1 minute read

ENGLISH MONTH

Ginanap naman ang English month sa buwan ng Nobyembre na may temang “Reliving the past and embracing the future through Philippines literature”. Nagpakita at naglabas ang mga lumahok ng kani-kanilang mga kagalingan sa Iba’t ibang aktibidad kagaya ng, Literary Impersonation Contest, spelling bee, essay writing, impromptu speech, Best in Creative Story, at shempre ang choir speech na inihanda ng mga guro sa 3nglish na nilahukan ng mga mag aaral mula baitang 7 hanggang 10.

Ang katibidad naman na improptu speech na nilahukan ng mga nasa baitang 9 na nagpakita ng kani-kanilang galing sa paglahad ng kanilang sagot, ang mga nagwagi naman ay sina Jude Advincula mula sa 9 Aguilar na nakakuha ng 1st runner up, para sa 2nd place ay nakuha ni Alfonso Adonis, at para naman sa 3rd runner up ay si Joen Elijah Domingo mula sa 9 Del Rosario.

Advertisement

Sa kategoryang Essay writing naman na nagpabonggahan ng pagsulat ng kani-kanilang mga sanaysay at nilahukan ng mga nasa ika-10 baitang, ang mga nagwagi para sa 1st runner up ay si John Vincent Manatad mula sa 10 Aguinaldo, para sa 2nd place ay si Janell De Belen mula sa 10 Mabini at para naman sa 3rd place ay si Derick Manansala mula sa 10 Bonifacio.

Para sa aktibidad na Literary Impersonation ang mga nagwagi ay sina, Beatrice Gueverra Sayco na nakakuha ng 3rd place, si Chloe Marie O. Tañedo na nakakuha ng 2nd place, si Derick Manansala na nakakuha ng 1st place, at ang itinanghal na BEST LITERARY IMPERSONATION ay si Jarred Lumibao mula sa 9 Del mundo.

At ang huling aktibidad na isinagawa para sa pagtatapos ng English month ay ang speech choir na kinalahukan ng lahat ng seksyon mula baitang 7 hanggang sa baitang 10. Nagpakitang gilas ang bawat seksyon. Bawat seksyon ay nagtulong tulong upang magawa ang kanilang presentasyon sa speech choir at talaga namang naging matagumpay ang kanilang representasyon at matapos mamili ng bawat guro sa bawat seksyon na lalaban sa lahat ng baitang ay ginanap naman ito ng matagumpay at matiwasay. At ito ang mga nagwagi para sa speech choir, 7 Magalang para sa 3rd runner up, 8 Acacia para sa 2nd runner up, 1st runner up naman ang 10 Aguinaldo at ang hinirang sa kampyon ay ang 9 Aguilar.

Sa aktibidad naman na spelling bee, na nilahukan ng mga nasa ika-7 na baitang, at talaga namang nagpakita ng kanilang kagalingan at narito ang mga nagwagi, para sa 1st runner-up ay si Cylar Caleb Bernal mula sa 7 Matapat, ang 2nd runner-up naman ay si Christian Paul Abalon 7 Maagap at para naman sa 3rd runner-upay si John Ayein Carticiano mula sa 7-Maagap.

Para naman sa creative story telling na kinalahukan ng mga nasa baitang 8 at nagkaroon ng nag iisang panalo na si Ayyellah Freya Salvosa mula sa 8 Kamagong.

This article is from: