Lamdag (Pebrero-Marso 2021)

Page 1

LAMDAG

9, patay sa sunod-sunod na pagsalakay

S

iyam na aktibista ang patay matapos magkaroon ng sunod-sunod na pagsalakay ang pulisya at militar umaga noong ika-7 ng Marso sa apat na probinsya ng Southern Tagalog Region. “Nothing could be more apt than calling this day a ‘Bloody Sunday,’” ayon kay Cristina Palabay, ang pinuno ng Karapatan, isang Filipino rights group. Nasawi sa pagsalakay sina Ariel Lemita Evangelista at Chai Evangelista, ang mag-asawang pinuno ng isang lokal na samahan ng mga mangingisda mula Batangas, si Emmanuel “Manny” Asuncion, ang tagapag-ugnay ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN-Cavite) mula Cavite, sina Randy at Puroy Dela Cruz na mga kasapi ng tribong Dumagat, sina Melvin Dasigao, Mark Lee Bacasno, at Abner at Edward Esto na mga kapwa nagmula sa probinsiya ng Rizal at mga kasapi ng San Isidro Kasiglahan, Kapatiran, at Damayan para sa Kabuhayan, Katarungan at Kapayapaan (SIKKAD-K3). Ayon sa kinakasama ni Dasigao na si Rosalinda Salundaga, walang warrant of arrest na ipinakita ang mga pulis. Basta na lamang daw silang

pinalabas ng mga ito sa kanilang tahanan at noong makalabas na si Salundaga at ang kanilang dalawang anak ay hinarang ng

© Rappler

mga pulis si Dasigao. Pagkasarado ng pinto ay nakarinig na si Salundaga ng mga putok ng baril. Sabi ng mga awtoridad, mayroon daw silang natagpuang mga armas at eksplosibo sa mga tahanan nina Dasigao at Bacasno, na magkakalapit lamang ang mga lokasyon. Subalit, itinanggi ito ni Salundaga dahil paano raw sila magkakaroon ng mga armas kung sila ay nabubuhay sa kahirapan. Pareho rin ang naging pahayag ng asawa ni Puroy dela Cruz na si Melinda dela Cruz. Wala raw warrant of arrest na ipinakita at sapilitang pinalabas siya ng mga awtoridad kasama ang kanilang anak bago

pinatay ang kaniyang asawa. Dalawang araw bago naganap ang insidente ay nagpatupad si Pangulong Rodrigo Duterte ng utos sa mga pulisya at militar na tapusin na ang rebelyong nagsimula pa noong 1969. “I’ve told the military and the police that if they find themselves in an armed encounter with the communist rebels, kill them, make sure you really kill them, and finish them off if they are alive,” sabi ni Duterte. Nahaharap ngayon si Duterte sa mga kasong krimen laban sa sangkatauhan na inihayag ng International Criminal Court dahil sa kaniyang madugong giyera laban sa droga na nagdulot ng kamatayan ng hindi bababa sa 8,000 na katauhan. Hindi rin bababa sa 300 na aktibista, kasama na riyan ang 55 abogado at hukom na napagtaguriang mga “communist symphatizers”, ang namatay simula noong umupo sa puwesto si Duterte noong 2016. Ni Ysabella Beatrice M. Macrohon


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.