
1 minute read
Kulang Ang Salitang Buo... /p
Larawang Kuha ni
Dominic John Musni
Advertisement
Kulang ang Salitang Buo para Ilarawan Ka
Rhenzell Mae Valdez
Binibini, Hindi ka mas mababa sa lalaki
Hindi totoong sa tahanan lang ang iyong silbi Hindi ka nabuhay para lang magdala ng binhi
Kaya tumalon ka mula sa timbangang hindi pantay Gawin mo ang lahat kahit pa yaong mga bagay na sabi nila’y di sa’yo bagay
Dahil ang totoo’y hindi ka mahinang nilalang lang At lalong-lalong hindi kulang
Sa katunayan, gaya ka ng buwan May liwanag na hindi madaling pantayan
May kagandahang hindi mahigitan ng mga bituin Ano man ang anyo mo, ang tanglaw mo’y hindi kukulangin
At tulad ng buwan, kulang ang salitang buo para ilarawan ka Hindi ka kailanman magpapaantala dahil sapat ka kahit mag-isa
Kaya tumayo ka’t tunguin ano man ang nais marating Gaya ng buwan, patuloy kang magningning.
Illustrations by
Denesse Lynne Desamito

