1 minute read

BALITA PAARALANG UMAARANGKADA: MATATAG NA PLANO SA PAGSULONG NG KAUNLARAN!

Matagumpay na inorganisa ang isang pagpupulong noong ika-5 ng Mayo sa ganap na alas-nuebe ng umaga sa Ponciano Bernardo Covered Court na pinamunuan ni Gng. Dominga P. Cabadin (Principal II), punongguro ng Ponciano Bernardo High school na may temang 1st state of the School Address (SOSA) na kung saan ay layunin nitong ibahagi ang mga proyekto, programa at planong naisagawa na at isasagawa palang para sa paaralang ito.

Inanyayahan ang lahat ng magulang mula ika-pito hanggang ika-sampung baitang upang ibatid sa kanila ang mga nangyayari sa loob ng paaralan at mga proyekto, okasyon at planong inorganisa ng paaralan.

Advertisement

Ikinilala ang paaralan bilang kauna-unahang pampublikong paaralan na nagsimula ng "faceto-face classes" dahil mayroon itong sapat na pwesto at mga silid-aralan. Nagtakda ng isang dual and easy enrollment portal project o DEEP, na kung saan ay maaring mag enroll ang mga estudyante mapa-online o onsite.

Ayon sa kanilang pagtatala, mayroong 0% drop out rate ang paaralan ngayon mula una hanggang ika-apat na markahan.

Patuloy na lumalago at gumaganda ang pamamalakad ng mga club at iba pang organisasyon na nakikiisa sa pag unlad ng paaralan kaya naman ay mayroon pang mga proyekto na isusulong at ito ang pagpapaganda ng avr, partnership kay Del monte at Capt. Dong Cheng, papataasan ang perimeter fence, Imelda building, 4 storey 20 classroom, at iba pa.

Nagpasalamat naman ang punongguro sa mga tumutulong sa pagsulong at pagunlad ng paaralan sa paggawa ng mga proyekto, plano at pag organisa ng mga okasyon bawat buwan. Ilan sa mga ito ay ang mga Barangay, School Governance Council (SGC), General Parents-Teachers Association (GPTA), Alumni, at Rotary Club.

Binigyan naman niya ng papuri ang mga mag-aaral na lumalaban mula district hanggang regional mapa-edukasyon man o pampalakasan na kung saan ay talaga namang bumibida ang mga estudyante ng PBHS. Mayroon namang 10 guro na na-promote at may 2 guro na dumating at 1 head teacher.

This article is from: