56
Booked
Consolation Prize | Poetry
volume 10
Ang Babae sa Repleksyon ni Lixie Imee Soriano
Lahat ay nakasuot ng puti na kasing linaw ng kanilang mga ngiti. Makikita ang saya sa kanilang mga mata at kanilang mga labi na parang mapupunit na sa isang saglit. Pero bakit nakakarinig ako ng mga hikbi habang sila ay nakatingin sa babaeng kasing puti ng langit? Siya ay isang babae na may maliwanag na mga ngiti pero bakit siya ay mayroong nakatagong matinding sakit? Ang kanyang mga tawa ay bakit nasuklian ng rumaragasang mga luha? Ang kanyang kumikislap na mga mata ay bakit napalitan ng paghihirap na kanyang iniinda? Ang kanyang maitim na buhok ay bakit kasing dilim din ng nakaraan na gusto na niyang ibaon? Maraming dumalo sa kanyang okasyon. May mga nagyayakapan at para ba ang lugar ay umaapaw sa emosyon. May nakangiting bumabati, mayroon namang umiiyak. Pero bakit nakaramdam ako ng kakaibang galak? Lumapit ako para bumati sa kaniyang okasyon. Laking gulat ko ng makita ko ang aking sarili sa likod ng repleksyon. "Akala mo ba nakaligtas ka na?," sambit ng katabi ko na may tonong pagalit. Pero unti-unti akong napahakbang paatras ng makita ko siyang nakatingin sa akin habang may nakakakilabot na ngiti sa kanyang labi.