
1 minute read
SAYAW DITO, KANTA DOON
PAGTAKAS BA ANG SOLUSYON O KAILANGAN LANG NG TAMANG DESISYON?
Madalas nating naririnig ang mga salitang "Anak, bili mo nga ako nito" o "Anak, huwag kang palaging nasa cellphone, mag hugas ka naman" sa tahanan kapag nakikita ng mga magulang ang kanilang mga anak na abala sa mga selpon nila. Utos doon utos dito, di na alam kung ano uunahin sa bawat utos sa'yo. Sa paaralan naman ay halos proyekto ang madalas inaatupag. May reporting, pag ensayo ng mga sayaw, pagsusulit at iba pang aktibidad sa paaralan. Para sa'yo, ano ang mas nais mo, sa tahanan o sa paaralan?
Advertisement
Kringggg! “Recess na!” “lunch na” “kain na tayo,” yan ang karaniwan mong maririnig sa iyong mga kaklase kapag tumunog na ang bell, pero na rinig mona ba ito kapag recess niyo na? “huy beh tiktok tayo may bagong trend ngayon oh” sigurado ako narinig mona yan sa iyong mga kaklase at di na bago sa'ting pandinig.
“Ay tara beh bet ko yan!” makikita mo na lang sila nasa hagdan, nasa isang sulok o kaya naman ay nasa Covered Court, sayaw dito sayaw diyan lipsing dito lipsing diyan mapa-babae man yan o lalake.
Alam mo ba kung bakit maraming kabataan ngayon ang gumagamit ng tiktok? bakit nga ba? may ideya ka ba? Dahil ito na ang naging libangan ng mga tao simula noong naranasan natin ang dalawang taong pandemya na halos nasa loob lamang ng tahanan para sa kaligtasan kaya naman nauso ito sa Pilipinas at sa buong Mundo.
Halos dito na ibuhos ang buong oras ng mga kabataan ngayon, scroll lang nang scroll sa tiktok mayroon na ngang ibang ibang kabataan ngayon na ayaw nang lumabas ng tahanan dahil gusto na lang mag selpon at mag tiktok.
Pero teka lang! may mapupulot ka ba na aral dito sa tiktok na ito? meron nga ba? Siguro nga ay meron dahil hindi lang ang mga trending ang kinagigilawan ng mga kabataan, kundi ang pagkatuto sa mga bidyo na tiyak na may kinalaman sa kanilang pag-aaral katulad ng paano gumawa ng isang essay o sanaysay, paano resolbahin ang isang komplikadong math equation at marami pang iba. Kahit maik- siguradong may matututunan ka at may mapupulot kang aral, Ika nga gumawa ng paraan sa lahat ng problema at wag ito iyakan. Bagkus ito'y idaan sa masaya at mabisang pamamaraan.
Iba na nga talaga ang mga Kabataan, selpon na ang bagong lata ngayon samantalang dati kahit tanghaling tapat ay naglalaro ng tumbang preso, piko, patintero, holen at marami pang mga laro na ang sarap balikan at laruin.