
1 minute read
TATLO BUONG-ARAL
Inanyayahan ang paaralang Ponciano Bernardo High School na mapanood ang isang theater production na pinamagatang “Tatlo Buo The Second Chance” sa panulat at direksyon ni Rommel “Chaps” Manansala upang magbigay aral at kasiyahan sa mga guro at estudyante nitong noong ika-19 ng Pebrero sa SM North Skydome, Quezon City.
“Halo-halong emosyon may malungkot, may masaya, may nakakaiyak.” saad ng gurong si Marlon Trinidad na isa sa nakapanood nito.
Advertisement
“Dapat mag patawad ka lalo na sa magulang, siyempre dapat mahal natin sila kahit anong mangyari ’di ba? ’yung Diyos nga nag papatawad, magulang pa kaya?” komento pa nito ukol sa aral na kaniyang natutunan mula sa napanood na teatro.
“Magkaroon ng time sa family mo, especially sa mga time na kailangan ka talaga nila, parang ’yun talaga ’yung pinaka-main point na aral na nakuha ko.” banggit ng isang estudyante.
Tatlo Buo “The Second Chance” dinaluhan ng mga estudyante sa PBHS
Ayon pa rito, excitement kaagad ang kaniyang naramdaman noong nalaman niyang manonood sila ng isang teatro at siya’y excited sa plot na mangyayari sa mapapanood na kwento.



Talaga namang sulit ang pagpunta at panonood ng mga estudyante sa obra maestra na ito dahil ang layunin nito ay magbigay ng aral sa mga tao na maaari nating iugnay sa ating magiging karanasan tulad ng paglutas ng mga problema o pagsubok sa buhay.
Makikita talagang hindi nasayang ang oras ng mga guro at estudyanteng naglaan ng oras pumunta at manood ng Tatlo Buo “The Second Chance”, dahil tumatak sa kanila ang mga eksenang naganap sa teatro na ito, isa na ring dahilan nito ang mga magagaling na aktor na gumanap at nagbigay ng halo-halong emosyon sa mga manonood.
