
2 minute read
BUHAY SEKON-DEMYA, GRADWEYTS NA
Sa loob ng apat na taong pagsisikap at pagtitiis sa pagaaral ay magtatapos na ang mga estudyanteng nasa ika-sampung baitang sa darating na hulyo. Ano nga ba ang nararamdaman ng mga kabataan na kung saan ay ga-graduate sila na halos online class ang naranasan sa buong buhay high school nila?
Hindi pa natatapos ang school year noong sila'y nasa grade 7 pa lamang naranasan at nangyari ang pangyayari na talagang nakapagpabago ng pamumuhay ng karamihan at ito ang pandemya na kung saan ay kinakailangang manatili sa tahanan para sa kaligtasan ng bawat isa. Yung inaakala nating dalawang linggo lang na suspensyon na nagbigay tuwa sa mga kabataan ngunit sa 'di inaasahan ay inabot na ng dalawang taon. Dalawang taong nakakulong sa tahanan at nabago rin ang proseso ng pag-aaral dahil ginawa itong online class para lang mapagpatuloy ang edukasyon ng mga kabataan.
Advertisement
Bukod sa ligayang nararamdaman dahil sa tagumpay na nakayanan nila sa apat na taong pag-aaral sa sekondarya, mas labis na nararamdaman ng bawat isa ang kalungkutan dahil nasayang ang dalawang taon nila na sana ay naranasan nila ang masayang buhay high school. Iba pa rin talaga ang karanasan kapag aktuwal sa paaralan isinasagawa ang pag-aaral. Bukod sa may baon, nakakasama mo rin ang mga kaibigan mo at sama-samang ipinagdidiwang ang mga okasyon sa loob ng paaralan. Mas mapapadali rin ang pagkatuto ng bawat mag-aaral dahil nababantayan sila ng mga guro.
Labis na nanghihinayang ang marami sa dalawang taon na 'yon dahil maraming nasayang na oportunidad na sana nagawa na at napagtagumpayan nila kung hindi nangyari ang pandemya. Nakakalungkot isipin na aalis ang mga estduyante sa paaralan na walang gaanong masasayang memorya na maaari nilang balikan. Katulad nga ng sinasabi ng iba na ang pinakamasayang parte ng buhay estudyante ay mararamdaman mo ng lubos sa buong highschool life mo.
Mabuti na lamang ay nabigyan pa rin sila ng pagkakataon na maranasan ang face-to-face ngayong huling taon sa sekondarya. Naranasan muli ang mga bagay na matagal nang 'di nagagawa tulad ng gigising ng di pa sumisikat ang araw para maligo, kumain, at mag ayos ng sarili dahil papasok na, sunod ay naglalakad o sasakay ng sa lahat poker face na mukha ng mga guro na mas nakakapagbigay kulay sa buhay estudyante namin dahil dito mas pokus ang pagkatuto at siguradong lalabas kami ng paaralan na may natutunan. Gayunpaman kung eksperiensya bilang mag-aaral ang pag uusapan kahit papaano ay nabigyan at naparamdam sa mga estudyante ang buhay ng isang highschool. Bitin man ngunit napunan pa rin ng kaligayahan ang mga puso.
Mga karanasang di tulad ng mga nagdaang magaaral sa sekondarya subalit kaya pa ring ipagmalaki at ipagsigawan na "success kami" dahil di lang buhay highschool ang napagtagumpayan namin kundi pati hamon ng buhay lalo na ng panahon ng pandemya. Masayang magtatapos at haharapin ang mga panibagong hamon sa mga susunod na kabanata ng aming buhay bilang estudyante at indibidwal.
Isinulat ni Cassandra P. Rangasa
Editorial Board
CASSANDRA P. RANGASA
PUNONG PATNUGOT
PRINCESS YSABELLE C. ALBANO
PANGALAWANG PATNUGOT
PRINCES SARAH MAE E. LOZADA
TAGA-PAMAHALANG PATNUGOT
JAZTINE ZEDRICK M. DELA CRUZ
TAGA-PAMAHALANG SIRKULASYON
ROWENA KENNELEEN AIRA L. DULL
TAGA KUHA NG LARAWAN
CASSANDRA P. RANGASA LAYOUT ARTIST
Section Editors
CASSANDRA P. RANGASA
PATNUGOT NG BALITA
CASSANDRA P. RANGASA PATNUGOT NG PALAKASAN
PHOEBE VALERRY PANER
NATHALIE M. PINTOY
TAGA GUHIT NG LARAWAN
PRINCESS YSABELLE C. ALBANO PATNUGOT NG LATHALAIN
PRINCES SARAH MAE E. LOZADA PATNUGOT SA AGHAM AT KALUSUGAN
CASSANDRA P. RANGASA
PRINCESS YSABELLE C. ALBANO
TAGAULO AT TAGAWASTO
Tagapagbalita
ELAIJAH JAMES C. MUYRONG
MIKHAELA LOUISE F. ASISTIO
ROWENA KENNELEEN L. DULL CARL JOSHUA JALIMAO
CASSANDRA P. RANGASA
PRINCES SARAH MAE E. LOZADA
ANTHONETTE FAELDO CYRIL LEONIDO AURORA FRANCESCA C. GALLEGO
ALAALA G. ROMANA
PRINCESS YSABELLE C. ALBANO
JAZTINE ZEDRICK M. DELA CRUZ
MARK JOSEPH JAMBALOS
TAGAPAYO
JOHN PHILIP TORRES
PINUNO NG KAGAWARAN NG FILIPINO
DOMINGA P. CABADIN
PUNONGGURO