad ay pantay na pagtingin.
gay /ɡā/ (ibang katawagan) - bakla, vaklush, bading, baki, baklita, badaf, chicksilog, chickboy, badingerzee, joding, sas-we, sister, babaylan depende sa pagkamalikhain ng tumatawag.
- 27 -

Openness may not completely disarm prejudice, but it’s a good place to start.
-JASON COLLINS, GAY
Alas-diyes ng gabi taong 1981, ang mga makukulay na ilaw ay naglalaro sa mapanlinlang na gabi. Hindi magkamayaw ang mga tao sa pagtili sa mga papasok na reyna ng noong Pink Kelpie, isang gay bar sa San Sebastian. Si Rio ay isa sa mga reyna noong gabing yaon. Sa wangis na Audrey Hepburn ay umindak siya kasama ng kaniyang mga kaibigan. Isa lamang sa mga normal na gabi iyon para sa kaniya ng biglang isang lalaki na nagpakilalang Mike ang humawak sa kaniyang kamay.
“Is it fine If we’ll have a drink?” tanong ng Kano.
“Bakla, Inglisero naman pala ang nabingwit mo! Dalian mo na at baka ikaw pa ang mabilasa”.
“I don’t drink. I am sorry”, sagot ni Rio sa Kano
“It’s fine, we could just talk”.
Alak sa Kano, orange juice naman para kay Rio buhat ng may pasok pa siya kinabukasan. Mula sa pagiging reyna ay naging prinsesa si Rio, na nabubuhay sa kaniyang pinapangarap na pangteleseryeng tagpo.
“It would be nice if we heat things up, you know.” bulalas ni Mike.
Dinala ng kano si Rio sa isang malapit na motel at doon naganap ang unang karanasan ni Rio kasama ang isang di-kilalang lalake ipinagbabawal na ligaya. Hindi maikakailang gwapo si Mike pero kahit hindi kagandahan si Rio ay naniwala siyang may pagtingin sa kaniya ang binata dahil sa kaniyang mga maamong salita.

Mahapdi at halos hindi maigalaw ni Rio ang kaniyang mga binti dahil sa nangyari. Ngunit sa kaniyang paggising ay nakita na lamang niya ang mga pera sa naka-iwan sa kama at wala na ang binata. Sinubukang hanapin ni Rio si Mike at doon ay napagtanto niya na naging bayaran siya ng isang gabi at kailanman ay hindi na siya uulit.
Dibuhong gawa ni: Angelo D. Tolentino
Digital Art using Intuos and Photoshop
