2 minute read

DEJA VU

Do you get déjà vu?," ani ng isang Filipino-American Singer na si Olivia Rodrigo sa kaniyang kantang Deja Vu na talaga namang sumikat sa buong mundo. Pero ang salitang "DEJA VU" ay pwede natin maiuugnay sa kalagayan ng mga mag aaral sapagkat may inihandang supresa ang DEPED para sa mga ito. Handa ka na ba buong kantahin ng Deja Vu ni Olivia Rodrigo este ang ASYNCHRONOUS CLASSES ng DEPED?

Nararamdaman mo na ba ang init ng panahon o hindi kaya ang init ng dugo mo dahil muling ibabalik ang asynchronous classes? Hay nako! Ang sobrang init ng panahon naman ang naging dahilan kung ipinapa- tupad ng DEPED ang asynchronous classes sa loob ng dalawang linggo. Mukhang hindi muna magkakaroon ng baon at hindi na naman ligtas sa mga gawaing bahay. Naiinip na nga tahanan, gusto pa ipagpatuloy ang pag-aaral sa bahay.

Advertisement

Nitong mga nakaraang linggo labis na tumataas ang temperatura ng init na higit pang tumataas sa bawat araw na lumilipas , ani nga ng mga tao ay lumalapit ng dahan dahan ang araw sa Pilipinas. Kapag tayo pumapasok sa paaralan, sumasabay ang init ng panahon sa ating pag-aaral kung kaya ay nasisingit natin makihiram ng mahiwagang pamaypay upang maibsan ang kainitan. "Beh, pahiram nga ng pamaypay mo ang init kasi e," reklamo ng mga estudyante sa sobrang init ng panahon. Isa sa mga pangarap natin ang magkaroon ng air conditioner o mas kilala bilang aircon sapagkat nagtataglay ito ng malalamig na hangin upang malabanan ang kainitan. Pero ano nga ang epekto ng mainit na panahon sa mga magaaral? Ang epekto nito ay umaasim ang simoy ng hangin, biro lang baka may matamaan!

Malaki ang naging epekto nito sa mga mam-

Bilang anak at estudyante, kailangan mong maging masipag at matiyaga sa ano mang gawaing nakaatas sa'yo. Iba ang gawain sa tahanan at iba rin ang gawain sa paaralan. Ngunit kadalasan ay nahihirapan tayong balansehin ito. Halimbawa na lamang nito ay uuwi ka nang pagod galing sa paaralan dahil sa maraming ginawa tulad ng pag eensayo ng sayaw at pag kumpleto ng mga proyekto. Ika'y pagod na pagod na ngunit pag-uwi mo naman sa tahanan ay may responsibilidad ka parin bilang anak na gawin ang gawaing bahay. Minsan ay tinatamad nang gumalaw dahil sa pagod at gusto nang magpahinga ngunit pinapagalitan naman kapag hindi sumunod.

Kadalasan, mas gusto ng mga estudyante na tumambay o manatili nang matagal sa paaralan pagtapos ng klase. Ito ay para magkaroon sila ng oras na makasama ang kanilang mga kaibigan, sapagkat pagdating nila sa tahanan, hindi na sila pinapayagang lumabas o kaya magkaroon ng panahon para sumaya matapos ang nakakapagod na araw sa paaralan. Ang iba naman ay ito ang paraan upang makatakas sa mga gawaing bahay sa tahanan pero meron din iba na ayaw pa talaga umuwi nang maaga dahil sa "family problems" na nararanasan sa tahanan.

Sa kabilang banda, mas nais umuwi ng mga estudyante nang maaga dahil gusto nila maglaro sa gadgets o kaya naman gusto makapagpahinga at makatulog sa hapon. Meron ding mga estudyante na kinakailangan umuwi dahil maraming takdang aralin na binigay ng mga guro.

Iba't-iba ang pananaw ng bawat isa ngunit pero-pareho parin ang ating nararanasan at iyon ang makaranas ng pagod sa paaralan man 'yan o sa tahanan. Kinakailangan nating maging matatag at responsableng tao sa pag-aasikaso ng mga gawain pero hindi ibig sabihin nun na hindi ka na pwede mag pahinga. Kinakailangan mo rin maglaan ng oras sa iyong sarili para mapanatili ang lakas at resistensya sa pagharap ng pagsubok sa bawat araw. Masarap damdamin ang bunga o tagumpay kung tunay mo talaga itong pinaghirapan.

This article is from: