
1 minute read
BALITA BAGONG SIKAT BRIGADA ESKWELA: BAYANING PAGTULONG PARA SA PAGSULONG

Isinagawa ng mga mag aaral, magulang at guro ang Brigada Eskwela noong ika-walo ng Agosto sa Ponciano Bernardo High School upang mag tulong-tulong ang bawat isa sa paglilinis ng buong paaralan.
Advertisement
Ayon sa Co-head na si Armida Anota, ang organisasyong ito ay pinagplanuhan nang matagal at pinag isipan mabuti bago ito ipalaganap.
"Syempre mahirap din ang prosesong pinagdaanan nito dahil maraming kinailangan asikasuhin tulad ng paghikayat sa mga magulang at mga bata" ani ni Gng. Anota gulang na makilahok dito, mapa-online man o pagtawag sa personal, naging matagumpay ang pagpapatupad ng Brigada Eskwela sa paaralan para sa tamang kalinisan.
Ayon din kay G. Peter Dela Cruz ay medyo mahirap mag organisa nito sapagkat bakasyon ng mga estudyante noon at mahirap magtawag ng atensyon, kailangan gamitin lahat ng mapagkukunan.
MGA
MANUNULAT,
KINILALA AT PINARANGALAN SA KAHANGA-HANGANG
TAGUMPAY NG KANILANG NATATANGING AKDA SA IBA'T IBANG KATEGORYA
Brigada Eskwela upang maging mabisa ito," sambit ni G. Dela Cruz ukol sa pagpapatupad ng programa.
Nagkaroon ng iba't ibang paraan ang mga taong nakatalaga sa programang ito upang mahikayat ang mga mag-aaral at ma-
Pinarangalan ng Gawad Kaagapay Award sina Gng. Armida Anota at Gng. Yvette Maestre na hindi nag-atubiling tumulong sa Brigada Eskwela, na napakahalaga para sa pangangalaga ng kalusugan ng lahat sa pamamagitan ng pagtiyak sa kalinisan ng paaralan.




Pinahayag ni Gng. Anota na ika-4 na taon na isinasagawa ang ganitong pagbibigay gantimpala sa mga taong lubos na sumusuporta sa ganitong okasyon ng paaralan at pinakilala sina Gng. Anota at Maestre bilang Brigada Eskwela Partners, nagpapasalamat sila na naging matagumpay ang programa para sa kaligtasan ng lahat.
Lumahok at nakakuha ng karangalan ang tatlong manunulat ng Ponciano Bernardo High School Filipino Journalism Ang Bagong Sikat noong Disyembre 10, 2023 sa ginanap na District IV Secondary Schools Press Conference na may temang "Campus Journalism: Locally Responsive, Globally Engaged" sa Paaralan ng Eugenio Lopez Jr. Center For Media Arts Senior High School.

Nagpakita ng gilas at talento sa pagsusulat ang mga mag-aaral sa kani-kanilang napiling kategorya kaya naman sila ay nakakuha ng karangalan at ito ay sina Jaztine Zedrick M. Dela Cruz na nakakuha ng ika-7 na karangalan sa Pagsulat ng Lathalain, Princess Ysabelle C. Albano na nakakuha ng ika-8 na karangalan sa Pagsulat ng Lathalain at Phoebe Valerry Paner na nakakuha ng ika-7 na karangalan sa Paglalarawang Tudling.
Nagbigay din ng pagbati ang Punongguro na si Ma'am Dominga Cabadin at mga Head Teachers sa mga manunulat ng PBHS Ang Bagong Sikat dahil sa pinakitang kahusayan at kagalingan sa sa larangan ng pamamahayag.