Abril-Marso 2023

Page 1

OPISYAL NA PAHAYAGAN SA WIKANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL NG MATAAS NA PAARALANG JUNIOR NG PAMANTASAN NG ATENEO DE ZAMBOANGA

Mga Nilalaman

BALITA

Ang Pagbunga: JHS Award Ang Pagbunga: JHS Award

Ceremony Ceremony

AngPagbunga:JHSAward

Ceremony Pahina 2

LATHALAIN

The Eras Tour: Pagtatanda ng Labimpitong..... Pahina 8

EDITORYAL

Pag-asa ng bayan, tulungan.....

Pahina 4

Ni: Raheem Nones

along umiinit ang alitan sa pagitan ng mga kinauukulan ng bansang Pilipinas at Tsina matapos muntik nang magkabanggaan ang kanilang mga barko sa Ayungin Shoal ng Spratly Islands nitong, ika-28 ng Abril, 2023

Nitong nakalipas, na linggo, nagbalita, ang Philippine Coast Guard (PCG) ng agresibo na pagmamaniobra ng mga barko ng Chinese Coast Guard (CCG) Ito ay matapos harangin ng dalawang barko ng CCG ang mga barkong pampatrol ng PCG, na nagdulot nang muntikang pagkabanggaan ng mga barko

Ipagpatuloy sa p. 2

Leadership-Seminar Workshop, Dinaluhan ng mga M

Ni: Phajad S Hadjirul

Pag-unlad ng

Transportasyon Pahina 10

ISPORTS

Davis, pinatob si Garcia

Pahina 13

ng “leadership-seminar workshop” ay pinamunuan ni Athea Isnani, isang ika-12 baitang na mag-aaral sa Mataas na Paaralang Senior ng pamantasang Ateneo de Zamboanga Noong ika-27 ng Abril, 2023 sa FWS Multi-Purpose Hall (MPH) Ang pagtitipon ng iba’t ibang mag-aaral na nagmula sa iba’t ibang institusyon na may edad mula 15-24 ay may layuning matutuhan ang prinsipyo ng pagiging isang pinunong may kabuluhan at walang tinatapakang tao Nakilahok ang magaaral mula sa iba't ibang paaralan tulad na lamang ng Mataas na Paaralang Junior at Senior ng pamantasang Ateneo de

Zamboanga, Ayala National High School, at marami pang

iba Kaagapay ng ilang

organisasyon ng Mataas na

Paaaralang Senior ng pamantasang Ateneo de Zamboanga sa pagsasakatuparan ng

Workshop na ito ay ang Ateneo Student Executive Council (ASEC), Hiraya, at Vista de Aguila (VDA)

sa p 3
Ipagpatuloy
a pagtatapos ng isang matinding akademikong taon ay isinagawa na ang JHS Club Awards Ceremonies para sa taong 2023 Ito ay ginanap noong ika-20 ng Abril, alas ocho ng umaga sa Ateneo de Zamboanga University Junior High Lobby, Fr William H Kreutz, SJ Campus
Tomo XIII Blg 2 Marso-Abril 2023
S
L
Ni: Denise Maricar S Dela Rosa
A
AGHAM AT TEKNOLOHIYA Photo Credit: nakamtan sa Oculus page LIDER, nag pulong para sa mas mabuting serbisyo Photo Credit: nakamtan sa Google, http://www radyoagila com/barkong-pilipinas-at-china-muntik-nang-magsalpukan-sa-west-phl-sea/ SIGALOT, Pilipinas at Tsina, nagkaharapan sa dagat

BALITA

2

Ang Pagbunga: JHS Awards Ceremony

Ang seremonyang ito ay ipinatupad ng Ateneo Junior High School (JHS) upang kilalanin ang kasipagan at dedikasyon ng mga mag-aaral sa kanilang iba’t ibang organisasyon at clubs

Pinangunahan ang seremonya ng mga guro ng palatuntunan na sina Mr Lloyd Angelo Santos at Ms Marvin Joyce Eijansantos

Bago simulan ang pagkilala sa mga awardees ay binigyan ng oras ang lahat upang manalangin Ito ay pinanguna ni Ray Bernard Alea ng

Abot Kamay para sa dasal pang

Katoliko at ni Nahyan Moh’d Raffy Que ng Young Atenean’s Society of Environmentalist (YASEN) para sa dasal pang Muslim Sinundan naman ito ng pag-awit ng Compania Musica de Agilas sa Pambansang Awit at Zamboanga Hermosa

Ang pagbubukas ng programa at ang pagsalubong sa mga magaaral, mga guro, at mga magulang ay pinangunahan naman ni Ginoong Carlito Robin, Assistant Principal para sa Formation at Community Extensions Pagkatapos ng kaniyang pagbati sa madla ay inumpisahan na ang pagkilala sa mga mag-aaral upang tanggapin ang kanilang mga sertipiko at medalya

Nagpakitang talento naman sina Christina Rae Brillantes at Matt Adriane Angeles ng Danzar Atenista Sinundan ito ng pagkilala sa mga mag-aaral na nagkaroon ng kahusayan sa sports tulad ng Arnis, Badminton, Basketball, Chess, Football, Futsal, Swimming, Table Tennis, Taekwondo, at Volleyball Kinilala rin ang mga mag-aaral na ipinagmalaki ang pangalan ng Mataas na Paaralanag Junior ng

Ateneo de Zamboanga sa iba’t ibang kompetisyon ng Gold Medal at ng sertipiko Pinarangalan din ng Gold Medal at sertipiko ang mga mag-aaral ng baitang sampu na nakamit ng Best Research Paper at Best Research Presentation

Hindi lamang sa akademiks nakabase ang pag-aaral ng mga magaaral Kailangan din bigyang pansin ang kanilang mga clubs at sports upang mas matuto sila sa maraming aspeto ng buhay

Panghuli ay binigyan gantimpala ang mga mag-aar Council of Leaders para sa kan katapatan upang paglingkuran kanilang kapwa mag-aaral matanggap na ng lahat ng karapat-dapat na mag-aara nagbigay ng mensahe si Fr Ar

Ong, SJ, JHS Principal upang ang lahat ng mga mag-aara pagtatapos ay inawit nama lahat ang kantang “Animo Ateneo” na pinangunahan ni Mr Santiago

Araneta

Ipinakita n'yo kung paano dapat ang isang Atenista, ang mamuhay na may Magis at Cura Personalis

Sa inyong paghihirap at dedikasyon upang magkaroon ng mga matagumpay na ganap para sa paaralan at sa kapwa niyong magaaral talagang karapat-dapat na kayo ay bigyang gantimpala at kilalanin

Bumunga na ang lahat ng sakripisyo, isang pagbati mga Atenista!

Barko ng Pilipinas, Tsina

Halos Magkabangaan

Ayon sa ulat ng PCG, bumuntot nang malapit ang mga barko ng CCG sa kanila habang patuloy na nagpapanatili ng 50 yardang distansya lamang sa pagitan ng kanilang mga barko Matapos ihinto ng mga marino ng PCG ang makina ng mga barko at umurong pabalik, upang umiwas sa disgrasya, sinundan sila ng mga barko ng CCG Sa kabila ng paulitulit na babala mula sa PCG, ibinalita ng ahensiya na nakasalubong at natanaw nila ang humigit-kumulang sa 100 na 'di umanong mga barko mula sa Tsina,

habang buong linggong nagpapatrol sa mga isla at bakuran ng West Philippine Sea Nang dahil sa mga kasalukuyang ligalig na nagaganap sa West Philippine Sea, panawagan ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na itigil na ang "Philippines-China direct Communication line " Sa simula ng kasalukuyang taon, tinalakay at iginiit nina Pangulong Marcos at Pangulong Xi Jinping ang pagtayo ng isang "direct communication mechanism" upang mas mapainam ang pagtugon sa mga maaaring suliranin sa pagitan ng dalawang bansa Subalit patuloy pa rin ang mabagsik na taktika ng mga barko sa Tsina

Ni: Raheem Nones Photo Credit: nakamtan sa LLA documentation team KARANGALAN, magulang inaabot ang medalya sa kanyang anak
Tomo XIII Blg 2 Marso-Abril 2023
Photo Credit: nakamtan sa Google, http://www radyoagila com/barko-ngpilipinas-at-china-muntik-nang-magsalpukansa-west-phl-sea/ SIGALOT, Pilipinas at Tsina nagkaharapan sa dagat

Leadership-Seminar Workshop, Dinaluhan ng Mag-aaral

Pinagtuonan ng “leadershipseminar workshop” ang paggawa ng isang “community initiative planning” na makatutulong sa pagyabong ng kakayahan ng mga

komuniudad Kaugnay nito, ang pangunahing tagapagsalita ng

pagpupulong na ito ay si Ginoong

Honey Rod Alfaro, na nagbigay ng isang ginintuang-aral at paalala sa

mga mag-aaral Sa kabuoan, inaasahang

magkakaroon ng malaking

pagbabago sa kalidad ng pagpili ng

pinuno at sa kung paano dapat

mamahala ang isang magandang

halimbawa ng pagiging pinuno

LAKBAY Atenista DSPC

agsisimula na ang pagsasanay ng mga miyembro ng mga organisasyon ng La Liga

Atenista at Blue Eagle Publication katuwang

ang Vista de Aguila sa Mayo 3, 2023

hanggang Mayo 5, 2023 sa Mataas na

Paaralang Senior ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga, La Purisima Campus Sa

paparating na Division School Press

Conference o DSPC na gaganapin ngayong

Mayo 12 hanggang 13, 2023

Ang pagsasanay ay magsisilbing paghahanda ng mga lalahok sa paparating na kompetisyon, sa iba’t ibang kategorya na sasalihan ng mga iba’t ibang paaralan sa buong lungsod ng Zamboanga Kabilang sa mga kategorya ay ang TV at Radio Broadcasting para sa group category Photojournalism, Sports Writing, News Writing ay mga iilan lamang na kabilang sa indibidwal na kategorya

Hindi mapalagay ang mga kalahok para sa paparating na DSPC dahil ito ang kauna-unahang DSPC na magaganap face-to-face mula nung nagkaroon ng pandemya Iba-iba ang nararamdaman ng mga bawat manlalahok, may kaba, pananabik na sana ay manalo at takot dahil sa unang sabak sa pagbabalik ng inaabangang kompetisyon ng mga student journalist

3
BALITA 3
Ni: Ezra Buen
M
Photo Credit: nakamtan sa documation team ng LLA KOOPERASYON, ng mga mamamahayag sa kanilang training Photo Credit: nakamtan sa documation team ng LLA DETERMINASYON Buong tapang at loob ang ibinigay ng mga mamamahayag
Tomo XIII Blg 2 Marso-Abril 2023
Photo Credit: nakamtan kay Fatima Halud, COL PRO ARAL, mga batang lider, sama-samang nakinig sa guro.

Pag-asa ng bayan, tulungan!

Iligtas

ang mga mag-aaral sa mga nagliliyab na silid-aralan

Tila'y kasing init ng panahon ang mga usapan ngayon sa ating bansa dahil sa kasabay ng El Niño'y may klase pa rin ang mga mag-aaral Dahil sa pandemya, nagkaroon ng malaking pagbabago sa simula ng klase lalo na sa mga pampublikong paaralan kung saan ay matatapos sila sa ika-4 ng Hulyo pa. Dahil sa sunod-sunod na balita ukol sa paghimatay ng mga estudyante, umusbong ang panawagan na muling ibalik ang nakasanayan nating bakasyon na nangyayari tuwing buwan ng Abril at Mayo Talaga namang isang malaking pasakit ito sa mga estudyante, guro at magulang dahil sa tindi ng init na dala ng El Niño at ng pabago ng klima Nawawala sa atensyon ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral dahil sa halos walang tigil na pag paypay sa sarili at pag-inom ng tubig May ginawang pagsisiyasat noong Marso 24 hangang 27 na ginawa ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na sa 87 bahagdang mag-aaral ang hindi nakatutok sa kanilang aralin dahil sa tindi ng init sa kanilang silid-aralan Noong buwan lamang ng Abril ay mahigit limang daang estudyante na ang isinugod sa clinika ng Kalayaan National High School sa lungsod ng Pasay Dahil sa hilo, nose bleed, pag taas ng presyon at sakit ng ulo na sanhi ng tindi init ng panahon kaya nag tupad na ang paaralan ng dalawang araw na face to face classes, dalawang araw na online classes at isang araw na face to face classes sa umaga na lamang bawat linggo simula sa ika-2 ng Mayo Hindi lang hirap sa pag-aaral ang dala ng tindi ng panahon Dagdag kalbaryo na rin ito sa mga kalusugan ng mga mag-aaral. Imbes na aral ang nauwi ng mga mag-aaral, sakit ang nadala nila sa kanilang pag-uwi Marami na ngang problema ang tinitiis ng mga mag-aaral ay mag lalo pa itong nadagdagan

Sa mga pinakabagong kaganapan sa ating bansa, mas mainam nang ilipat muli ang bakasyon sa Abril at Mayo tiyak ay makakatulong ito sa mga estudyante at guro upang hindi na sila liliyab sa init sa kanilang silid-aralan Mismong si pangulong Ferdinand 'Bong-Bong' Marcos ang nag hayag na inaaral na ng pamahalaan ang muling pagbabalik ng bakasyon sa dating gawi Maganda ang plano ngunit kailan ito gagawin? Kailangan na ng mga mag-aaral umalis sa mga nagliliyab na silid-aralan sa lalong madaling panahon Hindi biro ang magkaroon ng sakit sa panahon na ito lalo na’t nasa pandemya pa tayo kaya dapat maging mabilis at epektibo ang ating mga plano Ngunit ang kasalukuyang summer break sa Pilipinas ay nakakatulong din upang maiwasan ang mga mabibigat na ulan pag sapit sa mga buwan ng Hunyo at Hulyo Maiiwasan din ang mga hindi inaasahang mga pag-suspinde ng klase na hindi nararanasan sa mga buwan ng Abril at Mayo

Ayon kay Rita Riddle, isang Schools Division Superintendent sa Makati city na mas mainam na ang ganitong set-up dahil mas maraming panahon ang hindi nasasayang dahil tuloy-tuloy lamang ang sikat ng araw at walang mga ulan na maka-abala sa mga estudyante Kung babalikan ay naging mainit din ang mga balita sa kabila ng malamig na panahon noong Hulyo, taong 2019 tungkol sa mga pag suspinde ng klase dahil da masamang panahon Sa kabilang dako, Kahit naman sa kasalukuyan ay nagkakaron pa rin ng mga pag suspende ng klase kagaya na lang sa Kalayaan National High School sa lungsod ng Pasay Kung saan ay magkakaroon na lamang sila ng dalawang buong araw na face to face classes linggo-linggo dahil sa init ng panahon Mas mainam pa rin na sa buwan ng Abril at Mayo pa rin ang bakasyon dahil maiiwasan ang mga kahirapan sa pag-aaral at magkakaroon din ng bakasyon kesa naman kapag na sa buwan ng Hunyo at Hulyo sila

magkaroon ng bakasyon ay sigurong magkakaroon ng mga abala dahil sa mga bagyo at sama ng panahon Dagdag pa dito kapag ibinalik sa dati ang pagbubukas ng klase tiyak ay maiiwasan maging mala-impiyerno na karanasan sa mga silid-aralan dahil kalimitan sa mga silid-aralan ay konti lamang ang mga electricfan at walang mga aircon Ang mga ibang bansa nga katulad ng Amerika ay sa pagsapit ng tag-init ay dito natatapos ang mga klase ng mga estudyante upang maiwasan ang epekto ng matinding init na panahon Ang solusyon ay dapat tulong na hindi makakaabala sa paglaki at pagkatuto ng mga mag-aaral sa paaralan Dapat lamang ibalik sa dati ang bakasyon ng mga magaaral upang maiwasan ang mga karamdaman na dapat hindi maramdaman ng mga mag-aaral at upang maiwasan ang pag gastos ng bilyong-bilyong halaga para sa mga paaralan na pinili mag distance learning na lamang dahil sa init ng panahon

4
EDITORIAL
Guhit ni: Christzha Marie Siasico
Tomo XIII Blg 2 Marso-Abril 2023
Ni: Jarell Jay A Alfaro at Amina J Mundoc

Tomo XIII Blg 2

Marso-Abril 2023

Makeup o Walang Makeup?

Isda ng Pilipinas , Para sa Pilipinas!

I

" sda para sa Pilipinas, para sa Pilipinas!” ito ang sigaw ng mga mangingisdang Pilipino sa Maynila noong ika-24 ng Nobyembre, 2022 Ang mga mangingisdang ito ay nakararanas ng panliligalig mula sa mga Tsinong mangingisdang humahadlang sa kanilang pangingisda sa Scarborough Shoal na siyang sanhi ng alitan sa pagitan ng mga bansang Pilipinas at Tsina

A I

ng paggamit ng makeup ay ipinagbabawal sa paaralan

Gayumpaman ang mga magaaral ay inaasahang ipakita ang kanilang sarili nang maayos sa paaralan Kaya naman hindi nagkakatugma ang dalawang tuntunin sa isa't isa

Ang mga estudyante ay nagsusuot ng makeup dahil nais nilang ipakita ang kanilang sarili nang maayos gaya ng inaasahan sa kanila

Ang paggamit ng makeup ay isang paraan kung paano ipahayag ng mga tao ang kanilang sarili Isa rin itong paraan ng pagpapakita ng pagkamalikhain ng isang tao

Wala namang masasaktan pag magsusuot ng makeup ang estudyante

La Liga Atenista

lan sa mga alituntunin ng paaralan ay ang pag-ayos sa sarili o "grooming" ng mga babae at lalaking mag-aaral Kinakailangan

na mukhang disente o maayos ang bawat mag-aaral Gayunpaman, ang paggamit ng "makeup" ay mahigpit na ipinagbabawal ayon sa ating "student handbook" Kahit na bawal ito, hindi pa rin matiis ng mga kababaihang tulad ko, ang hindi paggamit ng "makeup" sa paaralan Ang "makeup" ay nakatutulong sa ating pagpapahalaga sa ating sarili, at maaari din itong mapaunlad ang ating pagiging pagkamalikhain Ngunit dapat mayroong limitasyon sa paggamit nito, lalo na sa paaralan Kaunting makeup subalit ipinagbabawalan ang labis Gayunpaman, tandaan na ang paggamit ng "makeup" ay marapat lamang na pandagdag sa iyong natural na kagandahan, at hindi bilang isang paraan upang itago o takpan kung sino ka

OPISYALNAPAHAYAGANSAWIKANGFILIPINONG MGAMAG-AARALNGMATAASNAPAARALANG JUNIORNGPAMANTASANNGATENEODE ZAMBOANGA

Pumunuang Patnugutan 2022-2023

Punong Patnugot : Shaha Al-Mesfer

Katuwang na Patnugot : Maricar Dela Rosa

Patnugot sa Komunikasyon: Allyza Dane Formato

Tagapamahala ng CDT : Daphne Pollisco

Patnugot sa Kalatas-balita :Lianiel Ramiterre

Tagapangasiwa ng Larawang-guhit: Hachi Uno Matsuzawa

Tagapangasiwa ng Potograpo: Ellise France Estrada

Patnugot ng Folio : Nashmin Hasid

Patnugot ng Lathalain: Aziz Usman

Modereytor:

Bb Leah Angelic C Bilbar

Noong ika-3 hanggang ika-5 ng Enero, taong 2023, bumiyahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Beijing, China Ayon sa kanya, katuwaang ang pangulo ng Tsina na si Pangulong Xi Jinping ay maghahanap sila ng kompromiso at solusyon upang payagan ang mga mangingisdang Pilipino na mangisda sa nasabing lugar. Ngunit ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakbay ng Pilipinas o (PAMALAKAYA) hindi mababawasan ng kompromiso ang mga paghihirap na kanilang dinadanas sa kamay ng mga Tsinong mangingisda na hinahadlang ang kanilang pangkabuhayan Dagdag pa nila, sa halip na maghanap ng kompromiso, kinakailangang kilalanin ng Tsina ang Landmark Arbitration Ruling noong 2016 na nagpapawalang-bisa sa pag-angkin ng Beijing sa malaking bahagi ng South China Sea, kung saan sinasama ang mga teritoryo ng pangingisda ng Pilipinas

“Hindi natin kailangan si Xi Jinping na magkaroon ng kompromiso para tugunan ang kalagayan ng mga mangingisdang Pilipino dahil sa mayroon tayong legal at political pag-angkin sa ating teritoryo”, ani ni Fernando Hicap, pambansang tagapangulo ng PAMALAKAYA Dagdag pa niya, kailangang umalis na ang mga Tsino sa mga teritoryo ng pangingisdaan na pamamay-ari ng Pilipinas

Ayon sa PAMALAKAYA, ang mga agresibong aksiyon ng bansang Tsina sa mga teritoryo pangisdaan ng Pilipinas ay nagreresulta sa pagkasira ng dagat at pagkaubos ng mga isda Iginiit naman ni Pangulong Marcos na hindi niya hahayaang tapakan ng Tsina ang Karapatan ng Pilipinas at ng mga mangingisdang Pilipino

Ano ang maaari gawin? Paano ako makatutulong na solusyonan ito? Ang isyung ikinakaharap ng Pilipinas ay malaki at masyadong magulo upang masolusyunan ng karaniwang mamamayang Pilipino, lalo na ng simpleng mag-aaral Bilang mag-aaral na pag-asa ng bayan, mahalagang makialam sa mga isyung ikinakaharap ng bansa Ang pangingisda ay isa sa mga pinkamahalagang pangkabuhayan sa Pilipinas, kung kaya ay ang laban ng mga mangingisdang Pilipino ay laban ng buong Pilipinas Hayaan niyong maging halimbawa at inspirasyon sa inyong buhay ang katatagan at dedikasyon ng mga mangingisdang Pilipino na taas-pusong ipinaglalaban ang kanilang Karapatan at kabuhayan

Mga Kasaping Mamamahayag

Jarell Alfaro (Manunulat at Layout JHS)

Karl Ariane Demco (Layout JHS)

Angel Bautista (Layout JHS)

Amina Mundoc (Manunulat JHS)

Kevyn Margareth Reyes (Manunulat, JHS)

Willeina Gonzalez (Manunulat, JHS)

Jameshane Nones (Manunulat, JHS)

John Lorenzo Fernandez (Manunulat, JHS)

Ezra Buen (Manunulat JHS)

Christzha Marie Siasico (Kartunist, JHS)

Kontribyutor (Mula sa Senior High School)

Raheem Nones (Manunulat, SHS)

Phajad Hadjirul (Manunulat, SHS)

Thamara Raine Arrieta (Manunulat, SHS)

Christine Piñera (Manunulat, SHS)

Nhaire Kyla Lajid (Manunulat, SHS)

Khayr Masire (Manunulat, SHS)

Zia Carreon (Manunulat, SHS)

Vista de Aguila Modereytor:

Bb Marian Gay Fernandez

at Bb Emma Langki

5 OPINYON
Ni: Kevyn Margareth F Reyes Ni: Willeina Anne F Gonzales Ni: Thamara Raine Arieta

Pagdiriwang ng Month sa AdZU

Women’s

Bilang pakikibahagi sa pagdiriwang ng buwan ng

kababaihan, noong Marso 08, 2023 ay hinikayat ng ASEC ang buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na magsuot ng kulay rosas o

kulay lila na mga kagamitan

Hinikayat din nila ang lahat ng mag-aaral na lumahok sa

#HerStory: Freedom Wall

bilang parangal sa lahat ng

kababaihan, kasama ang AdZU

SHS Lifeline Ang sinuman ay

maaaring gumamit ng

ibinigay na mga sticky notes upang ipahayag ang kanilang mga saloobin sa freedom wall, na matatagpuan sa

pasukan ng FWS Building

Maaari din kumuha ang lahat ng

button pin mula sa garapon at isuot ito upang ipakita ang

kanilang suporta para sa

pagdiriwang ng buwan ng

kababaihan

Sa kabilang dako, sa

pamamagitan ng “Abante Mujer

Podcast” ay itinampok ng

Vista de Aguila ang ilan sa mga

natatanging kababaihan sa

AdZU Senior High School

May tatlong bahagi ang podcast na ito Sa unang bahagi ay

itinampok si Keisha Maria, Karie C Ledesma at ang

kuwento niya bilang isang

babaeng lider na naglilingkod sa

kaniyang kapwa mag-aaral

Ayon sa kaniya, may iba’t ibang paraan ang mga

kababaihan sa pagbibigay ng kontribusyon sa ating lipunan

Naniniwala rin siya na “ang mga kababaihan ay hindi babae lamang, ngunit babae sila” Sa pangalawang bahagi naman ay itinampok si Bb Camille Camins at ang kuwento niya bilang isang kahangahangang guro sa Mataas na Paaralang Senior sa Pamantasang Ateneo de Zamboanga Ayon kay binibini, upang maisulong ang pagkakapantay-pantay ng kasarian, dapat alamin ng isang tao ang kaniyang mga kakayahan “Go for it!” isang payong handog ni Bb Camins sa mga kababaihan na nais tahakin ang larangan ng pagiging guro At sa panghuling bahagi, ipinamalas naman ni Bb.

Hannah Grace

Macalintal ang kanyang kuwento, hindi lamang bilang isang guro ngunit isa ring

nagtuturo sa kaniyang

komunidad Ayon sa kaniya, maipapakita niya ang women

empowerment sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kaniyang sarili, sa mga taong

nakapaligid sa kaniya, at paggawa ng makakaya niya araw-araw

Narito ang munting mensaheng handog ni Bb Macalintal sa mga kapuwa niyang babae, “Ikaw ay isang inspirasyon, salamat sa patuloy na pagbibigay liwanag sa buhay ng mga tao sa paligid mo ” Tunay ngang kahangahanga at natatangi ang kababaihan Hindi na limitado ang papel ng kababaihan sa lipunan, sapagkat sila ay naging malakas na at nagkaroon ng mga posisyon sa larangan ng pagiging isang lider, guro sa paaralan at sa komunidad

Sa pagpapakilala ng tema mula sa taong ito hanggang taong 2028: “KAMI para sa pagkakapantay-pantay ng kasarian at isang inklusibong lipunan”, ang Pandaigdigang Pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ay nagpapahiwatig ng isang pagbabago sa paglago ng mga karapatan ng kababaihan Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagbibigay kapangyarihan sa mga kababaihan na ganap na magamit ang pagbabago at teknolohiya habang inaalis ang agwat ng kasarian sa ICT at koneksiyon sa isa't isa

6
LATHALAIN
Tomo XIII Blg 2 Marso-Abril 2023

ang pag-usbong ng musikang pinoy:

Ang musika ay isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng kultura at sining ng Pilipinas Ang musikang Pinoy o

Original Pilipino Music (OPM) ay naging isang matibay na representasyon ng ating bansa sa larangan ng musika sa buong mundo Mula sa mga kantang pangmatagal, pang-awit, at pangkasal, ang OPM ay nagpapakita ng damdamin at karanasan ng mga Pilipino

Mga Bagong

Mukha at Mga

Awiting

a kasalukuyang taon, patuloy na dumarami ang mga bagong tanyag na OPM artists at mga kanta na nagbibigay ng bagong kulay at tunog sa musika ng bansa

Sa mga huling taon, dumarami ang mga bagong tanyag na OPM artists at mga banda na sumisikat sa industriya ng musika Patuloy na lumalabas ang mga bagong awitin mula sa kanila na patok sa mga tagapakinig Ang pag-usbong ng mga bagong artistang ito ay patunay na buhay na buhay ang OPM scene sa Pilipinas Ilan sa mga ito ay si Adie na kilala sa kanyang nakakakilig na awiting "Paraluman", si Arthur Nery na isinulat ang kantang tagos sa puso na "Higa", si Zack Tabudlo na inilahad ang musikang "Binibini", si Zild na isang miyembro ng IV of Spades na mas ipinamalas ang kanyang ng na nagtataglay ng kanilang mga kakaibang boses at malalim na emosyon sa mga awitin

Bukod sa mga umuusbong na mga bagong mukha sa larangan ng musika, marami ring mga bagong nakakabighaning OPM songs ang lumalabas tulad ng "Umaasa" ng Calein, na naging hit sa mga tagapakinig dahil sa kung paano ito tumatagos sa puso ng bawat tagapakinig at ang pinaghuhugutan ng mensahe ng kanta. Bukod sa mga awiting patok sa masa, napansin din ng mga tagapakinig ang muling pagbabalik ng “true spirit” o ang totoong makabuluhang saysay ng mga

OPM love songs Sa paglipas ng panahon, tila nawala ang kabuluhan ng mga kanta dahil sa mga maling konsepto at ideya tungkol sa pag-ibig Ngunit sa mga

bagong tunay na “tunog in love” na mga kanta tulad ng "Uhaw" ng Dilaw, "Pasilyo" ng SunKissed Lola, "Ikaw Lang" ni Nobita, "Ang Pag Ibig" ni Rob Daniel, at "An Art Gallery Could Never Be As Unique As You" ni mrld,

naipapakita na muli ang tunay na mensahe ng pagmamahal Ang mga galing sa kanyang kantang "Kyusi", ang nagsisimulang banda ng Nobita na tanyag sa kanta nilang "Ikaw Lang", ang sumisikat na banda ng Ben&Ben sa kanta nilang "Araw-Araw" at "Pagtingin", at marami pang iba Ilan lamang sila sa mga mga musikero kantang ito ay naglalaman ng malalim na kahulugan at nagbibigay ng sariwang perspektibo sa mga tagapakinig. Ang mga ito ay naglalahad ng iba’t ibang aspeto ng pag-ibig, tulad ng pagnanais, pagasa, pagkakaligaw, paghahanap, tunay na kahulugan, pagpapahalaga, at pagmamahal na nagtatagal Ang mga bagong kanta ng OPM ay hindi lang basta musika, ito ay may malalim na kahulugan at mensahe Sa bawat kanta ay nagbibigay ito ng kahulugan at emosyon na nakakaapekto sa buhay ng mga tagapakinig Ito ang naging impluwensya ng OPM sa mga tagapakinig, hindi lang ito mga kanta, kundi ito ay mga musika na naglalaman ng kanilang mga karanasan at damdamin Ang mga bagong tanyag na OPM artists at bands at ang kanilang mga kanta naman ay nagbibigay ng bagong kulay at kahulugan sa musika at sining ng Pilipinas Ang kanilang mga obra ay nagbibigay ng mga mensahe at kwento tungkol sa pag-ibig, kabataan, pagtitiwala sa sarili, at iba pang mga aspeto ng buhay na madaling maka-relate ang mga tagapakinig. Makikita rin sa mga nabanggit na mga kanta ang pagbabalik ng tunay na espiritu ng OPM love songs, na naglalaman ng makahulugang mensahe at hindi lamang puro "hugot" at "feels" ANO ng mga ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagmamahal at pag-ibig sa sarili at sa iba, at nagbibigay ng inspirasyon at lakas ng loob sa mga nakikinig Sa kabuuan, mahalagang tangkilikin natin ang sariling atin dahil ito ay nagbibigay ng pagpapahalaga sa ating Kultur ra at sining, pati na rin sa mga nagtataguyod nito Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga lokal na talento, nagbibigay tayo ng suporta at pagkakataon sa mga artistang Pilipino na maipakita ang kanilang kakayahan at makapagbigay ng inspirasyon at kaligayahan sa ating mga kababayan Sa hull, tunay ngang ang mga bagong OPM songs at artists ay patunay na mayroong magagandang musika at talento sa ating bansa na dapat nating ipagmalaki at suportahan Ang pagtangkilik sa sariling atin ay hindi lamang pagbibigay ng suporta sa ating mga kapwa Pinoy, kung hindi pati na rin sa pagpapahalaga sa ating kultura at identidad bilang isang bansa

7 LATHALAIN
1 2 3 Nagbibigay Buhay sa Industriya ng Musika ng Pilipinas
Tomo
Blg 2 Marso-Abril
S
XIII
2023

re you ready for it?” Isang liriko mula sa kantang“Ready For It” ni Taylor Swift Ang kantang ito ay nagmulasa kaniyang album na Reputation kung saan ito rin ang kaniyang ikalimang concert tour na naganap pa noong2018 Umabot ng limang taon bago bumalik si Taylor sapagsagawa ng konsiyerto. Noong Nobyembre 2022 lamang nang ibinunyag ni Taylor ang ikaanim niyangkonsiyerto sa pangalang “Eras Tour,” kung saan ay binanggit niya na ito ay isang paglalakbay sa mga musikalna panahon ng kaniyang karera Siya ay magtatanghal ng iba’t ibang kanta mula sa pinakauna niyang album Kaya naman hindi umabot sa dalawampu’t apat na oras bago tumili ang kaniyang mga tagahanga na kinikilala bilang Swifties, mula sa iba’t ibang lupalop ng mundo, nang marinig ang pahayag na ito Kaya naman, “ are you ready for it?”

Si Taylor Alison Swift ay isang Multi-Grammy Award-Winning Pop at Country na American singer o songwriter Sinimulan niya ang kaniyang karera sa musika noong 2006 Noong siya ay nagsimula bilang isang labimpitong taong gulang, siya ay kinikilala talaga bilang isang mapagkumbaba at mabait na mang-aawit Kaya naman hindi maikakaila na siya ay itinuturing na pride ng kaniyang pamilya, mga kaibigan, at mga tagahanga dahil kung tayo ay magbaba like-tanaw mula noon, libo-libong parangal at tagumpay na ang kaniyang nakamit Tiyak na matagumpay at maunlad siya bilang mang-aawit pero mas tiyak na matagumpay siya bilang isang nangangarap Sa buong karera niya, siya ay naglabas ng sampung album at lahat ng ito ay umaabot ng billion streams at views mula sa iba’t ibang plataporma

Hindi maikakaila na siya ang superstar ng henerasyon na ito Halos sakop niya lahat ng tagumpay sa iba’t ibang plataporma, kategorya, at mga palabas na parangal Imposible na rin kung hindi pamilyar ang kaniyang pangalan sa madla kung siya rin ay itinuturing na celebrity sa nagdadamihang artista sa industriya Bilang artista, lubos din siya naapektuhan ng pandemya, ngunit iba ang iniisip ng kaniyang mga tagahanga Sa loob ng tatlong taon na pandemya, siya ay naglabas ng tatlong buong habang album na binubuo ng sampu hanggang labindalawang kanta Ika nga ng mga Swifties, sila ay busog na busog sa inilalahad ni Taylor sakabila ng hinahadlangan ng mga

hamon tulad ng pandemya Nang ibinunyag ang mga petsa at lugar ng Eras Tour, labis ang saya ng lahat ng mga Swifties dahil emosyonal din para sa kanila ang kahulugan ng konsiyerto

Sakop ng mga Swifties ang buong lugar habang sumasabay sila sa pag-awit ni Taylor Bilang isang nangangarap na nagsimula noong bata pa lang, ligtas na sabihin na ito ang kaniyang ipinagmamalaki na sandali ngayon

Sa buong karera ni Taylor, halos lahat ng eras o kapanahunan ay nagkaroon ng sariling spotlight o peak Ang bawat album ay nagambag sa kaniyang lumalagongtagumpay at impluwensiya bilang artista, at lahat ng iyonay dahil sa kaniyang out-of-this-world na talento sa pagsulat ng kanta at pag-awit Sa buong konsiyerto, siya ay nagtanghal ng kalahati ng mga kanta sa bawat album at ang bawat pagtanghal ay may twist Kaya naman, sulitang gabi para sa mga Swifties dahil kilalang-kilala si Taylor sa pagbibigay ng lahat sa tuwing siya ay nagtatanghal Sa tuwing siya ay nagtatanghal, parang isang iglap na lamang kung makita mo ang kaniyang pangalan sa trending list sa iba’t ibang plataporma Nakakukuha siya ng milyon-milyong views at streams araw-araw, para bang bahagi na ng kaniyang personalidad ang pagiging iconic

Mula sa pinakaunang album

hanggang sa pinakabago, masasaksihan muli ng kaniyang mga tagahanga ang kaniyang galing sa pagtanghal ng mga kantang ito

Nagsimula ang unang palabas ng Eras Tour sa State Farm Stadium, Glendale, Arizona Unang palabas pa lang ay humakot na ng 69,213 na mga dadalo ang konsiyerto Siya ay nagtanghal ng tatlong oras at hanggang ngayon ay manghangmangha pa rin ang lahat sa dedikasyon at determinasyon niya

bilang artista Sa pangkalahatan, siyaay nagtanghal ng apatnapu’t

apat (44) na kanta Sinimulan niya ang kaniyang palabas sa kantang

“Miss America & The Heartbreak

Prince” mula sa album niyang

Lover Sinundan ito ng mga

pagtatanghal ng iba’t ibang kantamula sa mga sumusunod na album: Taylor Swift (Debut), Fearless, Speak Now, Red, 1989, Reputation, Folklore, Evermore, at Midnights

Ang kaniyang HerStory ay hindi lamang nagbibigay ng inspirasyon sa mga Swifties kung ‘di ay pati sa mga kababaihan Siya ay laging nakakahanap ng paraan at pagkakataon para maiangat ang mga kababaihan sa industriya ng musika Dahil naging pakikibaka rin para sa mga kababaihan na makamit ang mga malalaking bagay at tagumpay sa industriya na kung saan ang mga lalaki ay inaasahang magkakamit ng higit pa sa kanila Nagtakda siya ng standard o pamantayan para sa lahat at laginiyang alam kung paano manindigan para sa ibang tao Hindi lamang siya isang mangaawit o manunulat ng kanta ngunit siya rin ay isang tagapagtaguyod ng kung ano man ang sa tingin niya ay tama; boses din siya ng mga walang boses Hindi maikakaila kung bakit umaabot ng milyonang kaniyang mga tagahanga sa buong mundo, dahil nasa harap na natin mismo ang sagot Hindi lang artista ang hinahangaan nila; si Taylor ay mas hinahangaan nila bilang isang mapagkumbaba, mabait, at matulungin na tao Kaya naman siya ang pride ng lahat Ika nga mga Swifties, “Taylor Swift is the standard ”

8 LATHALAIN
Pagtatandang Labimpitong Taong#HerStory
E
Ni: Nhaire Kyla J Lajid
"A
Ang larawan naitoay galingsa pinterest
XIII Blg 2
2023
Anglarawannaitoaygalingsapinterest Tomo
Marso-Abril

"Pag-ibig ko"

Ni: Jarell Jay A. Alfaro

Buhay ko'y litong-lito

Kaibigan ko o mahal ko?

Mundo ko'y umiikot sa'yo

Mundong kapiling ko.

Inspirasyon ko, Pagganyak ko

Tila'y ako'y nahulog sa balon

Na 'di na makakaahon.

Pagmamahal ko

Tila'y walang bawian, Walang katapusan

Para lamang sa'yo.

"Kisap-mata"

Ni: Fatewell C. Abdulmunap

Muling babangon, Sa malupit na himagsik

Patuloy lumalaban

Upang mapatibay ang samahan.

Sa mga panahong ako’y parang susuko na

Isip ko'y parang sandata, Ngunit sa isang kisap-mata, lahat ay nagbago na.

Sa pagdilat ng aking mga mata

Nakita ang muling pag-asa

Sa Gitna ng kahirapan, Babangon muli sa pantasyang nasilayan

9 PANLIBANGAN
Tomo XIII Blg 2 Marso-Abril 2023

Pag-unlad ng Transportasyon: Modernisasyon ng Tradisyonal na Dyip

Patuloy ang Department of Transportation (DOTr) sa paghahanap ng iba't ibang paraan na magsisilbing tugon sa lumalalang problema ng Pilipinas--- partikular na sa transportasyon ng bansa--- at ng lumolobong pangangailangan ng pagsulong ng bayan pagdating sa larangan ng teknolohiya nito, sa pamamagitan ng pagpapanukala ng samot-saring proyekto, kabilang na ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP)

Taong 2017, inilunsad ng DOTr ang ang nasabing programa, na layong palitan ang mga nakasanayang dyip ng alternatibong makabago, mas ligtas, mas epektibo, at mas "ecofriendly" na transportasyon Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng engines na hindi baba sa Euro-4 at PNS- (Philippine National Standards)

compliant engines o LPGpowered, electronic at hybrid; ng pagkakabit ng global positioning system (GPS), closed-circuit television (CCTV) camera, at ng automated fare collection system, naiiba at lumalamang ang ipinatutupad na modernisadong dyip Dagdag pa rito, malawak din ang loob na bahagi ng alternatibong ito upang masiguro ang sapat ng espasyo para sa bawat pasahero. Sa tulong ng mga katangiang ito, ayon kay DOTr Kalihim Jaime Bautista, "Magiging mas malakas iyong organisasyon nila, magiging efficient iyong operations, mawawala na iyong boundary system, iyong mga drivers ay susuweldo sila nang tama, magtatrabaho sila ng

tamang oras, hindi iyong nagmamaneho ng 18 to 20 hours a day" Dagdag pa ni Bautista, kasabay ng positibong mga epektong ito ay ang pagkakaroon ng marami pang trabaho dahil sa pangangailangan ng programa ng mga mekaniko, dispatcher, administrative staffs, at iba pa Gayunpaman, kumpara sa halagang 200,000 hanggang 600,000 piso ng tradisyonal na dyip, ang modernisadong bersyon nito ay umaab

humigit-kumulang dalawa

milyong piso Sama

idineklara ng kagawara

kinakailangang sundin ng

tsuper ng mga Public U

Vehicle (PUV) ang alitunt

dala ng PUVMP bago ang

huling araw ng taong 2023 Sa kabila ng mga balakid, hindi maikakailang makabubuti para sa kalikasan at mga Pilipino ang pag-unlad ng pampasaherong transportasyon na dyip Sa katunayan, mapadadali at mapabubuti ang sitwasyon sa loob at labas nito, lalo na ang kalidad ng sistema ng pagkokomyut sa bansa na matagal nang nagpapahirap sa milyon-milyong nakikipagsapalarang pasahero

10 AGHAM AT TEKNOLOHIYA
Photo Credit: nakamtan sa google, https://newsinfo inquirer net/1724262/high-amortization-fuel-cost-pain-e-jeepney-shifters
Tomo XIII Blg 2 Marso-Abril 2023
PAGBABAGO, Hari ng kalsada may bagong mukha na.

Temperatura, isang problema

Ang temperatura sa

Pilipinas ay mistulang hango sa isang linya ng awitin na

"Spaghetti" Ito ay ang

"Spaghetti pataas nang

pataas " Ang temperatura kasi

ngayon sa Pinas ay pataas na

nang pataas Maraming

dahilan kung bakit mainit sa

ating bansa Ang Pilipinas

kasi ay malapit sa ekwador

kung saan ay may dalawang

klima lamang at isa na dito ag

tag-init o ang El Niño Ang

Pilipinas din ay napapalibutan ng mga tubig kagaya ng dagat

pasipiko Ang mga karagatan

kasi ay lumilikha ng mainit na

hangin na nakakarating sa

mga kalupaan Ngunit hindi

lang yan ang dahilan Malaki ang kontribusyon ng

polusyon at pag putol ng

puno sa init ng panahon Ang

carbon dioxide ay isa sa mga

tanyag na binubuga ng mga

saksakyan sa mga lungsod at ito ay nakakasira ng green

house gases sa ating Mundo

kaya tumitindi na ang init sa

ating bansa at sa ibang bansa

na rin Ang kawalan ng mga puno sa ating bansa ay

nagkakaroon din ng malaking kontribusyon sa tindi ng init dahil nawawalan na ng mga anino na makakatulong upang hindi gaano maramdaman ang init at ang mga puno rin ang nakakawala sa mga carbon dioxide sa paligid Marami ang magiging epekto kapag mataas ang temperatura sa bansa Bilang isang tropikal na bansa, naka-depende tayo sa agricultura at pangingisda na siyang nagbibigay ng pagkain sa atin bawat araw Kapag titindi ang init ng panahon ay patuloy na tutuyo ang mga dam sa ating bansa at mawawalan ng pagtustos ng tubig sa mga sakahan. Ang init din ay nagpapabago sa mga nakatirang hayop sa dagat, dahil kasi sa init ay nasisira ang mga corals na siyang mga tirahan ng mga isda at ibang hayop Sa pang kalusugan naman ay makakaramdam ng heat stroke, panghihilo at sakit ng ulo na kalimitan naapektuhan ang mga taong laging bilad sa ilalim ng tirik ng araw

11 AGHAM AT TEKNOLOHIYA
Tomo XIII Blg 2 Marso-Abril 2023
Photo Credit: nakamtan sa Facebook, https://www facebook com/photo/? fbid=689271509623815&set=a 466018221949146 HIRAP, magsasaka apekto sa tindi ng init ng panahon

NU, lumuhod laban sa UST matapos ang 20 sunod-sunod na panalo

Winakasan ng UST Lady

Tigresses ang 20 sunod-sunod na panalo ng NU Lady Bulldogs sa UAAP Women’s Volleyball noong ika-4 ng Marso sa Mall of Asia

Arena

"It’s a wake up call po para sa amin parang sinipa na po kami para magising ” Ani Bella Belen, ang tanyag na outside hitter ng NU Nagsimula ang laro sa pabor ng NU, ngunit hindi nagtagal ay lumipat sa kabilang court ang bola nang nakalamang ang UST, 14-11 Hindi pa rin nagpatalo ang mga naghaharing kampeon nang sila’y humabol upang maitabla ang laro, 18-18 Ngunit sa huli, UST ang nagwagi nang makuha nila ang unang set, 25-23

Naging malapit na labanan naman ang ikalawang set dahil patuloy na nagsalitan ng puntos ang dalawang koponan Walang gustong bumitaw ng bola hanggang dulo Umabot pa ng extended set ang labanan

Matapos ang tatlong set point para sa UST, tuluyan na silang nakalamang, 27-25

Matapos matalo sa unang dalawang sets, nasa dehadong lugar na ang mga kampeon na matalo sa loob ng tatlong sets. Ngunit dala ang kanilang tigas ng loob at kahinahunan, nagawang lumaban ng NU at tuluyang lumayo para makuha ang ikatlong set, 25-17, upang manatiling buhay sa labanan Nangangailangan na lamang ng isang set, lumaban ang UST upang maisara na ang laro sa loob ng apat na sets Ngunit mayroong ibang plano ang NU sapagkat nagawa nilang ipagpatuloy ang momentum na kanilang nabuo noong ikatlong set upang makuha ang ikaapat na set, 25-22 Sa kabila ng matinding presyur, nagawa nilang itulak ang laro sa isang kapana-panabik na 5setter na laro

Pagdating ng huling set, parehong lumaban hanggang dulo ang mga koponan upang mapanitiling buhay ang bola sa bawat rally Nagsimula ang ikalimang set sa pabor ng NU, 5-3 Hindi nagtagal at nagbago ang ihip ng hangin nang magawang

tumabla ng UST at tuluyang lumamang sa puntos, 12-7 Habang sinasabayan ang kanilang nabuong momentum, patuloy na lumaban ang koponan ng UST sa bawat rally hanggang sa natapos ang huli sa kanilang pabor nang na-block ni Eya Laure ang 6 footer na si Alyssa Solomon ng NU upang wakasan ang laro, 15-11

“Masaya kasi parang nakita na namin yung isa’t isa kung paano kami nag-grow in time since high school masaya kasi sila yung defending champions, syempre gusto namin na may matutuhan from them,” sagot ni Laure nang matanong kung gaano kalaki para sa kaniyang koponan ang pagkapanalo laban sa UST Pinamunuan ni Laure ang kaniyang koponan matapos magtala ng 18 puntos at 14 excellent digs Sinundan naman siya ni Jurado na nagtala rin ng 18 puntos at 11 excellent digs Tumulong din si Alessandrini ng 14 puntos at 10 excellent receptions Ang setter din

ng UST na si Carballo ay nagpakita ng galing at nagtala ng 24 excellent sets

Pinamunuan naman ni Solomon ang kaniyang koponan matapos makapagtala ng 22 puntos Sinundan naman siya ni Belen na mayroong 17 puntos at 14 excellent receptions

12 ISPORTS
Ni: Zia Carreon
Tomo XIII Blg 2 Marso-Abril 2023
Photo Credit: nakamtan sa facebook, https://www facebook com/100063689535659/posts/pfbid0C898LRpgcVwucAYNL2PAqMUo9c5ZwWxubjLv1om6RNrhWBq3cGDRCKqzB9z9f8Rwl/?mibextid=cr9u03 TAGUMPAY, pagkatapos ang hirap,

Davis, pintaob si Garcia!

Muling ipinakita ni Gervanta “Tank” Davis, na isa siya sa mga dapat bantayan ng kalaban sa loob ng Boxing

Ring dahil naipanalo niya ang

kaniyang 29 na panalo sa Premiere Boxing

Championship laban kay “King” Ryan Garcia, na may 23 na panalo at isang talo

Naglaban ang dalawang magigiting at malalakas na

Amerikanong boksingero noong ika-22 ng Abril, 2023 sa

Los Angeles T- Mobile

Araneta Sa unang bahagi, naging patas ang laban ng

dalawang propesyonal na

boksingero ngunit makalipas ang ilang round unti-unting pinataob ni Davis si Garcia. Sa round 7, higit nanaig ang tapang at lakas ni Garcia laban kay Davis

Napatumba ni Davis si Garcia at ito ang dahilan kung bakit hindi na nakatayo sa loob ng sampung segundo Nangingibabaw ang pangalan sa kasalukuyan sa larangan ng boksing ang dalawang manlalaro

Si Gervanta “Tank” Davis ay naipanalo ang World Boxing Association

Lightweight noong 2019 at ang

titulong International Boxing Federation Super

Featherweight noong 2017

Samantalang si “King”

Ryan Garcia naman ay pinarangalan ng BoxRec bilang ikasampung Best Active lightweight sa World Boxing Championship interim noong 2021

13
ISPORTS
Ni: John Lorenzo Fernandez
Tomo XIII Blg 2 Marso-Abril 2023
Photo Credit: nakamtan sa google, sa https://www espn com/boxing/story/ /id/35403800/gervonta-davis-scores-tko-hector-luis-garcia-quits-9th SAKRIPISYO, kahit pagod na, lalaban pa rin

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.