1 minute read

Penumbra /p

Next Article
The En…- /p

The En…- /p

Takip mata, sa bibig ‘di ko madikta Sa anino ng buwan doon ko na lamang ibinuga, Pantay-pantay na pagtingin sana ngunit ‘di ko maideklara Sapagkat natakpan na ng nangangalansing na kuwarta

Saksi ang buwan sa bawat galaw ng hukuman May karampatang gawad ngunit ito ba’y makatarungan? Bako-bako, sa ilalim ng batas wala kang ligtas Humiling ka sa bulalakaw ‘wag nang magpumiglas

Advertisement

Iba-iba man, parehas namang nasisilayan ang buwan Walang higit, walang mababa, lahat may karapatan Kaibigan, huwag manatili sa anino ng buwan Kapitbisig tayong lalaban, isisigaw katarungan!

Sintatag ng buwan, ‘wag itigil alang-alang sa katuwiran Sapagkat mundo man ay mabalot na’t lahat ng kadiliman, Magniningning rin ang ating kahilingan sa buwan, Ang siyang may alam ng pawang katotohanan.

Penumbra

Arvin Carry Agorto

Larawang Kuha ni Alvin Cantero

Dibuho ni

Angel Jhos Supan

This article is from: