Ilong at Mata ni: Mark Cavin Regorgo Debuho ni: Mico Ortega Panibagong simula sa pagdilat ng araw. Nakaw tingin sa malalim na karagatan, sa di kalayuan. umaapaw sa galak, patak sa humihikahos na unos. Hinihintay ka, ang pamumukadkad upang pagmasdan, panandalian. Mata na parang sisidlang walang nakaka alam. Ganyan ka kahiwaga, ika’y librong nakasara. Isang mailap na ulap sa matayog na alapaap, samantalang ako’y diskumpyadong ilong, sa mundong gumugulong paurong. Ako’y tuyong lupa, ang tanging nais ay ‘yong kalinga. Alitaptap sa harap---walang silbing liwanag. Sa lilim ng takipsilim sana’y ipikit ang kaliwang mata. Baka sakaling mapansin, mapatingin, kahit di nakatakdang magkita.
49