
2 minute read
HINDI KO NA KAYA!
Maraming isyung pangkalusugan ang kinakaharap ng bawat isa sa lipunan. Isa na rito ang Mental Health na kung saan ito ay tumutukoy sa takbo ng ating pag iisip na binubuo ito ng ating emosyonal, sikolohikal, at social na kalusugan. Pero ang tanong ngayon ng iilan, lagi bang malusog ang kalagayan ng ating kalusugang mental?
Madalas ang mga kabataan ang nasasangkot sa mga problemang pangkaisipan, nagbibigay sila ng mga rason kung bakit ganoon ang kanilang nararamdaman. Abuso, trauma galing sa pamilya, pagiging mapag-isa at marami pang dahilan na hindi kayang bilangin gamit ang kamay. "Bakit ganito ang nararamdaman ko parang ang bigat sa loob," mga salitang madalas na naririnig sa mga taong nakakaramdam ng mabigat na problema na dumadamay sa kanilang kaisipan.
Advertisement
Mahirap i-resolba ang ganitong sitwasyon, karamihan ay ayaw magpakonsulta sa doktor sapagkat gagastos daw sila sa isang maliit na bagay o kaya naman ay mas pipiliin na lamang nila i-sarili ang problema dahil natatakot silang masabihan na nagi-inarte o gumagawa ng isang drama. Nagdadrama lang ba talaga o sadyang nadarama lang ang lubos na kalungkutan?
Ayon sa WHO o World Health Organization, ang depresyon ay isa sa mga pangunahing sanhi ng kapansanan. Ang pagpapakamatay ay ang ikaapat na nangungunang sanhi ng kamatayan sa mga 1529 taong gulang. Sa madaling salita, kabataan talaga ang laging nadadamay sa ganitong uri ng problemang pangkalusugan. Nagkakaroon ang isang tao ng mga suicidal thoughts sapagkat hindi niya na alam ang magiging solusyon sa problemang kaniyang hinaharap, halos mabaliw na siya sa kaniyang lubos na pag-iisip sa mga negatibong bagay na nagsasanhi ng suicide o pagpapakamatay.
Hindi rin naging malusog ang paligid na kaniyang
Hindi rin naging malusog ang paligid na kaniyang kinagagalawan, halimbawa nalang dito ang ay mga nangyayaring problemang pam-pamilya. Pwede rin ito maging sanhi ng kaniyang kalungkutan na maaari pang lumalala kung hindi pa ito maaagapan.
Nararamdaman din niya na walang sino man angumiintindi sa kaniya o di kaya ay hindi niya mabatid kung sino pwede niyang masabihan ng problema upang matulungan siya. Hindi ito nakakapag-isip ng maayos dahil walang tumutulong at gumagabay sa paggawa ng desisyon niya sa mga problema.
Hindi natin masisisi kung bakit nga ba ganoon ang kanilang dinadama. Sadyang hindi natin nakikita ang ugat ng kanilang kalungkutan, sa halip ay sinasabihan natin silang maarte o walang alam sa pagiisip ng mga tamang hakbang upang matugunan ang iniindang suliranin.
Ilalahad ko sa inyo ang nangyari sa isa sa mga mahal ko sa buhay na nagkaroon ng mabigat na suliranin at hindi niya naagapan kaya ay ikinitil niya ang sarili niyang buhay. binata. Nakilala ko siya nung kami'y nagbakasyon sa aming probinsya. Siya ay isa mga masiyahing tao na nakilala ko, madalas nung sa probinsya pa ako, gumagawa siya ng mga biro na lubhang nagpapasiya sa akin.
Nakatabi ko pa siya matulog kasama ang isa naming pinsan. Ito ang isa sa mga memorya na hindi ko malilimutan kailanman. Pero nakalipas na ang matagal na pahanon simula ng aking pagkikita. Nag-uusap kami gamit ang isang sikat na Messenger upang magkamustahan sa isa't isa. Sinasabi niya na turuan ko raw siya sumayaw.
Pero ang gumuho ang mundo ng aking pamilya nang malaman namin na sumakabilang buhay na ang aking pinsan. Agad naming tinanong sa kamag anak namin kung ano ang naging sanhi ng kaniyang kamatayan, nagulat kami sa kanilang sinabi na ikinitil niya ang sarili niyang buhay. Nagsulat daw siya ng liham bago niya ginawa ang pagpapakamatay. Sobra kaming nagsisisi sapagkat hindi man lang nakapunta sa probinsya ulit upang kamustahin ang kaniyang pamilya. Huli na ang lahat at nangyari na ang kinatatatakutan.
Walang masamang lumapit sa mga taong komportableng kausapin tungkol sa mga problema. May mga matalino rin tayong mga doktor upang matukoy ang kalungkutan at palitan ito ng kasiyahan. Ani ni John Green, " There is hope, even when your brain tells you there isn’t isn’t".