1 minute read

Sa Muling Pagkahati Ng Buwan /p

Next Article
The En…- /p

The En…- /p

Sa Muling Pagkahati ng Buwan

Ashley Daryll Danan

Advertisement

Kakaiba ang kinang ng kalahating buwan Nagiging balanse ang lahat, liwanag man o kadiliman Ngunit hindi ito magtatagal, at hindi mananatiling tugma Samantala, malalim pa sa gabi ang laman ng aking isipan Pinagninilayan ko ang tunay na kagandahan Ng pantay-pantay na pagtingin sa anumang kasarian

Sa mga nakaraang araw ay naging laman ng mga balita Ang pag-usad ng isang panukalang batas Na adhikaing maalis ang diskriminasyon at pangmamata At sa ekspresyon ng damdamin ay maging malaya Ang bawat isa Tulad ng mga tala, o mga tula, o anumang likha ni Bathala

Ano man ang kahantungan Makakalaya rin ang bahaghari sa tanikala ng karimlan Kung hindi man ngayon, Baka sa muling pagkahati ng buwan.

This article is from: