
1 minute read
MASUSTANSIYANG GULAY, MALUSOG NA MAG-AARAL
Isinagawa sa Paaralang Ponciano Bernardo High School ang proyektong

Advertisement
Gulayan sa Paaralan kung saan magtatanim ng isang uri ng gulay na iniatas ng guro ng agham sa kaniyang mga magaaral sa ika-9 at 10 baitang, nagsimula ngayong taong panuruan 2022-2023 na ginawang "performance task".
Ayon kay Gng. Susana Zamora, guro sa agham na nagbigay ng proyektong ito sa magaaral ng ika-9 at 10 baitang na kanyang tinuturuan " Ang proyektong ito ay kasama sa mga pamantayan na kakailanganin nila upang maipasa ang kaniyang asignatura ngunit lingid sa kaalaman ng mga estyudante , na ang kanilang gulay na itinanim ay siya ring aanihin at iuuwi sa kanilang tahanan para dagdag pagkain na ihahain sa kanill-kanilang hapagkainan.
Nakakatulong ang proyektong ito sa mag aaral kung saan may pangunahing layunin na mabigyan ng karagdagang pagkain na ihahain sa kanilang hapagkainan ang mga es- tyudante gayunpaman wag nating kalimutan na kumain ng gulay sapagkat ang pagkain ng gulay ay magreresulta ng mahabang buhay at magandang kinabukasan.
Base nga sa "site" na Mediko.ph , ang gulay ay nagtataglay ng mga mineral at bitamina na makakatulong sa katawan na ang halimbawa naman nito ay ang mga gulay na kamatis na mayroong mataas sa bitamina A ; mustasa na nagtataglay ng mataas na bitamina C ; repolyo na mayroong bitamina B at marami pang iba na hindi gulay ngunit puno ng sustansiya tulad ng prutas na makakapagbigay sa atin ng kinakailangan na sustansiya kung kaya huwag nating kalimutang kumain ng masustansiya sapagkat ang masustansiyang pagkain bawat sakit ay kakayanin.

Isinulat nina Elaijah James Muyrong, Princes Sarah Mae Lozada, Anthonette Faeldo, Cyril Minglanilla, Carl Joshua Jalimao.