
3 minute read
BALITA OUTDOOR CAMPING NG BSP QUEZON CITY COUNCIL, NAKIISA ANG MGA SCOUTS NG PONCHING
Nakilahok ang 13 na iskawt ng Ponciano Bernardo High School sa isang camping na isinagawa ng Boy Scout of the Philippines (Quezon City Council) noong ika 21 hanggang 24 ng Disyembre upang salubungin ang pagdating ng pasko.
Ani ni G. John Philip Torres, isa sa mga gurong sumama sa mga batang iskawt na hinding-hindi niya makakalimutan ang karanasan dahil karamihan sa kanila ay hindi pa nakapunta sa ganitong klaseng camping trip.
Advertisement
“Napakasaya talaga na maranasan ang ganitong okasyon na isinagawa ng Boyscout of the Philippines sapagkat ito ang isa sa mga pinakahihintay ko na maranasan nang sumali ako sa Boyscout ng aming paaralan, may mga aktibidad na nagbigay ng magandang aral sa amin, sobrang sulit talaga yung naranasan ko rito,” ani ni Earl John Carranceja, isa sa mga iskawt na sumali sa outdoor camp.
na ikinatuwa ng ilang guro sa PBHS at ang mga ilang iskawt sa iba’t ibang paaralan sa kanilang inihandang sayaw.
Dagdag pa ni Carranceja ay marami siyang naging kaibigan mula sa iba’t ibang paaralan ng Quezon City at nagkaroon siya ng kaalaman ukol sa mga survival hacks, nagpapasalamat din siya sa mga guro na gumabay sa kanila sa buong camping trip.
Sumali sina Princess Ysabelle Albano at Earl John Carranceja sa Scout Got Talent
“Nagpapasalamat ako sa mga mag aaral na lumahok sa ganitong uri programa ng BSP at ikinalulugod ko na nakibahagi ako kasama ang mga responsableng iskawt, sana ay mas marami pa ang sasali sa susunod na outdoor camping,” pahayag ni Mr. Torres matapos bigyan ng sertipiko ang mga iskawt.
“12 am sinend yung message sa facebook page ng school,dahil isa ako sa mga admin, nagising ako ng 6am at binuksan ko yung account, nag pakita sa notifications ko yung threat nga,” sambit ni Mr. Trinidad, ang unang nakakaalam ng bomb threat.
Nagdesisyon ang punong guro na si Mrs. Dominga P. Cabadin kasama ang mga head coordinators na ipaalam agad ito sa PNP kasama ang mga bomb experts upang matukoy kung may bomba nga ba sa loob ng paaralan. Pinababa ng mga guro ang mga estudyante upang pumunta sa court at hindi sa inaasahan ay nagpadala na naman ng mga mensahe si Bob Key Ser na ititigil niya lamang ito kung magbibigay ng pabuya na 100,000.

Nagsagawa ang Cubao Police Station 7 ng isang inspeksyon kung mayroong bomba sa loob ng paaralan at para masiguro ang kaligtasan ng bawat isa. Sa ulat ng pulisya, naging negative ang kinalabasan ang naisagawang inspeksyon ng bomba sa buong paaralan at ginawa nila ang precautionary measures upang masiguro na ligtas ang lahat sa paaralan.
Nahuli na ng pulisya ang hinihinalang salarin sa bomb na nagdulot ng panic sa Ponciano Bernardo High School sa Quezon City noong ika- 23 ng Enero, kinikilalang salarin ay isang 22 taong gulang na estudyante mula sa Alternative Learning System.
Kampay Sa Tagumpay
Nagsagawa ng inspeksiyon sa Ponciano Bernardo High School noong ika 23 ng Marso na binubuo ng mga doktor at nars na nagmula sa Division Office parte ng polisiya ng DEPED na may titulong " Policy and Guidelines for the Comprehensive Water, Sanitation and Hygiene in Schools (WinS/ Wash in School) Program " na tumutukoy sa Kalinisan sa bibig at wastong paghuhugas ng kamay; Pagkakaloob ng ligtas at sapat na suplay ng tubig; pagkakaloob ng palikuran, paghuhugas ng kamay, at mga pasilidad ng paagusan; Kalinisan sa kapaligran (kabil ang pag-aalis ng mga lugar ng pag-aanak ng mga lamok. na nagdadala ng dengue virus) at pamamahala ng solid waste; Kalinisan ng pagkain; Pamamahala ng Kalinisan sa Panregla; Pang-deworming; at Edukasyon sa kalinisan at kalinisan sa paaralan.

Ayon kay Bb. Corine Ular ang mataas na marka na nakamit ng paaralan ay sa mga pasilidad ; sanitasyon at kalinisan na kabaliktaran ng " 1 star " na marka na nakuha sa Deworming dahil sa rason na nasa humigit sa 30 lamang ang bilang ng nag pa deworm na mag aaral dulot na ang karamihan ay nagpa-deworm na sa barangay na kinabibilangan nito at pangamba ng magulang sa mga gamot na pinamimigay sa paaralan sa kadahilanan.
“Nagresulta naman ang inspeksiyon na ito ng mataas na marka o " 3 star " rating para sa eskwelahan nang naipakita nito na ang bawat pasilidad na kinakailangan ng mag-aaral ay natugunan, napapanatiling malinis ang tubig pagpapakita ng Edukasyon sa kalinisan,” sambit ni Bb. Corine Ular.
Layunin ng programang ito ay siguraduhing tiyak ang kaligtasan ng kalusugan ng bawat mag-aaral sa paaralan gayunpaman ito ay magsisimula sa ating sarili at ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman ukol sa pangangalaga ng kalusugan.