1 minute read

PAGBABAGO O PANGANIB , ALIN ANG HAHARAPIN?

Patok na patok sa ngayon, ang

AI model na ChatGPT, na nakabatay sa teknolohiyang GPT-3.5 ng OpenAI. Ang GPT ay nangangahulugang "Generative Pre-trained Transformer". Sinanay sa malawakang impormasyon ang nasabing teknolohiyang at nagkaroon ng kakayahan na likhain ang mga tugon sa mga katanungan, magbigay ng impormasyon, magpakita ng mga ideya, at makipag-ugnayan sa mga tao nang natural at makabuluhan. Ito ay maaaring magamit mapa estudyante ka man o trabahador, ang model na ito ay kayang magamit ng lahat.

Advertisement

Kung ang paggamit ng AI o Artificial Intelligence ay hindi nakakatulong upang umunlad ang kasanayan o kaalaman at ginagamit lang para sa pandaraya, hindi ito inuudyok na gamitin, lalo na sa pagpapasa ng mga assignments, projects, at research.

Malaking pagbabanta rin ito sa mga trabaho sa kadahilanang maaaring ang mga robots nalang ang pumalit dito.

Masasabing aprubado lamang ang paggamit ng AI kung ito ay sinasanay ka upang ika'y mas maging dalubhasa sa paglikha. Kung patuloy man na napapanahon ang paggamit nito, inaanyayahan na gamitin ang AI model nang wasto para sa ikakaganda ng Mundo.

Tunay nga namang nakakamangha ang AI, at sa puntong ito, tila posible na ito na mismo ang maging kapalit ng mga tao. Hindi pa tiyak ng lahat kung dapat bang malaki ang posibilidad na magkakaroon ng pagkabahala sa pagtukoy kung ang isang gawa ay mula sa isang tao o sa AI model na ito. Ang labis na pagbabago ay maaaring magdulot ng kawalan ng tiwala at kalituhan sa pagitan ng mga tao o isang malaking matagumpay na bagong imbento.

This article is from: