1 minute read

PBHS ARNISADORS, KAMPEON SA ARNIS DISTRICT AT DIVISION MEET

Naglabas ng walang kapantay na galing at husay ang mga manlalaro ng Ponciano Bernardo High School sa hilig na larangan ng arnis. Kamakailan lamang, nagwagi sila sa ginanap na Arnis District and Division Competition 2023 na nagaganap sa Ernesto Rondon High School noong ika-12 ng Marso.

Advertisement

Sa Arnis District Competition, hindi matatawaran ang tagumpay na nakuha ng mga arnisador mula sa Ponciano Bernardo High School. Nakamit nila ang kabuuang siyam na gintong medalya at isang pilak na medalya. Ang bilang na ito ay nagpapakita ng kanilang kahusayan at pagsisikap sa pampalakasan.

Hindi naman sila nagpatinag at patuloy na nagpakitang gilas sa Arnis Division Competition. Limang mag-aaral mula sa Ponciano Bernardo High School ang nakakuha ng gintong medalya sa patimpalak na ito. Ang mga nagwagi sa gintong medalya ay sina Janine F. Negrillo, Cassandra P. Rangasa, Alaala G. Romana, Jalile Romel Estuesta, at Ericson L. Carranceja. Bukod pa rito, may tatlong pilak na medalya na nakuha rin ng mga arnisador na sina Edison Carranceja, Jefferson Berba, at Jaztine Zedrick Dela Cruz. Samantala, isang tansong medalya naman ang nakuha ni Ayesha Kiarra O. Anota.

Ang limang manlalarong nagkamit ng gintong medalya ay itatalaga bilang mga kinatawan ng pampublikong paaralan at maglalaban-laban sa darating na Dual-Meet laban sa mga pribadong paaralan.

Naganap ang Dual Meet noong ika-18 ng Marso sa Belarmino Sports Complex. Sa patimpalak na ito, nagharap ang mga arnisador mula sa Ponciano Bernardo High School at ang mga nagwagi sa nakaraang division meet mula sa pribadong paaralan. Ang laban na ito ang magtatakda kung sino ang magiging kinatawan ng Quezon City sa Regional Competition.

Bilang karagdagan sa kanilang kahusayan, nagkamit ng pilak na medalya si Alaala G. Romana sa kategoryang Featherweight para sa kababaihan at si Ericson L. Carranceja naman sa kategoryang Featherweight para sa kalalakihan. Sa kabila ng matinding kompetisyon, nagtagumpay sina Cassandra P. Rangasa (Bantamweight Secondary Girls) at Jalile Romel O. Estuesta (Extra Lightweight Secondary Boys) na makaangat sa Regional Competition dahil hindi nakapasok sa line-up ang kanilang mga kalaban.

Sa larangan ng Chess, si Jeremy Hesita ay nagkamit ng ikatlong pwesto. Nakipaglaban siya nang mahusay sa mga manlalaro mula sa mga paaralang Ramon Magsaysay High School Manila, Camp General Emilio Aguinaldo High School, at Lakan Dula High School. Ang kanyang pagkapanalo ay nagpapakita ng kanyang katalinuhan at diskarte sa laro ng Chess.

Napakahalaga ng mga kompetisyon tulad ng "First Camp Tam tam Sports Edition" hindi lamang sa pagpapakita ng galing at talento ng mga estudyante, kundi pati na rin sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman at karanasan sa isport. Ang mga ganitong pagkakataon ay nagbibigay-daan sa mga manlalaro upang magpakita ng kanilang husay at makipagkumpitensya sa iba't ibang paaralan.

This article is from: