
1 minute read
Ang Langit Na Lila /p
Dibuho ni
Blessilda Cyra Garcia
Advertisement
Ang Langit na Lila
John Gabriel Dela Torre
Tuwina akong dumudungaw sa bintana ng aking silid At minamasdan ang paglubog ng araw sa kanluran, Hudyat na muling kakagat ang dilim Sa pagbati ng buwan at milyong mga bituin.
At sa tuluyang pagpatak ng gabi, Isang tanong ang sumagi sa aking isipan— Totoo ba ang langit na ang kulay ay lila, O isa lamang itong pantasya? Sa mga larawan ko na lamang ba ito makikita, O sa malikot na imahinasyon ko ito ipipinta?
Hindi nagtagal ay ako rin ang nakasagot sa aking katanungan Nang mapagtanto ko na hindi ko na kailangang tumingala pa Upang masilayan ang langit na ang kulay ay lila Dahil sa aking pagyuko, Ang langit na lila ay nakaguhit na pala sa aking mga kamay Na puno ng mga sugat at sariwang latay.
Muni-Muni XVII: Mayari | 99