3 minute read

BUMIDA SA SIPNAYAN, UMANGAT SA IKATLONG KARANGALAN

Nagsasagawa ng Food Augmentation Program ang Ateneo de Manila University na kung saan ay nagbabahagi sila ng 250 food packs kada batch, isa ang Ponciano Bernardo High School ang maswerte nabigyan ng programang ito para ipalaganap ang tamang kalusugan.

Advertisement

Ani ni Gng. Melanie Santos ay isa ang ating paaralan sa buong Quezon City ang mapalad na nakikinabang sa programang ito at ang food pack ay kadalasang binubuo ng mga gulay, root crops, at prutas na direktang galing sa mga magsasaka sa Mountain Province, Nueva Ecija, at Bulacan.

“Kada seksyon sa bawat baitang pumipili ang mga guro ng 10 estudyante na bibigyan na sa tingin nila ay nangangailan nito at ang tanging kinakailangan lamang bilang patunay ay litrato na nagbababa ng gulay, pinamimigay ang gulay, niluto ang gulay, at kung sino ang mga estudyanteng nakakatanggap ng gulay kasama ng lagda ng estudyante na katunayan nakuha ng maayos ang gulay,” wika ni Gng. Santos. Dagdag pa niya, kapag naluto na ang ibinigay na gulay ay kinakailangang kuhanan ng litrato bilang ebidensiya na naluto ang gulay, kinain ng bata ang gulay at hindi binenta o ipinamigay.

Layunin ng Food Augmentation Program na ito ay pakainin ang pinakamaraming bansot o malnourished na mga mag-aaral sa pampublikong paaralan upang mapabuti ang mga resulta ng edukasyon at ang pangunahing layunin ng programang ito ay tumulong sa iba't ibang school na walang hinihinging kapalit, tanging kawanggawa lamang.

Inirepresenta ng apat na mag-aaral ang paaralang Ponciano Bernardo High School na pinili mula ika-pito hanggang ika-sampu na baitang upang ipakita ang husay at galing sa sipnayan sa ginanap na Tagisan sa Sipnayan v2. 3.1416 na may temang "Mathematics For Everyone" noong ika- 28 ng Marsosa Paaralan ng San Bartolome High School.

Ani ni Jessie Jones Enego, isa sa mga pambato ng paaralan sa patimpalak "kinakabahan ako kasi kasama ko lahat ng magagaling sa math sa ibat ibang school."

Dagdag pa ni Enego "Sobrang saya halos maluha luha na ako kasi unexpected na makakasali ako sa top 3."

"Sobrang hirap talaga makipag sapalaran sa mga taong likas na matalino sa larangan ng sipnayan kaya isang malaking pagsubok ang pagsali ko rito," wika ni Jessie Jones.

“Noong araw na iyon, halo-halong mga emosyon talaga yung nararamdaman ko sa puso ko kasi syempre sino ba naman ang hindi matatakot sa mga kalaban mo na galing sa pribadong paaralan at sobrang dami na nilang nalalaman sa mga ganitong paksa. "Pakiramdam ko noon ay parang bumabaw yung self-esteem ng sarili ko dahil ramdan ko sa galing ng mga kalaban na hindi ako karapat-dapat na maging representative ng grade level ko kumpara sa galing ng mga kalaban ko," ani naman ni Steven Arzel Pancho, estudyante mula sa ika-8 na baitang na lumahok sa paligsahan.

Pinalad naman si Enego at nakapag uwi na ikatlong puwesto, kahit na hindi pinalad na makatungtong sa Division, ay naging masaya ang kanilang paglahok sa nasabing patimpalak.

NEWLY ELECTED SSG, GPTA AT CLUB OFFICERS, NAKI-ISA SA MASS OATH TAKING CEREMONY

Pinangaralan ang Newly Elected SSG, GPTA at mga Club Officers ng Ponciano Bernardo High School sa ginanap na Mass Oath Taking Ceremony noong ika 30 ng Setyembre kasama ang punong guro na si Gng. Dominga P. Cabadin, head teachers, Capt. Christopher Dong Cheng, Councilor Irene Belmonte, Action officer Al C. Flores at mga kagawad ng Rotary Club.

Ani ni Gng. Dominga P. Cabadin ay naging matagumpay ang naganap na eleksyon sa pagtala ng SSG Officers at inaasahan niya sa mga es tudyante bilang kanilang tungkulin sa paaralan.

“ Maraming salamat sa pag imbita sa ganitong okasyon ng paaralang Ponciano Bernardo High School at binabati ko ang mga Newly Elected SSG, GPTA at Club Officers, inaasahan ko na maging instrumento kayo sa pagkakamit ng kaayusan at kapayapaan, magawa niyo nang maayos ang mga tungkulin na ibinigay sa inyo,” wika ni Capt. Dong Cheng sa kaniyang pagbibigay ng talumpati sa lahat.

Dagdag pa ni Dong Cheng ay handa siyang tumulong sa mga programa ng mga officers at officers at bibigyan niya ng suporta ang mga ito sa bawat hakbang na kanilang gagawin para sa kaayusan ng bawat kasapi ng paaralan. Nagbigay naman ng kaunting donasyon si Councilor Irene Belmonte para sa mga programa at aktibidad na nais gawin ng mga organisasyon ng paaralan at magiging katulong din siya ni Capt. Dong Cheng sa pagbibigay ng suporta sa PBHS.

This article is from: