
1 minute read
Paunang Salita
from HAIN
by The Inditers
Isang pagbati mula sa aming kainan!
Iba’t ibang putahe halina’t subukan.
Advertisement
Matamis, mapait, maasim, matabang, l
ahat sa buhaynati’y iya’y matitikman
Sa pagbuklit nitong pahina ay isang paalala,
Dito sa amin ang tadhana ang tagasaing,
Kapalaran ay minsa’y mapaglaro kung maituring
Kung hiling mo’y asukal, ibibigay ay asin.
Sapagkat atin mang piliin ang nais nating ihain,
ang ibibigay ay ang nararapat para sa atin.
Ang mundo ay isang malaking hapag-kainan
At tadhana ang namamahala ng ating lalakaran.
Halu-halong karanasan, iba’t-ibang kahahantungan
Habambuhay na maghahabol at nangangarap,
habambuhay na manghuhula sa magandang hinaharap.
Para sa iyo, ano kaya ang ihahain? Sa mga pahina’y tuklasin.
Pagkai’y naka-hain na, halina’t ikaw ay kumain.