1 minute read

MAPANGHAMONG KAPALARAN, SWERTE KUNG MAIWASAN

saan sakay ng na-aksidenteng bus ang isang guro na nasawi at 46 na elementary school teachers sa Quezon City ang natagpuang sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan na school bus sa kadahilanang nawalan ng preno sa Vicinal Road, Brgy. Tala, pasado alas-11 ng umaga.

Marami na ang nagiging balita tungkol sa mga aksidenteng nangyayari sa bangin na kadalasan ay ang mga nakakaranas nito ay mga bus na dumadaan dito. Katulad na lamang nung nangyari sa Orani Bataan noong ika-5 ng Nobyembre na kung

Advertisement

Nanggaling ang mga guro sa isang seminar na inorganisa ng ahensya na ginanap sa Payatas Elementary School sa Quezon City upang dumalo sa Capacity Building and Wellness Activity na kung saan ay ngayon nalang muli nagsama-sama ang mga Gender And Development Coordinators sa kabila ng 2 taon ng pandemya. Ayon sa dalawang guro ng Ponciano Bernardo High School na sina Cassandra Vilacorte at Christine Joy Jabagat, itinuturing na nila na pangalawang buhay na nila iyon matapos nila matuklasan na ang isang kasama nila na bus ay nahulog sa bangin. Ayon sa kwento ni Bb. Vilacorte, mayroong 3 bus na sasakyan ang mga guro na kung saan sa bawat bus ay may dalawang divi- sion na magkasama at sila ay dapat magkikita kita sa division office. Sila raw ay dapat nakasakay sa naaksidenteng bus. naaksidenteng bus. Pinasakay sila sa unang bus ngunit pinalipat din sila agad sa pangatlong bus.

"Noong nasa byahe kami, napansin ng ibang nakasay na isa sa mga bus namin yung nahulog.Nung una ay 'di pa naniwala tapos noong hininto nila ang bus para tignan ay doon namin napagtanto na isa nga sa bus namin" sinambit ni Bb. Vilacorte. Umiyak ang ilan sa kanila sapagkat nakasakay doon ang iba nilang kasama.

Dagdag pa niya, nagbigay ito ng trauma sa kanya dahil sa tuwing sumasakay siya bus ay naaalala niya ang nangyari sa aksidente idente. Tila ba ang swerte nila sapagkat hindi sila nakasama sa naaksidenteng bus. Napaisip siya na kung siya ay nandon ay sa tingin niyang hindi niya talaga kakayanin kung babasehin sa kondisyon niya na mahina ang pangangatawan. Isinulat ni Cassandra P. Rangasa

Sa loob ng Ponciano Bernardo

High School mula Agosto 2022 hanggang Pebrero 2023, hindi nagpatalo ang bawat estudyante sa mga patimpalak na inihanda ng iba't ibang organisasyon at clubs ng ating paaralan.

Hindi lamang nagtagumpay sa larangan ng akademiko, kundi pati na rin sa mga kultural at palakasan na patimpalak. Sa tuwing may patimpalak, handa silang ipakita ang kanilang mga natatanging disenyo at mga talento. Ang kanilang malalim na kaalaman at husay sa mga larangan tulad ng matematika, agham, panitikan, at iba pa, ay naging basehan ng kanilang tagumpay.

Buwan Ng Wika

"FILIPINO AT MGA KATUTUBONG WIKA: KASANGKAPAN SA PAGTUKLAS AT PAGLIKHA"

This article is from: