Onse

Page 1

BUKAMBIBIG

ONSE



TUNGKOL SA PABALAT Ang pabalat lang naman ay naglalarawan sa ating lahat noong quarantine — tutok na tutok sa gadyet. Inihahandog ng La Liga Atenista ang panibagong Bukambibig na magbabahagi ng iba’t ibang kuwento mula sa karanasan ng mga mag-aaral sa gitna pandemya at kung paano sila nagsimula muli.

MULA SA PATNUGOT Sa kabila ng mga hamon na hinarap ng mga mamamahayag nitong mga nakaraang buwan, buong lugod kong inihahandog ang ika-11 na Bukambibig ng La Liga Atenista — ONSE. Makikita sa pahayagang ‘to ang bagong dekada na hinaharap ng mga mag-aaral kung saan sumasang-ayon ang magasin sa tema ng social media. Ating matutunghayan sa pahayagan na ‘to ang iba’t ibang karanasan at emosyon ng atenista sa pamamagitan ng kanilang mga kuwento. Makikilala rin natin ang mas matapang na La Liga Atenista, dito natin matutuklasan ang bagong pagsisimula ng pahayagan. Nais kong ibahagi ang ONSE bilang pagpapatunay na kahit ilan pa ang mga hamon na haharapin natin, magpapatuloy pa rin ang pamamahayag at pamamayagpag.

MULA SA MODEREYTOR Onse. Eleven. Labing-isa. Bilang. Higit sa sampu. Sa matematika, ito ay simpleng numero. Sa ibang larang at paniniwala, ito ay representasyon ng isang "imperfect" na imahen. Isang masalimuot na yugto ng isang sistema. Kung iisiping mabuti, ang ilang paglalarawan sa simpleng bilang ay isang lunday ng kaganapan sa panahon ngayon. Kaguluhan. Pagkabigo. Pagbabago. Pagbitaw. Pagsuko. Pagbangon. Pagharap. Pangarap. Pamilya. Sa nagdaan na kaguluhan, lahat ay nabigla. Nanibago. Huminto ang pag-ikot. Uminog at gumuho ang ilang mundo. Maraming nagbago, pisikal at pananaw sa hinaharap. Bumitiw ang ilan. Sumuko ang iba. Subalit marami ang bumangon at hinarap ang nakaatang. Patuloy na nangarap. nangangarap at mangangarap para sa pamilya. Onse. Eleven. Labing-isa. Hindi man perpektong bilang, hindi man isang perpektong taon para sa lahat, subalit ang labing-isang kuwento, salaysayin, pananaw at ibang bagay, maliit man o malaki ang siyang bubuo sa bilang na buwag. Narito ang isang tinipong katha na magbubukas sa kulay ng isang tinipong lunggati sa panahon ng pagbabago at pagbangon!


PAUNANG SALITA

Isang maligayang pagbati sa mga mag-aaral ng Mataas na Paaralang Junior ng Pamantasang Ateneo! Hindi maikakaila na nakakapanibago ang taon na ito, kung saan nagsama-sama tayo sa virtual learning o online class. Ang mga kuwentong nakasanayan natin marinig sa personal ay nababasa na lamang sa iba’t ibang plataporma ng social media. Ngunit hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy ang pagpapalathala ng Bukambibig. Hali na’t tunghayan ang iba’t ibang kuwento ng mga atenista mula sa bagong dekada.


QUARANTINE QUARANTINE timeline timeline 2020 2020

ABRIL

ARSO

M

Q g EC a an l u g gsim - Na ic buyin abang a a n k a - P ing na gbabas a g n a at -L D OVI ews sa n ol sa C k tung

- Babad sa social media - Naadik sa online shopping

HUNY

MAYO

O

o GCQ t Q C -E aho a k trab i l a B ng mg p a n aha n - Nak banga i l g n bago

- Pa k - KP ulay buh op p o hase k

HU -O

LYO

nlin

en

eg

TO

osy o

S AGO

mul - Si s clas

e

nlin

o a ng


BRE M E ETY Us

S

ng ong ako - Am god na a - “P -aral!” a m g

OKTUBRE - Miss Unive

rse

- Halloween

NOBYE

MBRE

- 11.11 s intens ale *online s ifies* hoppi ng

RE

MB ISYE

D

sko aon - Pa ong t g - Ba

sa quarantin

e


QuArantine Babies Para sa mga bansang familyoriented, tulad ng Filipinas, ang pagsalubong sa bagong kasapi ng pamilya ay tunay na inaabangan at ipinagdiriwang. Lahat ay nasasabik tuwing darating ang balitang may manganganak. Lahat ay nag-aabang sa pagsilang ng sanggol. Lahat ay hindi makapaghintay na dalawin ang bagong silang at makita ang munting hitsura nito. Kapamilya man o hindi, nakagagalak pa ring makarinig ng mga ulat tungkol sa kapanganakan. Sa kasalukuyang panahon ng pandemya, lumitaw ang pagkabalisa at pag-aalala sa panganganak. Mas mapanganib ang nakahahawang COVID-19 virus sa mga buntis at pati na rin sa sanggol na dinadala. Magagawang sabihing peligroso ang pagdadalang tao sa panahon ng pandemya. Inaasahan ang mas kaunti o halos walang prenatal visits. Bukod dito, marami rin ang nagdadalawang isip na manganak sa ospital. Sa dami ng problemang dala ng sakit, sinisigurado naman ng mga ospital ang kanilang tulong at akay sa paglutas ng mga problema upang tiyak ang ligtas na panganganak. Ngunit, may mga hindi pa rin makampante. Naging tugon para sa kanilang pagpapanganak ay ang pagluwal sa bahay lamang upang iwasan ang pagpunta sa ospital, hangga’t maaari, ngayong mabilis na nadadagdagan ang mga nahawa ng virus. Kailangan ang dobleng ingat sa panganganak sa panahon ng pandemya. Gayunpaman, ang mga sanggol ay biyaya. Kahit gaano karaming hamon at problema ang dumating, sulit pa rin ang biyayang ito. Marahil ay isa ito sa mga rason kung bakit kinakaya ng mga ina ang pambihirang sakit ng panganganak. Ang bagong buhay ay isang bagay na nararapat na ipagdiwang. Kaya naman, narito ang ilan sa mga quarantine babies ng mga kilalang taong nagsilbing mapagkukunan ng pag-asa at kasiyahan

sa gitna ng pinagdadaanan ng mundo. Sinalubong na rin ng ilan sa ating mga kilalang sikat na artista ang kanilang mga sanggol o “quarantine babies”. Matapos magkaroon ng dalawang lalaki, ibinalita ni Iya Villania, showbiz anchor ng segment na “Chika Minute” ng 24 Oras, at ni Drew Arellano, host ng AHA! at Biyahe ni Drew, ang pagdating ng unang babae at pangatlong anak na si baby Alana. Matapos maging magkasintahan ng 10 taon, nagpakasal na sina Iya at Drew, at paglipas ng mahigit pitong taon ay kanilang sinalubong ang pangatlong anak. Nanganak si Iya kay baby Alana sa pamamagitan ng vaginal delivery sa ospital at pagkatapos ng sampung segundo nang pag-ire ay lumabas na ang sanggol. Nagpasalamat si Iya sa matagumpay na pagpapanganak sa kanyang Instagram post. Kalakip dito ay ang litrato ng artista, hawak si baby Alana, katabi ang mga doktor na tumulong sa kanyang pagpapanganak. “It’s the most uncomfortable feeling, and every time I do it, it’s like I don’t ever want to feel this again. And then, what do you know, umabot pa ng tatlo, so sana ‘yon na talaga ‘yong huli,” aniya sa kaniyang YouTube vlog na ibinahagi bilang pagdiriwang ng pagdadalawang linggo ni baby Alana.


Ipinanganak na rin ng modelong si Isabel Oli ang pangatlong anak nila ng artista at komedyanteng si John Prats na si baby Forest. Inamin ng ina ang pagaalala at takot na kanyang nadama nang maipanganak ang sanggol. “Hello my Forest. Giving birth to you during these times was really challenging. It was way different from your two older siblings.” pahayag niya sa kaniyang Instagram post. Idinagdag pa ng modelo sa kaniyang post ang pagkabalisa niya dahil, sa unang pagkakataon, ay mag-isa siya at wala ang kanyang asawa sa kaniyang tabi habang nanganganak. Ito ay batay sa mga safety protocols ng ospital. Gayunpaman, naroon parin naman ang mga doktor at nars na nagpagaan ng loob ni Isabel. Hindi pa roon nagtatapos ang hindi malilimutang karanasan ng modelo. Pagkatapos manganak ay kinailangan rin na dumaan ang ina at anak sa 14-day quarantine bago makita muli ang asawa at dalawang anak. Sa napakaraming pagbabago at balakid, naging madali ang lahat dahil kay baby Forest. Sa dulo ng post ay hinimok ni Isabel na tulad niya, ibahagi ng mga ina ang kanilang mga kuwento tungkol sa pagpapanganak ng kanilang mga quarantine babies. Ang unang anak ng modelong si Gigi Hadid at mang-aawit na dating miyembro ng grupong One Direction na si Zayn Malik, na nag-ingay sa social media. Noong 2015 pa lang ay mayroon nang bali-balita tungkol sa relasyon ng dalawa. Ngunit, noong Enero ng 2016 pa lamang nila binunyag sa buong mundo ang kanilang pag-iibigan at makalipas ang dalawang buwan, inilabas ang music video ng solo debut ni Zayn na “Pillowtalk”, kung saan makikita rin ang modelo. Gaya ng bawat relasyon, nagkaroon rin ng kasiyahan at pagkabigo ang pagmamahalan nina Gigi at Zayn, kung saan umabot pa nga ito sa punto ng hiwalayan. Subalit, nanatiling matatag ang pagmamahal nila sa isa’t isa

at pagkatapos ng ilang taon ay kanilang sinalubong ang unang anak na babae. Hindi pa natiyak ang tunay na pangalan, ngunit pansamantalang binigyan ang bagong silang ng palayaw ng mga tagahanga o stans na, “baby Zigi”. Kahit hindi pa nakikita ang mukha o nalalaman ang pangalan ng bagong silang bilang respeto sa privacy ng pamilya, tunay na nasasabik at natutuwa pa rin ang mga tagahanga sa social media. Sa dami ba naman ng mga tagasubaybay sa buhay ng magkasintahan, inaasahan na ang pag-iingay sa social media ng dahil sa kasiya-siyang balita na ito. Maliban dito ay ito ang unang karanasan ng dalawang artista bilang magulang. Kaya naman ay hinihintay ng mga tagahanga na makita sina Gigi at Zayn bilang mga magulang sa kanilang sanggol. Sa mga social media accounts ng mag-asawa, kanilang ipinamalas ang litrato na hawak ang kamay ng bagong silang. “Our baby girl is here, healthy & beautiful”, banggit ni Zayn Malik sa kaniyang Twitter post. Naging usap-usapan naman ang panganganak ng dating It’s Showtime hosts na sina Coleen Garcia at Billy Crawford sa unang anak na si baby Amari. Nang dahil sa lumalaganap na sakit, at sa mga malubhang problemang dala nito, napagpasiyahan ng magasawa ang mabatong daang isagawa ang pagpapanganak sa bahay. Pinanganak si


baby Amari sa paraan ng “water birth” at pinili din ni Coleen na hindi magpagamot o uminom ng painkillers bago manganak. Isang desisyon na pinagsisihan ng artista, ngunit sa kabila nito siya ay nasiyahan pa rin naman daw sa napili. Umabot rin ng mahigit apat na oras ang buong proseso ng panganganak kay baby Amari. Ipinahayag ni Coleen ang kaniyang kagustuhang manganak habang nasa tabi ni Billy. Marahil ay isa ito sa mga rason kung bakit nagpasiya silang manganak sa bahay. Karamihan, kung hindi lahat ng mga ospital ay ipinagbabawal na ang paglapit ng asawa sa panganganak, batay sa pag-iingat ngayong pandemya. “My main driving force for wanting to have a home birth, more than anything, is just to have the peaceful birth I’ve wanted from the start,” wika ni Coleen sa isang panayam. Kahit na delikado, maayos at masinsinan naman nilang pinaghandaan ang panganganak. Bilang resulta ay

ligtas na pinanganak ang malusog na lalaking sanggol. “I want to remember that, even in such a gloomy time, this was more than enough, and it was all we needed for us to be filled to the brim with joy and hope”, dagdag ni Coleen. Iyang-iyan! Wari’y mga sanggol ang kailangan natin ngayong madilim at mapanglaw ang mundo upang ngumiti, kahit saglit lamang. Sino ba naman ang kayang tumanggi sa mga nakatutuwang bighani ng mga sanggol? Magsilbi sana silang paalalang sa gitna ng kawalan, may buhay na dapat ipagdiwang. Kahit ano man ang pinagdadaanan natin, mayroong mga bagay na dapat ipagpasalamat. Alalahaning ang pinakamahusay na paraan para daigin ang hirap ng buhay ay ang pagbibigay pansin sa kung ano ang nagpapasaya sa atin. Huwag hayaan ang sarili sa mga malulumbay at nakalulungkot na batid. Lumingon din sa mga nakagagalak at kaaya-ayang pangyayari.

Raheem Nones


ONSE 11 paraan para makipag-bond sa pamilya pagdadasal piknik paglalaro manood ng pelikula magluto kumain nang sabay sleepover pagtatanim video call sa zoom pag-ehersisyo paggawa ng mga vlog Google Search

I’m Feeling lucky


Bayani ng Taon

Kaya mo bang ilagay sa panganib ang iyong buhay para sa iba? Siguro karamihan sa atin ang sasagot ng oo. Ngunit, kapag naharap na tayo sa ganoong sitwasyon, magkakaroon na ng takot at pagdududa. Talagang kahanga-hanga ang mga taong nakagagawa nito. Katapangan, isang katangiang bihira maangkin ng tao. Katangiang kailangan mo upang maharap ang mga pagsubok sa buhay. May mga taong isinilang na may ganitong katangian, may mga tao naman nangangailangan ng oras upang makamit ito. Sa hinaharap nating pandemya, katapangan ang mahalaga. Sa binansagan nating “new normal”, ang daming pagbabagong nangyari sa negosyo, trabaho, pag-aaral at iba pang aspekto ng ating buhay. Maraming kailangang sunding bagong protokol tulad ng paggamit ng face mask, face shield at laging paghugas ng kamay gamit ang tubig at sabon o alcohol. Hangga’t maaari, hindi tayo lumalabas upang hindi malagay sa panganib ang ating buhay. Ngunit, may mga taong hindi maaaring manatiling kumportable at ligtas sa kani-kanilang mga tahanan dahil mayroon silang mga tungkuling kailangang gampanan sa labas. Frontliners ang tawag sa kanila. Sila ang mga taong arawaraw sinasakripisyo ang kanilang kaligtasan para sa atin. Sina Lyka Zilaph A. Bajelot, Raymond

G. Cantina, at Ma. Ruth Claire Eslanan, ang mga operational manager ng Barcode Grill and Resto Bar, ay kabilang sa mga ito. Si Lyka ang Head Cashier. Siya ang namumuno sa mga kahera at kahero ng Barcode. Si Raymond naman ang Floor Manager. Siya ang nangangasiwa sa mga waiter at sa mga nagda-dine in. Si Ruth naman ay isang Customer Relation Executive. Siya ang kadalasang in-charge sa mga kustomer at ang kanang kamay ng mga mayari. Maituturing na delikado ang kanilang trabaho sa panahon ngayon dahil nakalantad sila sa ibang tao at may mas malaking posibilidad na mahawa ng virus. Lahat ay nalungkot at nagalala sa ganitong balita, nagtataka kung kailan matatapos ang pandemya, nababalisa sa tsansang mahawaan ng virus at posibilidad na maapektuhan ang kabuhayan. Isa na rito si Raymond. Noong nalagay tayo sa lockdown, inaalala niya kung paano matutustusan


ang pang-araw-araw na pagkain ng kaniyang pamilya. Pero, sabi nga ni Ruth patungkol sa new normal, kinakailangang mag-adjust sa sitwasyon, sumunod sa mga protokol upang maging ligtas at malusog upang makapagtrabaho pa rin. Ayon kay Lyka, mas naging mahirap ang kaniyang buhay sa kasalukuyan dahil “kailangan mong kumayod upang may mailapag kayong pagkain sa mesa araw araw. Lalong-lalong na thrice a week lang ang duty namin.” Tunay na nag-aalala ang lahat kung paano kumita at maibigay ng mga pang araw-araw na pangangailangan ng pamilya. Maraming inaalala at sinusunod na protokol, napapagod sa lahat ng trabaho, natatakot na mahawaan ng virus ngunit nagagawa, natatapos at nagiging

matapang pa rin para sa pamilya. Pamilya, ang inspirasyon ng mga operational managers sa pagtratrabaho. Natutuhan nilang magsakripisyo at maging matapang sa anumang sitwasyon. Kahit anong pandemya o sakuna man ang dumating, nakakayanan natin ang lahat para sa pamilya. Pamilya, ito rin ang inspirasyon ng mga frontliners upang magtrabaho, magsakripisyo, at maging matapang sa anumang sitwasyon. Ang mga frontliners, tulad ng tatlong operational managers, ay maihahalintulad sa isang puno. Ang mga ugat ay sumisimbolo bilang mga paghihirap at pagsubok na pinagdadaanan nila, dahil kadalasan, hindi ito nakikita ngunit ito ang nagiging pundasyon upang magpatuloy. Ang katawan ay representasyon ng kanilang mga pamilya, dahil sila ang pangunahing rason kung bakit sila naghihirap at nagiging matapang. Ang mga prutas naman ang siyang sumasagisag bilang ang tamis na naidulot ng kanilang pagiging matapang, ang makitang nasa maayos na lagay ng kanilang mga mahal sa buhay. walang makapipigil sa taong matapang. Haharap sa mga problema, kahit pa pandemya, para sa pamilya.

Maree Anne Tatel Maree Anne Tatel


COVID-19: Ang Epekto sa Industriya Ang taong 2020 ay sinalubong ng ‘di inaasahang pandemya. Sa isang iglap, lahat tayo’y naka-lockdown at hindi makalabas, ito ay upang manatiling ligtas. Mula Marso ng 2020 hanggang ngayon, hindi pa rin tayo bumabalik sa normal. Ngunit, kahit nasa pambihirang sitwasyon tayo, hindi tumigil ang buhay. Kailangan pa rin nating magpatuloy at gawin ang nakasanayan, tulad ng pag-aaral at pagtatrabaho. Kaya naman, nagkaroon ng mga pagbabago sa iba’t ibang industriya upang umayon sa naiibang panaahon. Sa kabila ng mga hamon ay nagpursigi tayo upang ipagpatuloy ang buhay. Heto ang ilan sa sinusunod na bagong panuntunan ng mga industriya ngayon na tinatawag nating “new normal”. Sa pangkalahatan, ipinatupad ang mga protokol ng COVID-19 sa lahat ng mga establisyamento upang masigurong ligtas ang mga tao. Ilan na sa mga ito ang pananatili ng distansiya sa isa’t isa, pagsusuot ng mask at face shield, at pagdisinfect gamit ang alcohol sa pasukan ng mga lugar. May mga negosyo namang kinailangang magsara o magbawas ng empleyado dahil sa kakapusan. Kakaunti na lang kasi ang customer dahil kakaunti na lang ang lumalabas. Labis na naapektuhan ang panustos ng bansa. Umusbong naman ang kasikatan ng mga negosyo online sa iba’t ibang plataporma ng social media o sa mga shopping apps tulad ng Shopee at Lazada. Sa paraang ito, nakapagnegosyo ang mga nawalan ng trabaho o ang mga naghahangad na magkaroon ng dagdag na kita sa panahon ng pandemya. Talagang patok naman ito sa mga mambibili dahil maituturing na mas ligtas ang pamimili online kaysa sa paglabas at pagpunta sa mga mall o tindahan. Umaapaw

naman sa dami ng pasyente ang mga ospital. Araw-araw ay nagtatrabaho ang mga medical frontliners, nilalagay ang buhay sa panganib upang masagip ang mga naapektuhan ng virus. Mas naging strikto ang mga ospital sa pagpapapasok ng mga tao upang maiwasan ang pagkalat pa ng virus dahil ito ang lugar na pinakalantad sa nakahahawang sakit. Sa loob ng ospital ay ipinagbabawal ang pagbisita at makikitang nakasuot ng PPE sa buong katawan ang mga medical frontliners. Madalas din silang nagtatrabaho overtime at hindi na nakauuwi sa kanilang mga pamilya. Lahat ng estyudante’t guro ngayon ay sinalubong ng bagong karanasan. Dahil sa pandemya ay ‘di natuloy ang face-to-face class kaya ipinatupad ang online class kung saan lahat ng mga gawain ay sa pamamagitan ng online. Mayroon ding tinatawag na “modular session” kung saan binibigyan ng mga modules ang mga magaaral na kanila namang sasagutan. A n g mga talakayan ay nagaganap sa paraan ng video chat sa Google Meet o Zoom. Ang mga guro ay kinailangang magkaroon ng malakas na internet at maghanda ng modules buwan-buwan upang makapagturo sa mga mag-aaral. Hindi ito madali, ngunit patuloy nila itong kinakaya. Ang industriya ng media at pagaanunsiyo ay tunay na dumaan sa hamon. Ang kita ng mga ito ay nagnganib at lubhang nabawasan. Kitang-kita kung paano bumaba ang interes ng mga mamamayan ngayong may kakapusan na sa stocks at pag-aanunsiyo. Ang


pagsunod sa protokol sa set ng mga pelikula, nakaambag ng sobrang laking gastos lalo na sa mga outdoor o live na set. Ang industriya naman ng entertainment ay sumusunod din sa nakasaad na protokol. Tulad na lamang ng mga nakikita nating mga palabas sa telebisyon, ang mga artista ay sumusunod sa mga ito. Inirekomenda rin ang pagpapa“swab” o “rapid” test kung may isa sa mga manggagawa ang nagpapakita ng sintomas ng virus. Iilan lang din ang mga tauhan sa set upang maiwasan maging masikip at masunod ang social distancing. Live man o pre-recorded, dapat pa ring ligtas ang mga artista at manggagawa sa virus. Kaya, kung mapapansin ay may abiso sila bago o pagkatapos ng pelikula, sinasaad na sumunod ang lahat ng nasa set sa tamang protokol ng COVID-19. Ang dating mga inaabangang concert sa online na lamang matutunghayan. Kung saan mas nagagamit ang editing at special effects. Tunay na nalungkot nga ang mga tagahanga dahil hindi nila pisikal na makikita ang kanilang mga iniidolo ngunit may mga nabuksan namang pagkakataon tulad na lang ng video call events. Ito ay kahalili sa nakasanayang fansign events. Nangyayari ito sa paraan ng pagtawag sa iniidolo at pakikipag-uasp sa limitadong oras. Hindi rin nahinto ang mga artista sa paggawa ng mga kanta o drama. Patuloy silang nagtatrabaho upang magbigay ng kasiyahan sa panahong ito. Sa paglalakbay naman ay kailangan ng swab test, medical certificate, barangay clearance, at police clearance upang maka-byahe at tumuloy sa ibang lugar. Mahigpit na ipinagbabawal ang mga bata at senior citizens. Pagkatapos ng travel ay kailangan mag-quarantine ng 14 na araw

at kung walang sintomas o kaya negative ang swab test ay maaari na silang umuwi. Ang mga tourist spots ay nagsara noong una ngunit kalaunan ay nagbukas din pagkatapos makapagayos at makapagpatupad ng bagong panuntunan tulad na lang ng Boracay o Balesin na limitado lang ang mga kostumer. Masasabi nating kahanga-hanga ang kakayahan ng mga taong bumangon muli at umangkop sa kasalukuyang sitwasyon. Hindi man inaasahan ang pandemya,untiunti naman tayong nakabawi at nakabangon upang ipagpatuloy ang buhay. Malikhain ang bagong paraan ng pamumuhay na nabuo sa tinatawag nating new normal. At, kahit bumalik na tayo sa dating normal, paniguradong may ilan sa mga ito ang madadala natin sa pag-usad sa susunod na kabanata.

Nhaire Kyla Lajid


11 maliit na negosyong dapat suportahan

@tilli

Simu la ng nahi lig n pandem a an ya ay pagg a bina alaga n karamih ay ki “pla nsagan g mga h an sa la pa a hala la sa pa ntito” o ng m alaman, man g “ p b ga it l e ant be .A ay an g mg ng kanila nta ng ib ita”. Ang o na a’ a “pe n T rson g kakaib t ibang u illies alize ang r i ng p d ho lders rodukto ”.

es.zc

e

@ el

c

_z a i c n ga

plantS

a mg a s y a y is s. Sila’ a a a i it n hop anc leg hing s a dam ya E Ang e clot ng mg ” o ka g in onl ebenta rendin . “t b an nag kay sa ramih a gk asa sum usto n g ” na

le “sty

eS h t o cl

@trend.ia

@clothingfameux

Ang Clothingfameux ay kilala rin sa pagbebenta ng mga magagandang damit.

ta gbeben a n y a a a d.i ampok s t Ang tren a n it ga dam rin ng m on. an ngay a t a b a k mga

clotheS

clotheS @lipol ogy.ph

Ang L pagb ipology a e prod benta n y kilala sa u gc ct selle r ay s. Ang k heek an d a ang velve nilang b lip est t tint s.

makeu

P


@aphrodisia .z

c

Ang aph rodisia.c o naman nagbebe ay nta rin n g lip and cheek pr oducts. K ilalangkilala an g kanilan bagong g li p gloss a produkto t na false lashes.

@deeniess paay stries

makeuP

c

r. z a b r e t but

@

astr Ang deensp ng mga nagbebenta lad a pagkain tu matatamis n g upcakes. An ng cakes o c ng st seller ay a kanilang be ado ang aan organis s g n u k s e yanan k bouqca ndang lalag a g a m a s s e mga cupcak uet. khang bouq u m u m g a n t a

fooD

ot ng g a s . t na ung Sago bar.zc k g hanap ler l an er butt imagas a best se at h g s pang nilang m cookie p i a k h Ang colate c o h d. gc y an ana brea a n an nam chip ba o choc

fooD

@torifu.sfw Ang Torifu ay magpapakilala naman ng mga street food galing sa iba’t ibang bansa.

@uriel

skitch

Kung ang pandesa h l ang anap ay naman U perp riel’s dit ekto kanil o. Kilala Kitchen pand ng-k a e ila baya sal at re ng best s d n. eller la ang velve na t pan desa nutella l sa

enph

fooD

fooD @gshop.zc

n ang ya nama r o s e s k ang Kung a -pwede g n e d e w a hanap, p ila’y nagbebent S . e c phon gshop.z andang g a g a m ses ay ng mga hone ca no. p g n a il g selepo kan n g it n n u A . g s case hat n do sa la n u s a k g ma

Other


Folder

...

Bagong Kabanata ng Aking Buhay Ang bagong taong panuruan ay talagang nakasasabik para sa lahat, lalo na para sa mga nag-move up patungong senior high school. Ito ay maituturing na bagong simula. Bagong kampus, bagong silid-aralan, bagong mga kaklase. Mapapaisip ka kung sino ang iyong makikilala at kung ano ang mga alaalang mabubuo kasama ang mga taong ito. Ngunit, ang pasukan ngayong taon ay talagang kakaiba dahil sa pandemyang kinahaharap ng mundo. Paano kaya ito pinaghandaan ng mga mag-aaral lalo na ng mga nasa baiting labing-isa na nasa bagong yugto ng kanilang buhay? Dinggin natin ang ang kuwento ng isa sa kanila.

Tulad tayo ng kamay sa orasang hindi tumitigil sa paggalaw. Ako si Layka, dating miyembro at punong tagapamahala ng La Liga Atenista. Apat na taon din akong namalagi sa Ateneo de Zamboanga University Junior High School, ang bawat taon ay hindi malilimutan. Ngunit, ang huling taon ko ata ang tanging maikukwento ko sa pagtanda. Hindi lamang dahil huling taong pagsasama na namin ng seksiyon kong Garnet na naging pamilya ko na, kung hindi dahil kakaiba ang mga nangyari sa aming huling buwang pamamalagi. Ngayong nasa paaralang senior na ako, hindi naging madali noong una at kahit naman ngayon, pagkalipas ng ilang buwan. Hindi lang dahil bagong mga mukha na ang makakaharap ko, bagong uniporme, at bagong mga gusali na ang bubungad sa akin, kung hindi dahil lahat ay virtual at ngayon ko lamang mararanasan ito. Dahil dito, lubos akong nanibago dahil wala na ang mga asaran, kulitan, mga pagbaba sa cafeteria bago magsimula ang klase, o pagbili ng siomai sa Regine’s Store sa labas habang nakatambay sa field tuwing uwian. Wala man lang kaming maayos na paalam na naisipang gawin noong completion, pero ganoon na siguro ang buhay, kailangan ring umusad. Sa kabila ng lungkot at pagka-ulila sa mga alaala noong baitang 10, ngayong baitang 11 na kami ay parang wala namang pagbabago. Kahit na nagkahiwa-hiwalay kami ay tuloy parin ang asaran at kulitan sa group chat at video calls. Ang daming tumulong sa aking maging higit na sanay sa bagong kabanata ng aking buhay. Ang 2017-2020 St. Thomas Garnet ay buhay na buhay pa rin sa mga group chats at pinaparamdam sa isa’t isa, tulad sa orihinal na kanta namin noong Retreat Letters, kami’y “forever as one” o panghabang buhay na magkaisa, si Mazen na kasama ko noong unang araw pa lang ng panibagong parte ng aming buhay na ito at isa rin sa mga nakakausap ko sa tuwing kinakabahan ako o sa tuwing naninibago ako noong una pa lamang hanggang ngayon, at siyempre sina Yesha, Valery, Yessa, Nash, Mae, Jannie, Yeng, Idoya, at Jhana na katuwang at Karamay ko sa magulong biyaheng nararanasan namin ngayon kung saan dinidiskubri pa naming lahat at paunti-unti pa lamang kami pumipiglas sa mga alaala ng nakaraan. Hindi lamang kami umusad mula baitang 10 papunta sa baitang 11, umusad din kami sa tulong ng panibagong paraan ng pag-aaral. Kaya naman, doble ang paninibagong naganap at patuloy na nagaganap. Mahirap man tanggapin at magpatuloy sa una, ngunit kapag kasama mo ang mga tamang tao, talagang malalagpasan mo lahat. Isang mabilis na pangyayari lahat, parang ang damot ng orasan, pero siguro’y ganoon na talaga. Sa isang iglap ay nagiging isang alaala na lamang lahat, at ang pagtanggap at pag-usad dito ang tanging paraan, katulad ng isang orasan.

Ang bagong taong panuruan ay talagang nakasasabik para sa lahat, lalo na para sa mga nag-move up patungong senior high school. Ito ay maituturing na bagong simula. Bagong kampus, bagong silid-aralan, bagong mga kaklase. Mapapaisip ka kung sino ang iyong makikilala at kung ano ang mga alaalang mabubuo kasama ang mga taong ito. Ngunit, ang pasukan ngayong taon ay talagang kakaiba dahil sa pandemyang kinahaharap ng mundo. Paano kaya ito pinaghandaan ng mga mag-aaral lalo na ng mga nasa baiting labing-isa na nasa bagong yugto ng kanilang buhay? Dinggin natin ang ang kuwento ng isa sa kanila. Samantha Zoe Kintanar at Layka Akmad


Zoom Group Chat

11 bagay na na-miss sa face to face na klase

From Athea Isnani to Everyone Tambay sa field From Akeezia Carreon to Everyone Jamming sessions From Diane Cabato to Everyone Frisbee From Ysabelle Macrohon to Everyone Kuwentuhan pagkatapos ng klase From Kyla Lajid to Everyone Cafeteria From Raheem Nones to Everyone Intrams From Thamara Arrieta to Everyone AtFest From Roland Bial Jr to Everyone Sir Pilamer From Edpin Susulan Jr to Everyone Assembly From Willen Santuyo to Everyone Pag-scan ng ID tuwing pumapasok From Myiessha Sia to Everyone Pagkain ng tindahan sa labas

To

Everyone

Athea Isnani

Jules Vicente

Akeezia Carreon

Diane Cabato

Ysabelle Mac...

Kyla Lajid

Raheem Nones

Thamara Ar...

Roland Bial Jr

Edpin Susu...

Willen Santuyo

Myiessha Sia

Cesar Ramirez

Maree Tatel

Marco palo...

Bianca Buhay



KOMIKS


KOMIKS


Aktibismo sa Panahon ng Pandemya Ang pagbabagong inaasam ay hindi makakamit hangga’t mayroong gagalaw. Sa taong 2020 pa lamang, nasaksihan natin ang libo-libong protesta mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Hindi na natin kailangang lumayo pa upang makita ang mga karanasang ito. Sa Filipinas pa lamang, maraming mga nakikipaglaban para sa mga karapatan ng mga mahihirap at inaapi sa lipunan. Maraming tao ang nagiging aktibista upang hilingin ang pagbabago mula sa pamahalaan. Kahit sa oras ng isang pandemya, hindi pa rin mahahadlangan ang mga tao upang ipaglaban ang sa tingin nila ay nararapat. Sa mismong anibersaryo ng araw ng ating kalayaan, nagsama-sama ang iba’t ibang grupo ng mga aktibista para sa isang Grand Mañanita sa Diliman campus ng Unibersidad ng Pilipinas. Naging isang protesta ito laban sa pagpasa ng Anti-Terrorism Bill at ang kakulangan ng maayos na tugon sa pandemyang hinaharap. Isinagawa ang Grand Mañanita upang manggagad ang pagdiriwang ng kaarawan ni Major General Debold Sinas kung saan nilabag ng mga taong dumalo ang protokol para sa kuwarentenas na pagbawal ng pagtitipon. Noong ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulo Rodrigo Duterte, nagkaroon naman ng mga protesta sa iba’t ibang bahagi ng Filipinas. Muling sigaw ng mga tao ang unahin ang pagtugon sa pandemya lalo na’t tuluyan pa rin ang pagtaas ng bilang ng kaso sa bansa. Binatikos sa protesta ang pangangasiwa ni Pangulong Duterte dahil sa pagtupad ng AntiTerrorism Law at ang pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN. Naging dahilan din ng protesta ang hindi pagtigil sa paglabag ng karapatang pantao at ang sigaw para sa isang sistema ng edukasyong para sa lahat ng Filipino, lalo na sa panahon ng pandemya kung saan karamihan sa mga klase ay online. Never Forget! – ito naman ang sigaw ng mga Filipino noong ika-48 na anibersaryo ng batas militar sa Filipinas. Muling lumabas ang mga tao mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang ipaglaban at protektahan ang demokrasya dahil sa takot na maranasan muli ng mga Filipino ang mapang-api na pamumuno. Dala ito ng mga atake laban sa mga aktibista at malayang pamamahayag. Naramdaman ng mga tao ang panganib matapos masaksihan ang iba’t ibang atake sa kalayaan at karapatan ng mga Filipino matapos ipatupad ang Anti-Terrorism Law at ang pagtanggi sa prangkisa ng ABS-CBN. Hindi naman malilimutan ang UP Pride 2020 na isinagawa online dahil sa pandemya. Naging mahirap man ang pagdiriwang online, hindi ito naging hadlang upang ituloy ang laban para sa karapatan ng mga miyembro ng ating komunidad na LGBTQ+. Naging daan din ito upang mabigyang pansin ang nararanasang paghihirap ng komunidad sa panahon ng pandemya at ang panawagang ipasa ang national Sexual Orientation and Gender Identity Expression (SOGIE) equality bill. Sa ika-157 na kaarawan ni Andres Bonifacio, muling nagkaroon ng protesta bilang inspirasyon sa kaniyang mga gawain bilang isang aktibista. Naging daan ito para sa mga tao upang magsalita ukol sa mga isyung hinaharap ng bansa. Iba’t ibang grupo ang lumabas para sa protesta mula mga kabataan hanggang sa mga organisasyon ng mga manggagawa. Kabilang sa mga isyung inihayag dito ay ang jeepney phase out, pagtugon sa pandemya, red-tagging, at ang karapatan ng mga manggagawang Filipino. Kahit sa panahon ng isang pandemya kung saan nalalagay sa panganib ang ating kalusugan, hindi nahadlangan ang aktibismo. Lahat ng mga naganap na protesta ay sumunod sa mga protokol tulad ng pagsuot ng mga mask at pagpapanatili ng pagitan mula sa kapwa. Ang aktibismo ay hindi lang naganap sa mga daan o sa labas, marami rin ang nangyari online. Maraming usapan ang naganap sa iba’t ibang plataporma ng social media na tinawag na “SocMed Rally” Nagkaroon din ng maraming hashtags na nag-trending bilang paraan ng aktibismo. Naging daan ang social media upang mas palawakin pa ang usapan sa aktibismo. Hindi lamang sa Filipinas naganap ang mga protesta. Maraming aktibismo ang naganap sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Kabilang na rito ang patuloy na pinaglalabang kilusang Black Lives Matter (BLM). Libo-libong tao ang lumabas sa mga daan at nagkaisa upang magprotesta para sa karapatan ng mga “black” na tao sa buong mundo at laban sa pang-aabuso ng kapulisan, na nagsimula sa walang awang pagpatay kay George Floyd. Nagkaroon din ng protesta sa Thailand kung saan hiniling ng mga tao ang reporma sa monarkiya. Sa Nigeria naman ay naganap ang End SARS na protesta upang marinig ang tawag ng mga taong tigilan ang pang-aabuso ng mga pulis sa bansa. Lahat tayo ay nabubuhay sa isang panahon ng pandemya kung saan mas naipakikita ang hindi pagkakapantay-pantay na pakikitungo sa mga tao sa lipunan. Ang mga aktibismong naranasan natin sa taong ito ay isang patunay na kailangan nating makita ang kabuktutan sa ating lipunan upang mamulat sa kinakailangang pagbabago. Bawat araw ay nabibigyan tayo ng pagkakataon upang magkaroon ng kamalayan sa nangyayari sa ating kapaligiran. Hindi natin kailangang hintayin ang susunod na eleksiyon upang makamit ang pagbabago, magsisimula ito sa atin, ngayon.

- Akeezia Fia Carreon


Search Twitter

11 bagay na dapat ipaglaban 1 • Trending

Black Lives Matter 2 • Trending

Save Sierra Madre 3 • Trending

Yes to SOGIE Bill 4 • Trending

Stand With Uyghurs 5 • Trending

Yemen Crisis 6 • Trending

End Police Brutality 7 • Trending

Nth Room Case 8 • Trending

Save Lumad Schools 9 • Trending

Activism is Not terrorism 10 • Trending

Farmers 11 • Trending

Press Freedom


Denise Maricar Dela Rosa 11h

Iba Na

Iba na ang buhay ngayon kumpara sa dati. Maliwanag na umaga ang sumalubong kay Lola nang gumising siya. Lumabas si Lola para tingnan ang magandang paligid at langhapin ang sariwang hangin. Kasabay niya sa paggising ay ang kanyang apo, si Chad, na nakatutok naman sa kanyang gadyet. Noong hapon ay napagdesisyunang magtipun-tipon ng mga kaibigan ni Chad. Magkasama sa hapagkainan si Chad at ang mga kaibigan niya pati na rin ang mga nakatatandang tagabantay nito. Habang kumakain, hindi umiimik ang mga bata at nakatutok ang lahat sa kanilang mga selepono o tablet. Si Lola at ang mga kaibigan niya naman ay nagsimulang magkuwentuhan tungkol sa kabataan nila, “Noong kabataan natin, maghapon tayong nasa labas nakikipaglaro sa mga kaibigan. Napakasaya kung inaalala ko ang mga panahon na iyon. Ngunit ngayon, halos hindi na makatapak sa labas kakagamit nila ng mga selepono.” Ang Social Media ay ang bagong libangan ng mga tao ngayon. Ito ay ginagamit bilang paraan ng komunikasyon sa iba at pagiging updated sa mga pangyayari sa mundo ngayon. Ang mga halimbawa ng social media ay Facebook, Instagram, Twitter, Youtube, Snapchat, at marami pang iba. Ito ang mga bagay na wala noon, ang mga nakasaad na halimbawa ay nabuo lamang noong 1997, mahigit na sampung taon pa lamang ang nakararaan. Ngunit, makikita na agad ang malaking pagbabago sa panahong walang social media at ngayong tutok na tutok tayo dito Una, sa pagkalap ng impormasyon tungkol sa mga pangkasalukuyang kaganapan. Noon, kailangan pang magbasa ng balita para maging maalam sa mga pangyayari sa sariling lugar, ngunit, ngayon, sa pamamagitan ng mga social media apps tulad ng Twitter at Facebook, maaari nang malaman ang ganap sa kahit saang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng isang click. Kaya naman, nagiging mas bukas ang isip ng mga tao sa iba’t ibang isyu at maraming nagtutulak na maresolbahan ang mga ito. Pangalawa, sa komunikasyon. Ang paraan ng pakikipag-usap noon ay sa pamamagitan ng pag-uusap sa telepono, pagpapadala ng sulat, o simpleng pakikipagkita. Ngayong konektado na tayo sa internet at maraming social media apps na makatutulong upang higit na mapadali o convenient ang pakikipag-usap sa iba. Maaari ring magkaroon ng interaksyon sa pamamagitan ng pag-comment sa mga post, pag-Tweet, at iba pa. Madalas ngang nagkakaroon ng diskurso ang mga tao tungkol sa mga isyung kinahaharap ng mundo online. Maaari na ring makita ng mga tao ang isa’t isa kapag magkatawag dahil sa video call kaya mas nararamdaman ang presensya ng isa’t isa. Panghuli, sa paglilibang. Ang mga bata noon ay kadalasang nakikipaglaro kasama ang mga kaibigan sa labas o di kaya’y gamit ang kanilang mga laruan. Kahit na nangyayari pa rin naman ang mga ito ngayon, higit na nakapokus na ang mga kabataan sa mga online games na maaari rin nilang malaro kasama ang mga kaibigan. Ang mismong pag-scroll nga sa social media ay maituturing ring libangan ng mga tao ngayon. Kung titingnan ay ibang-iba nga talaga ang buhay noon at ngayon. Saksi ang ating mga magulang sa lumaganap na mga pagbabago ngayon. Hindi rin natin maitatanggi na sa mga panahong ito ay maaasahan ang social media kung saan binibigyan tayo ng pagkakataon upang lumawak ang ating kaalaman at magkaroon ng madaling paraan upang maglibang. Marami mang benepisyo ang social media, hangga’t maaari’y ‘wag maging abusado. Iwasan ang pagkagumon sa plataporma na ito sa punto na wala ng oras na maibibigay sa higit na halagang bagay.


HOME NEWS

Palihim na Droga Marxandrea Diane Cabato

“Lahat ng ‘yong galaw ay meron kang documentation Lahat din ng ito pinapakita mo sa nation” Pamilyar ba sa’yo ang mga salitang ‘to? Oo, tama ka, ito ay mga linyahan mula sa kantang “Selfie Song” ng Jamich na sumikat noong naging uso ang salitang “selfie” o ang pagkuha ng larawan sa sarili. Dati pa man, bahagi na ng ating buhay ang pagiging active sa social media tulad ng Facebook, Twitter at Instagram. Mula sa sandaling dumilat ang ating mga mata hanggang sa pagpikit nito bago matulog, ito ang inaatupag. Marahil ay masyado nang umiikot ang ating mundo sa social media kaya hindi na natin napapansin ang mga dulot nito sa ating buhay. Ngunit, lingid sa ating kaalaman ang pagiging adik sa social media ay kasinsahol ng ipinagbabawal na gamot. Ayon sa pananaliksik ng Harvard, ang paggamit ng social media ay nakaaapekto sa parehong bahagi ng utak na naaapektuhan tuwing gumagamit ang tao ng mga nakakaadik na sangkap. Dagdag pa rito, tuwing nakatatanggap tayo ng mga notification o mga mensahe mula sa ating mga kaibigan, ang ating utak ay napupuno ng dopamine na siyang nagpaparamdam sa atin ng kagalakan. Dahil sa kasiyahang nakukuha natin mula sa paggamit ang social media, pinagpapatuloy natin ito hanggang sa makuha natin ang kalugurang inaasam natin. Kaya naman, lalo tayong nagaganahang sumisid sa napakalawak na platapormang ito. Para sa mga taong nahihirapang ibahagi ang kanilang nararamdaman sa personal, ang social media ay nagsisilbing lugar kung saan maaari nilang sabihin at gawin ang mga hindi nila nagagawa sa tunay na buhay. Nagkakaroon sila ng pribadong espasyo kung saan pili lamang ang mga mabibilang dito. Tiyak na mas kumportable sila rito kaya pinipili nilang magpakalayo sa realidad at manatili sa mundo ng social media. Maaari nating sabihing positibo ito, ngunit maaari rin itong magdulot ng kasamaan. Sa pagkaadik natin dito, nalilimutan na natin ang ating mga responsibilidad sa tunay na mundo. Unti-unti na rin tayong lumalayo sa katotohanan. Higit sa lahat, ito ay nakadudulot ng panganib sa kalusugang pangkaisipan dala ng paghahambing ng tunay na buhay sa buhay na ipinapakita online. Marami ring bagay sa social media ang nakaaapekto sa pag-iisip ng tao. Napapabago nito ang pananaw ng isang tao dahil sa mga standard na itinakda ng mga influencer. Dito nagsisimula ang pagbaba ng pananaw sa sarili na maaaring magdulot ng kalungkutan, anxiety, depression at marami pang iba. Paano nga ba malaman kung ikaw ay nabibilang sa mga taong may social media addiction? Wala mang opisyal na pagsusuri nito, maaari mo itong matukoy sa pamamagitan ng pagmamasid sa paggamit ng social media at ang epekto nito sa iyong mga takdanggawain. Nabibigyan mo pa rin ba ng atensyon ang mga responsibilidad mo sa tunay na buhay o masyado mo nang ginugugol ang oras mo online kaya hindi na binibigyang pansin ang mga ito? Kung sa palagay mo ay hindi na ito nakabubuti para sa iyong pagkatao at kalusugan, ngayon pa lamang ay nararapat na itong ihinto bago pa man humantong sa mas malalang kondisyon. Magtakda ng limitadong oras kung kailan maaaring gumamit ng social media upang maiwasan ang patuloy na adiksiyong ito. Sanayin ang sariling mamuhay malayo sa online na platapormang ito at magpokus sa mga bagay na makikita sa totoong mundo. Sa ganitong paraan, mabibigyan mo ng oras ang iyong sarili at matutupad ang mga bagay na kailangan mong gawin. Tulad nga ng sabi ni Jam sa kaniyang kanta, bawat galaw natin ay dinodokumentahan at ibinabahagi sa social media. Maski simpleng pagkain ay kinukuhanan pa ng larawan upang maipakita sa mga followers. Hindi natin napapansing unti-unti nang binabago ng social media ang ating pamumuhay. Tila dito na umiikot ang ating mundo sapagkat nararamdaman nating hindi kumpleto ang araw kung wala ang social media. Hindi natin nararamdamang ang dulot ng sobrang paggamit ng social media ay kasinlala na ng pagkonsumo ng droga. Kaya mag-ingat at ingatan ang kalusugan.


11 bagay na puwedeng gawin nang walang gadyet Magpinta o magkolor Kumuha ng mga recipe sa cookbook para ibake o iluto Gumugol ng mas maraming oras sa pamilya Tumulong sa mga gawaing bahay Makipaglaro sa mga alagang aso, pusa, o iba pang hayop Ayusin ang iyong body clock Magsulat o gumawa ng talaarawan Dumaan sa ilang mga lumang larawan sa mga album Magnilay, magsanay ng isip o kapayapaan ng isip Gumawa ng mga puzzle Magbasa ng mga libro


11 pwedeng gawin sa gadyet Kanta SHUFFLE PLAY

Di Ka Sayang Ben&Ben

Leaves Ben&Ben

Paubaya Moira

Patawad Moira

Pelikula

Seven Sundays

Four Sisters and a Wedding

The Hows of Us

Alone/ Together

Mga Games

Among us

Wild Rift

Mobile Legends



La Liga Atenista @laligaatenista

11 Hindi dapat gawin o sabihin online La Liga Atenista @laligaatenista 1. Pagkomento sa katawan ng ibang tao. -May mga taong hindi kumportable kapag pinupuna ang katawan nila. Kung hindi mo katawan, hindi mo dapat pinagsasalitaan. -Halimbawa: “Dapat siguro mag-diet ka na.”, “Masyado ka nang payat, kumakain ka pa ba?”

La Liga Atenista @laligaatenista 2.Pagbibiro tungkol sa kulay ng balat. -Lalo na sa Pilipinas, ang pagkakaroon ng mas maitim na balat ay tinatanaw bilang hindi kanais-nais. Hindi natin napapansing ang mga nasasabi tungkol dito ay maituturing racist. -“Uy, blackout! ‘Di na tuloy kita makita.”

La Liga Atenista @laligaatenista 3.Pagtawanan ang mga tao para sa mga bagay na hindi nila kayang intindihin o gawin. -Ang ableism o pagiging kontra ng mga taong neurodivergent o may kapansanan sa pag-iisip ay isang bagay na hindi gaanong napag-uusapan. Ngunit, nararapat lamang na bigyan ito ng atensiyon. Kapag pinapaliwanag ng iba ang mga bagay na hindi nila maintindihan, subuking gawin ito nang maayos. Sa parehong paraan, kapag humihingi ng tulong sa paggawa ng mga bagay, gawin ito sa abot ng makakaya.

La Liga Atenista @laligaatenista 4.Paggamit ng bakla, tomboy, at iba pang kaugnay na salita bilang insulto. -Pinapalabas nitong masama o katawa-tawa ang pagiging bahagi ng komunidad ng LGBTQ+. Ito ay nakakasakit para sa mga kasama nito.

La Liga Atenista @laligaatenista 5.Pag-assume ang panghalip na ginagamit ng mga tao. -Kapag nakikipag-usap sa Ingles, magkaiba ang mga panghalip na ginagamit para sa bawat kasarin. Ang mga panghalip na ginagamit ng mga tao, lalo na ng ibang miyembro ng LGBTQ+, ay hindi agad naaayon sa kanilang kasarian. Hindi porket babae’y she o her na ang ginagamit, at hindi dahil lalaki’y he o him na. Marami ring mga taong non-binary o mga hindi babae o lalaki. Kaya, ugaliing tanungin ang mga panghalip ng mga tao at gamitin ang they o them na itinuturing gender neutral kapag hindi mo alam ang mga ito.

La Liga Atenista @laligaatenista 6.Pagbibigay ng backhanded compliments -Ito’y mga puring may halong pamumuna. Hindi magandang gamitin ang mga ito dahil maaaring makasakit sa iba. -Halimbawa: “Ang ganda mo pa rin kahit marami kang tigyawat.”


La Liga Atenista @laligaatenista 7.Pagdikta sa kung ano ang dapat gawin ng mga tao dahil sa kasarian nila. -Mayroong mga tinuturing gender roles na sinusubukang ipilit sa mga kasarian. Para sa mga lalaki, tila hindi sila maaaring maging emosyonal o ‘malambot’ at dapat maging matagumpay sa buhay para maitaguyod ang pamilya. Para sa mga babae, inaasahang magpakasal para magkaanak at ituon lamang ang atensyon sa pag-alaga ng pamilya. Sa panahon ngayon, kumakalas na tayo sa mga ito kaya ang mga komento tungkol dito ay hindi tatanggapin nang maayos ng iba. -Halimbawa: “Lalaki ka, bakit ka umiiyak?”, “Babae ka, dapat hindi ka masyadong siga umakto.”

La Liga Atenista @laligaatenista 8.Pagtalaga ng kasuotan para sa lalaki at para sa babae. -Sa napakahabang panahon, ang mga damit ay may nakatalagang kasarian. Ngunit, ngayon, hinihikayat na ang pagsuot ng kahit anong damit na nais, kahit ano pa man ang kasarian mo. Makikita ang kalalakihang nagsusuot ng mga bistida, iskirt, at cropped top na karaniwang tinuturing pambabae lamang.

La Liga Atenista @laligaatenista 9.Paggamit ng kultura ng iba para sa pang-aliw na hangarin o para sa aesthetic. -Ang cultural appropriation ang paggamit ng kultura ng iba nang walang respeto para dito. Magkaiba ito at ang cultural appreciation kung saan pinapakita ang pagpapahalaga sa ibang kultura. Halimbawa, kung nagtanghal ka ng sayaw ng kulturang Indiano nang seryoso, may maayos na pananamit, at kinokopya nang maayos ang mga galaw, maituturing itong appreciation. Ngunit, pag sinayaw ito para magpatawa, ito’y appropriation. Laganap din ang paggamit ng braids, dreads, at iba pang mga hairstyle ng mga Black. Ito’y nakakasakit para sa kanila dahil sa kasaysayan ng pagkaalipin.

La Liga Atenista @laligaatenista 10.Pagtawa sa mga taong hindi marunong mag-Ingles -Ito’y halimbawa ng xenophobia, ang pagkakaroon o pagpapakita ng pagtatangi para sa mga tao sa ibang bansa. Hindi kailangang matuto ng lahat ng tao ng Ingles, at kahanga-hanga ang mga sumusubok dito. Hindi dapat sila pagtawanan dahil hindi sila gaanong matatas o magaling dito.

La Liga Atenista @laligaatenista 11.Huwag mag-post o mag-share ng mga post na may sensitibong nilalaman nang walang nilalagay na trigger warning o TW. -Ang mga paksa tulad ng self-harm, suicide, violence, death, anxiety, at iba pa ay maaaring makatrigger sa mga tao kaya lagging siguraduhin ang paglagay ng babala para maiwasan nila ang mga ito.


Ang Himala Ng Pangalawang Buhay Athea June Charlotte Isnani

Iisa lamang ang buhay natin. Ito ang katotohanang dapat nating tanggapin. Kung kaya’t dapat natin itong pahalagahan sa pamamagitan ng pagiging malusog at ligtas. Ngunit, hindi rin maipagkakailang walang kasiguraduhan ang buhay. Kahit anong ingat, may mga pangyayaring hindi inaasahang maaaring magdulot ng kawalan ng pinakainiingatang buhay. Isa sa mga nakaranas nito ay si Zephanie, isang 18 taong gulang mula sa Jolo, Sulu. Nagising si Zephanie noong umaga ng ika-24 ng Agosto, 2020, na handang magpatuloy sa dating gawi. Nakatira sila ng kanilang pamilya sa ikalawang palapag ng gusaling Goteckleng, kung saan tumutulong siyang magtrabaho. Ngunit, nang sumapit ang tanghali, may hindi inaasahang pangyayaring naganap. Nakarinig sila ng pagsabog ng bomba sa malapit na kainan. Kasama ni Zephanie ang mas nakatatandang lalaking kasama niyang magtrabaho at ang kanyang tita. Agad nilang sinarado ang tindahan at umakyat sa ikalawang palapag ng gusali. Isang oras pagkatapos nito, naisipan nilang lumikas papunta sa bahay ng kapamilya, malayo sa mga pagsabog na nangyari upang makaligtas. Tumbalik ang desisyong ito sapagkat habang papalabas, doon sila nasabugan. Agad silang sinugod sa ospital dahil sa mga natamong sugat. Kasama nila ang iba pang mga nasugatang sundalo at sibilyan. Kasama na ang unang pagsabog, 11 ang patay at 24 ang sugatan. Matapos ang imbestigasyon, napag-alamang ang insidenteng ito ay suicide bombing at ang pakay ay ang mga nakaparadang sasakyan ng mga sundalo, kaya karamihan sa mga biktima ay mga sundalo. Ani Major General Corleto Vinluan Jr., komander ng Western Mindanao Command, pinaghihinalaang ang Abu Sayyaf, isang grupo ng mga terorista, ang nasa likod nito. Noong mga oras na nangyari ang pagsabog, tila nawala daw sa sarili si Zephanie. Wala na siyang ibang naisip kundi ang makatakas at mailigtas ang sarili. Pagkatapos ng pangyayari, agad siyang nagpasalamat sa Diyos dahil buhay pa siya. Tunay ngang maituturing na biyaya ang kaligtasan nila, ngunit hindi rin maitatago ang trauma na natamo nila sa pangyayari. Maliban sa pisikal na sugat, nagkaroon din ito ng mental at emosyonal na pinsala. Sabi ni Zephanie, simula noon, natakot na siyang pumunta sa matataong mga tindahan at lumapit sa mga sundalo. Itinuturing na pangalawang buhay na ni Zephanie ang buhay niya ngayon. Alam niya mismo sa kanyang sarili na maraming nagbago sa kanya, at nagbago rin ang tingin niya sa buhay. Talagang bihira ang makatakas mula sa kamatayan. Maaari pa nga natin itong tawaging himala. Ang posibilidad na maaring namatay na siya sa nangyari ang dahilan kung bakit lubos niyang ipinagpapasalamat na nakaligtas siya. Marami mang sugat at peklat ang naiwan sa kanya ng karanasang ito, ang buhay na mayroon siya ngayon ay isang biyayang talagang pinahahalagahan ni Zephanie.




11 paraan para mahalin ang sarili pagkatapos ng isang paghihiwalay

1.

Unahin muna ang iyong sarili.

Pakawalan ang mga negatibong tao sa buhay.

3.

Matuto mula sa iyong mga pagkakamali.

5.

7.

Maglaan ng oras para sa iyong sarili.

9.

Magtiwala sa iyong sariling kakayanin mo ang mga problema.

11.

2.

Huwag ihambing ang iyong sarili sa iba.

4.

Palaging mag-isip ng positibo.

6.

Itigil ang pago-overthink.

8.

Tanggaping hindi mo na mababago ang nakaraan.

10.

Magpatuloy sa iyong buhay nang masaya.

Tandaang ang iyong buhay ay mahalaga, huwag mo itong sayangin.


11:11 hiling Anonymous Matapos ang pandemya o mawala ang COVID-19 Anonymous Makamtan ang mga pangarap Anonymous Magtagumpay sa kinabukasan Anonymous Masayang pamilya Anonymous Makita at makasamang muli ang mga pamilya at kaibigan Anonymous Mas maraming taon kasama ang mga mahal sa buhay Anonymous Makauwi sa Zamboanga Anonymous Pahinga Anonymous Kaligtasan Anonymous Kaligayahan


BUKAMBIBIG ONSE


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.