HAIN

Page 3

Paunang Salita

Isang pagbati mula sa aming kainan! Iba’t ibang putahe halina’t subukan. Matamis, mapait, maasim, matabang, lahat sa buhay nati’y iya’y matitikman Sa pagbuklit nitong pahina ay isang paalala, Dito sa amin ang tadhana ang tagasaing, Kapalaran ay minsa’y mapaglaro kung maituring Kung hiling mo’y asukal, ibibigay ay asin. Sapagkat atin mang piliin ang nais nating ihain, ang ibibigay ay ang nararapat para sa atin. Ang mundo ay isang malaking hapag-kainan At tadhana ang namamahala ng ating lalakaran. Halu-halong karanasan, iba’t-ibang kahahantungan Habambuhay na maghahabol at nangangarap, habambuhay na manghuhula sa magandang hinaharap. Para sa iyo, ano kaya ang ihahain? Sa mga pahina’y tuklasin. Pagkai’y naka-hain na, halina’t ikaw ay kumain.

3


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.