1 minute read

Krimen sa Umaga

Next Article
Fame and Ecstacy

Fame and Ecstacy

ni Micah Ella Ledesma Jaylo

Bawat araw ay kamatayan. Dugo ang dumadanak habang isinasaksak ang punyal sa kailaliman ng kaluluwang uhaw sa pagtanggap at pagkilala.

Advertisement

Sa tuwing bubuka ang bibig ay hudyat na kailangang kitilin ang bawat isang piraso ng pagkataong pilit itinatago sa madla hindi dahil sa hiya.

Mga ngiti'y naghihingalo sa kaloob-looban ng isipan. Binabaril ang laman upang maging mas katanggap-tanggap ang kasariang kinasusuklaman. Ngunit sa pagsapit ng gabi'y kukumpunihin ang mga butong nabali mula sa paulit-ulit na pambubugbog sa sarili katawa'y bubuhayin.

Ikukurbang muli ang linyang pinipilipit na tumuwid. Na para bang mali ang paghahangad ng pagkataong payapa't may kasiguraduhan.

Bawat araw ay kamatayan. Ngunit nabubuhay pansamantala sa kalinga ng mga tabing nitong matiwasay na dilim na hindi kailanman nanghuhusga.

This article is from: