1 minute read

Ako Si Mayari /p

Next Article
The En…- /p

The En…- /p

Ako si Mayari

Shanell Kris Manabat

Advertisement

Sa bawat pagkagat ng kadiliman, ako sa inyo’y lagi-lagi nang sumisilay. Naguguluhan sa kung ano ba talaga ang nararapat na anyo ko ang inyong masilayan. Sapagkat sa harap ng mundo, ako’y sinliwanag ng mga talang nagniningning sa kalangitan, ngunit sa tapat ni Haring Araw, kulay ko’y ano’t sumusunod lamang sa larawan ng kalawakan. Napakaraming kulay na rin ang aking naisalarawan—minsa’y asul, minsa’y dilaw, kahel, o kaya nama’y rosas na mistulang bulaklak sa gitna ng kadiliman, minsa’y nagagawa ring maging pula na tila nag-aalab sa kagalitan. Ngunit sa lahat ng ito ay hindi ko pa rin mawari kung anong hubog ba ang nababagay sa aking katawan, kung kaya’t madalas akong tumitig sa mga imaheng nakaguhit sa karagatan, napakaganda nila sa kahit ano mang porma o kulay. Marahil lahat kayong mga tao sa mundo ay naaaninag rin ang kagandahan na aking sinasabi, sana, sapagkat para sa akin ay ganito rin karikit ang bawat isa, ano mang kulay, ano mang porma, gaano man nagkakaiba-iba.

This article is from: