
2 minute read
BALITA BAGONG SIKAT
uwan ng Enero nang ganapin ang Math Month na may temang “Mathematics for everyone!” na may mga patimpalak na inihanda ng mga guro sa matematika na sinalihan ng mga estudyante sa loob ng paaralan. Nakiisa naman ang lahat sa mga inihandang patimpalak at mag ginita ng mga nanalo sa bawat patimpalak.
Para sa patimpalak na Zumbayawit na sinalihan ng mga estudyante kada seksyon na mula baitang 7 hanggang baitang 10. Ito’y kanilang ponaghandaan ng ilang linggo upang iprisinta sa mga gurong manonood sa kanila sa kani-kanilang silid aralan. Ang mga nanalo naman ay ang, 8 Narra na nakakuha ng 3rd place, sumunod ang 7 Masunurin na nakakuha ng 2nd place, 9 Aguilar na na-
Advertisement
Mathematics Month
kakuha ng 1st place at ang kampyon ang ang seksyon 10 Aguinaldo
Nagpakita ng kagalingan at katalinuhan sa matematika ang mga sumali sa mathematics quiz bee at ang mga nagwagi naman ay sina, Phoebe Valerry Paner, Nicole Magno, Princess Albano na nakakuha ng 2nd place, para naman sa nakakuha ng 1st place ay sina Jascha Renee Kurt Dionisio, Deyniel Angelique Avila, Dennis Ortiz, Matthew Andrei Ortega Aquino, at ang kampyon naman sa mathematics quiz bee ay sina John Vincent Manatad, Jaztine Zedrick Dela Cruz, Steven Arzel Pancho, Albert.



Sa katergoryang DaMath naman na kinalahukan ng nasa baitang 9 at 10 na nagpagalingan sa larangan ng matematika. Para sa baitang 10 na nagwagi sa damath ay sina, Jessie Jones Eñego na nakakuha ng 2nd place, 1st place naman si James Philip G. Quiday, at ang kampyon ay si John Vincent Manatad. Para naman sa baitang 9, ang mga nagwagi ay sina, Deyniel Angelique Avila na nakakuha ng 2nd place, 1st place naman si John Carlo Landicho, at ang kampyon naman ay si John Romar Agbayani.


Hindi mawawala ang patimpalak sa poster making na sinalihan ng mga estudyante na talaga namang pagkamalikhain. Ang mga nagwagi ay sina, Shamielle Salmo na nakakuha ng 2nd place, Jewi Morales naman ay nakakuha ng 1st place at ang kampyon naman ng poster making contest ay si Chloe Tañedo.
Mapeh Month
Malugod na ipinagdiwang ng mga estudyante ang Mapeh Month nitong Pebrero na may temang "Ani ng Sining bunga ng Galing." Matagumpay at masigla ang naganap na paligsahan na inihanda ng mga guro sa Mapeh, kung saan nagningning ang husay at talento ng mga mag-aaral sa iba't ibang disiplina ng isport. Hindi lamang ito isang pagpapakita ng kagalingan, kundi pati na rin ng kanilang dedikasyon at determinasyon na magtagumpay.
Subalit hindi lamang sa paglalaro ng mga laro umikot ang selebrasyon. Nagpakitang-gilas rin ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang pagmamahal sa isport. Kasabay ng mga paligsahan, iba't ibang seksyon ng mga mag-aaral ay nagtanghal ng kanilang mga napiling isport, naglakad ng may suot na sports equipment na nagpapahayag ng kanilang dedikasyon at pagmamahal sa mga laro.
Bilang bahagi ng Mapeh Month, hindi rin nawala ang tradisyunal na patimpalak na Mr. & Ms. Intramurals. Sa nag-aalab na patimpalak na ito, sina John Benidict Indon at Jascha Renee Kurt Dionisio mula sa Grade 10-Del Pilar ang nagpakitang-gilas at nagwagi ng 2nd Place. Gayundin, naghatid ng karangalang makamit ang titulo ng 1st Place sina Neil Brandon De luna Vildad at Princess Ysabelle Albano mula sa 9-Aguilar. Ngunit ang tunay na bituin ay sina Jim Cesar Soriano at Desa Denise Jarlego, ang pinakamahusay na nagpakita ng kanilang husay at nagwaging kampeon ng patimpalak na ito pinakamahusay na nagpakita ng kanilang husay at nagwaging kampeon ng patimpalak na ito.



Sa pamamagitan ng Mapeh Month, ipinakita ng mga estudyante ang kanilang mga talento at husay hindi lamang sa mga isport kundi maging sa iba't ibang aspekto ng sining. Ang kanilang pagkakaisa, dedikasyon, at husay ay naging pundasyon ng kanilang pag-unlad bilang mga indibidwal. Ang tagumpay ng Mapeh Month ay nagpapatunay na patuloy na binibigyang halaga at suporta ang sining at isport sa loob ng paaralan.


Lubos na pinapurihan ang mga mag-aaral sa kanilang tagumpay at pagpapakita ng kagalingan sa Mapeh.
Sumabak sa iba't ibang laban ang mga estudyante. Sa kategoryang Volleyball, mga kampeon ang mga mag-aaral mula sa Baitang 10, habang sa Basketball, matagumpay na nagwagi ang mga estudyante mula sa Baitang 9. Sa huli, ang Badminton ay nagresulta sa isang maigsing patas na laban, kung saan lahat ng mga kalahok ay nagkamit ng sertipiko bilang gantimpala.