
1 minute read
Misteryo Sa Aparador Ni Elijah /p
Misteryo sa Aparador ni Elijah
Anton Miranda
Advertisement
Araw-araw naririnig ni Elijah ang isang tinig mula sa kanyang aparador, nakakapangilabot na mga mumunting hagulgol ang kanyang naririnig mula rito at sa gabi naman ay isang mumunting hagikgik ang sakanya’y sumasatainga. Ngunit binabalewala niya lamang ito sapagkat baka gawa lang daw ng kanyang imahinasyon. Isang araw, dahil sa paulit-ulit na naririnig ni Elijah ang mga nakakapanghilakbot na tunog ay napagdesisyunan niyang buksan ang aparador para mapatunayan niya sa sarili niyang hindi ito gawa ng kanyang imahinasyon. Nanginginig na pinipihit ang saradula ng pinto ng aparador, halos palakas ng palakas ang tunog habang pinipihit nito. Biglang tumulo ang kanyang mga luha ng makita ang batang babae sa kanyang aparador. Tama na po, nasasaktan na po ako. Tulong! yaong daing ng isang bata ngunit patuloy pa rin sa paghampas ng isang makapal na kawayan ang isang binatilyo rito. Wala ka talagang kwentang bata ka, dapat sayo mamatay, pinikit ng bata ang kanyang mata kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha, ito na ang pinakahihintay niyang sandali upang matapos na ang kanyang paghihirap ngunit isang malaking bagay ang bumagsak sa kanyang tagiliran. Elijah, ayos ka lang? Dakpin niyo ‘yang lalaking iyan, mabulok ka sa kulungan! nanggagalaiting saad ng kanyang Tiya Luna, sabay karga sa bata na agad ipinikit ang mga mata upang makatulog dala ng pagod. **** Sariwa pa rin ang mga alaala ng mapanakit niyang ama, ngunit sa patuloy na pag-thetherapy ni Elijah ay mabilisang naghilom ang mapait na ala-alang kanyang sinapit. Dumungaw sa bintana si Elijah upang damhin ang malamig na simoy ng hangin at pinakatitigan ang maliwanag at hugis hawakan ng tasang buwan. Naniniwala siyang maghahatid ito ng bagong pag-asa gaya ng sabi ng kanyang Tiya Luna.