1 minute read

Doble Kara

ni Cristian Jay Plaza

Muling ilagak ang mukhang nakasanayan, sa ilalim ng mukhang pilit na ikinukubli. Biyak at hati sa dalawa, ang mukhang kailan ma'y hindi mapag-iisa.

Mundo ngayo'y humaharap sa mahirap na sitwasyon, Tanging teknolohiya lamang ang nagsisilbing koneksyon, Karang ignorante o karang mapaghiganti, Saan ka kakampi at mas kampante?

Mga balitang mapagkunwari, laging gutom sa reaksyon at papuri. Pilit rin nginunguya at itinutulak sa lalamunan ng tao nang nakadilat ang mga mata at patuloy na nalilinlang sa kasinungalingan na gawa-gawa rin ng kapwang naligaw sa katotohanan.

Alin nga ba ang mas malala? Ang galit bilang sandata ng madla? O ang magturo at manisi ng sino mang hindi nagkasala?

Totoo ba o mapagpanggap? ang inyong pagtulong sa mga nawalan at nasalanta. Iluwa ang pekeng awa at pag-aalsa kung hindi naman tunay ang iyong habag o simpatiya.

Springtime by Cristopher Villaruel

This article is from: