HAIN

Page 10

Tanikala ni: Christian Gerole Tabamo Debuho ni: Sheremie Borbo

Sabi nila, kahit pagbali-baliktarin mo ang mundo mananatili, at hindi pa rin magbabago ang katotohanan. Ngunit, angkop bang sabihin na saklaw nito na maging mali ang malayang pagsigaw ng sikmurang punong-puno ng kawalan, ang pagbabaga ng pusong takot na sa kabila ng panlalamig ay patuloy na naghihimok ng hinanaing, mga bibig na nanginginig sa galit kaugnay sa mga basag na tinig na pilit na idinudulot ng maling pagpapanig, at dibdib na hirap huminga dahil sa makikitid na eskenita? Kailan pa naging tama na markahan ng pa-tsambang pula ang bawat maghayag— na mistulang bagsak na grado; tatak ng hindi pumasa? Ano nga ba ang tunay? Ligtas pa ba ang gutom, ang mga musmusing bata sa lansangan na hinamon ng kaligayahan na makipaglaro sa laragan ng buhay— hinahabol ng taya, inaabot, nagtatago, upang makatakas lamang sa hagupit ng paghihinagpis, natatakot na kahit san magtago, hindi maglalaho ang banta ng pagsakop. sa pagsuko lamang ba makakamit ang kalayaan? pwede bang, taympers muna kahit sa panandaliang pahinga malayang makahinga at matikman lamang ang pakiramdam ng hindi tumatakbo sa pagkaduwag? 10


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.