Persona

Page 41

persona

Kaninong Anino ni Cristian Jay Plaza

Bumaling ka sa likuran. May estrangherong nakabantay at nakaabang. Hahatakin ka pabalik sa bangungot ng nakaraan. Bitbit ang mga alaalang pilit mong iniiwasan. Mahigpit ang kanyang kapit. Bihirang pumiglas sa kamay niyang malagkit. Kumawala man sa kanya'y impossible. Hayaan na lamang ika'y madakip. Dumampi ang kanyang kamay sa iyong pisngi. Napagtanto mong siya pala'y humihikbi. Ganoon pala kahigpit ang kanyang kapit sapagkat ayaw niyang mawalay sa iyong tabi. "Sino ka ba, estranghero?" tanong mo. Mata mo'y pumilandit, pilit sinusuri ang estranghero na lumapit. Masyadong madilim, malabong makita kahit mata mo'y naningkit Sinubukan mong hawakan ang braso niya ngunit hangin lamang iyong nahagip Umilaw ang paligid, mata mo'y napapikit, Muling idinilat ang matang nakasara. Ipinihit ang ulo at hinanap ang misteryosong estranghero. Subalit wala na siyang maaninag na estranghero saan mang anggulo.

41


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Persona by Tolentine Star - Issuu