1 minute read

KALUSUGAN SUSI SA KINABUKASAN

Sa kasalukuyan ang Feeding Program ng paaralang Ponciano Bernardo High School ay mayroong 35 na kabuoang bilang ng estyudante na binubuo ng ika-7 at 8 baitang na mag-aaral na naglalayong masolusyonan ang malnorisyon at kakulangan sa timbang ng mga bata.

Advertisement

Dalawang beses sa isang linggo isinasagawa ang feeding na inihahanda ng GPTA officers , tinatayak ang bawat pagkain na ihahain sa mga mag-aaral ay masustansiya at hindi naprosesong pagkain.

Sa pagsulong ng programang ito mayroong mga grupo ang sumusuporta at nag iisponsor dito tulad ng GPTA officers na naghahanda ng pagkain na ihahain para sa mga bata ; The Rotary of Murphy Cubao na nagbibigay ng ulam at kanin sa mga mag-aaral na parte ng feeding program tuwing huwebes at ang TLE Department na nangangasiwa nito.

Ayon sa datos na ibinigay ni Ginoong Marlon Trinidad; ang bilang ng mag-aaral na malnourished at kulang sa timbang noong Setyembre ng taong 2022 ay 8 sa ika-7 baitang at 3 sa ika-8 baitang na bumababa naman nitong Marso taong 2023 na ang bilang na lamang ay 3 sa ika-7 baitang at 2 sa ika-8 baitang.

Pangunahing layunin ng pampaaralang programang ito ay maitaguyod ang mabuti at wastong kalusugan ng bawat mag-aaral na nag lalayong makapagbigay sigla at saya sa bawat mag aaral nang makapag-aral ang mga ito ng mahusay gayonpaman , disiplina sa sarili at tamang pangangalaga sa kalusugan ay ang susi sa kinabukasan.

This article is from: