Pahina: Añoranza Ang opisyal na pampanitkang folio ng La Liga Atenista Opisyal na pamahayagang pangmag-aaral ng Mataas na Paaralang Junior ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga © Karapatang Ari 2022 Tomo 6, Blg. 1 Ang lahat na nilalaman ng folio ay orihinal na gawa ng mga manunulat at tagapagtaguyod ng sining Mataas na Paaralang Junior ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga University 2022
Añoranza
damdamin. pagnanasa. pananabik. galimgim
Tungkol sa Pabalat Ang hinihintay na pagwakas ng bawat araw ng pag-aaral; ang nakagiginhawang simoy ng hapong hanging sumasabay sa iyong biyahe pauwi; ang langit at mga ulap na pinintahan ng mga matitingkad na kulay ng kahel, pula, at rosas; ito ay ilan lamang sa mga pamilyar na tanawin, para sa nakararami sa atin, matapos ang mga araw na maabala at, marahil, mabigat. Hatid ng larawang-guhit ang likhang sining na kumakatawan sa mga saglit na malapit sa ating mga damdamin—ang mga hapong puno ng kapayapaan at ang pakiramdam ng kaligtasan. Sa pagtapos ng mga araw ng kagipitan at kaguluhan, dumadating naman ang mga sandaling tahimik at tiwasay. Kalakip nito, sa ating paglusad pauwi ay minsan nating nahahanap ang sarili na bumabalik sa mga alaalang pinakatanyag sa atin, mabuti o mapait man ito. Nais ng Pahina 2022 na dalhin ang mga mambabasa nito sa isang paglalakbay sa mga makatunayan at makataong alaala ng pagkawalay at kalungkutan, pagtatanto at pagsisisi, kapanglawan at katubusan, at, sa
huli, pagbangon. Dala nito ang pagkakataon na gunitahin at muling bigyang-pansin ang mga nagdaan at kasalukuyang suliranin, sakit, at sugat na hindi nagawang lutasin nang sa gayon ay makakayanan na nating gumaling, tumindig, at magpatuloy.
Paunang Salita Hapon, Gabi, Hatinggabi, Umaga, Tanghali – ang mga oras na kumukumpleto sa ating pangaraw-araw na paglalakbay; mga araw na minsan ay mistulang nakaiinip at paulit-ulit na lamang kung kaya’t tayo ay napayayakap na sa sarili’t napapipikit dulot ng pagkabalisa’t minsan, pagluluksa. Sa mga araw na ‘to, may mga pagkakataong napaiisip ka kung ano nga ba ang mangyayari kung hindi mo ginawa ang mga bagay na iyong pinagsisisihan, kung ano kaya ang magagawa mo bagupaman mahuli ang lahat, at mga bagay na nais mong iwasan o gawin kung sakaling mangyari man ang mga ito muli. Sa pagdating ng takipsilim para sa paghilom at sa pagbubukang-liwayway ng araw para sa bagong simula, tayo rin naman ay nakapagpasiya na kailangan muna nating huminto at magpahinga sa walang tigil na pag-ikot ng ating mundo. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang lahat ay muli ng bumabangon mula sa mga pinsalang dala ng COVID-19. Kitang-kita nga naman na maluwag na ring nakalalabas ang mga tao mula sa kani-kanilang mga tahanan – kung saan umikot ang oras sa loob ng nakararami sa mahigit tatlong taong puno
ng mga alaalang napagbalik-tanaw, na siyang maaaring mailabas sa pamamagitan ng pagbabahagi sa mga mambabasa kahit gaano pa man ito kalungkot, kagulo, kapait, at kasakit. Sa bawat pahina na iyong titiklupin ay maging handa sa mga akda at sining na siguradong makatatagos sa iyong puso at maaaring makapagbibigay sa iyo ng mga napakapamilyar na damdamin, mapa-kirot man ‘ya at hapdi man iyan o ‘di kaya’y kaginhawaan at tuwa na makapagpauukit ng isang ngiti iyong mukha. Magalak na inihahandog ng La Liga Atenista ang pampanitikang folio ng taong 2022, ang Añoranza. May iba’t ibang damdamin man ang naihanda ng mga mag-aral at miyembro ng samahan ang nakapaloob dito ngunit isa lamang ang layunin nito: ang makapaghatid ng mga kuwento sa mismong mga akda, larawan, at guhit na isang yugto lamang ang mga alaalang nakakapagbigat sa ating mga sarili – isang panandaliang malubak na daan sa daan ng iyong buhay.
Pamunuang Patnugutan 2021-2022
Ysabella Macrohon Punong Patnugot
Raheem Nones
Katuwang na Patnugot
Shaha Al-Mesfer
Maricar Dela Rosa
Asher Evangelista
Edpin Susulan Jr.
Willen Santuyo
Raphael Alipio
Patnugot ng Balita
Patnugot ng Lathalain
Patnugot ng Pampanitikan Tagapangasiwa ng Larawan
Tagapamahala ng CDT
Zhameena Tawasil Tagapangasiwa ng Larawang Guhit
Katuwang ng Tagapamahala ng CDT
Thamara Arrieta
Tagapamahala ng Komunikasyon
Jules Vicente
Pinunong Taga-ayos ng Pahina
Pasasalamat
Taos pusong nagpapasalamat ang samahan sa mga tao sa likod ng matagumpay na paggawa ng Pahina 2022
Fr. Arnel T. Ong, SJ Bb. Jessa Jane Supilanas Punongguro ng Mataas na Paaralang Junior
Tagapangasiwa ng Kagawaran
Bb. Leah Angelic Bilbar Moderaytor
Talaan ng Nilalaman Maikling Kuwento Amingbal Ang Huling Liham ni Kaloy Kakilala Matamlay Bulaklak ng Talim Talang Kabiguan Kubling Bukadkad
11 13 17 19 22 26 30
Imahe ng Kahapon Tikas ng Damdamin Pait ng Hinagpis Ako Ba? Nakaraan Mga Mata ni Tanda
33 48 50 53 55 58
39 41 42 43 45 46
Sariling Walang Saysay Hawak Mapagkunwa Ayon Ulila Muling Pag-ahon
61 62 63 65 67 68
Tula Gitara Libo-libong Kilometro Huwad Paalam Tama Ba? Iwan
Larawang Guhit Pagalis at Pagpapatuloy Mulat Takas Pagbabago Sayaw Sawing-palad
70 71 72 73 74 75
Hangganan Dili-dili Sa Daan ng Panahon Pagkatapos ng Handaan Silip sa Dilim Bagong Kabanata
76 77 78 79 80 81
Larawang Kuha Kinaadman Marahuyo Bagong Pagkakataon Pananampalataya Paglunas Bukang-Liwayway
83 84 85 86 87 88
Pagmamahal Takip-silim Dasal Lumalagong Pag-asa Sumisibol Sa Pagsikat ng Araw
89 90 91 92 93 94
HAPON
Kasabay Kasabay ng ng pagtago pagtago ng ng araw araw sa sa likod likod ng ng bulubundukin, bulubundukin, Umusbong Umusbong nang nang bigla bigla itong itong masasakit masasakit na na damdamin. damdamin.
Amingbal Ni Liksugo
Lumipas na ang walong oras na pagkayod at ang klase’y patapos na rin. Napakarami pang dapat na alalahanin ngunit nagbabakasakaling akong may milagrong iihipin ang hanging nasa pagitan naming dal’wa. Panatag din ang aking loob sapagkat nariyan ang aking mga kaibigan upang bigyan ako ng lakas para sa pagkakataong ito. Subalit tila mayroon akong naiwan. “Ano nga ba iyon?” saad ko sa aking isipan. Ibinalik ko ang aking tuon sa kasalukuyan kung saa’y kaunting hakbang lamang ang layo ko sa kaniya. Nagkataon na magkakaroon din ng ensayo ang aming grupo para sa presentasyon bukas kung kaya’t mapipilitan akong ituloy ang aking plano. Sa bawat kumpas ng pulsong pabilis nang pabilis ang daloy sa sistema ay siya ring bilis ng pagpatak ng pawis mula sa aking noo. Ilang minuto na lamang bago ko ipagtapat ang aking nararamdaman para sa kaniya. Maayos naman ang lahat hanggang nakaramdam ito ng duda sa mga sinsambit ng aming mga kasapi tungkol sa presentasyon. Ilang minuto ang lumipas at nadulas ang dila ng aking katabi. Biglang nabali ang enggranahe ng aking lakas ng loob at humiwalay ang aking kaluluwa’t katawan nang ilang sandali. Maya-maya lamang at tumayo na rin siya sa kaniyang inuupuan. Natapos na rin ang aming ensayo. Pagkabalik ko sa aking upuan, kukunin ko na sana ang aking mga gamit
11
ngunit mayroong isang liham na nakausli sa aking kuwaderno. Tumungo muna ako sa silidaklatan upang basahin ang liham nang taimtim. Sa sobrang kasabikang buklatin ang balat nito, sinimulan ko na itong basahin habang patungo sa silid-aklatan. Ngunit sa bawat salitang natatanaw sa selulusang parihaba, ang pawis na tumatagaktak ay napalitan ng pumapatak na luha. Agad kong ipinahid ang aking panyo sa aking pisngi’t nakatungong lumisan.
12
Ang Huling Liham ni Kaloy Ni Neolights
Ika-7 ng Enero, nagising si Kaloy dulot ng matinding sikat ng araw noong umagang iyon. Dali-dali niyang kinuha ang kaniyang paboritong kamisa de tsino at kupas na maong, kapares nito ay ang kaniyang nag-iisang relos na halatang pinaglumaan na. Yumuko siya sabay hawak sa kaniyang kumikirot na balakang, unti-unting sinusuot ang kaniyang itim na medyas, kasunod naman nito ay ang kaniyang sapatos na anumang oras ay tila magbibigay na. Hindi siya nagatubiling kumain pa at sinimulang ayusin ang puti niyang buhok. Akmang aalis na sana si Kaloy ngunit napukaw ng panulat at papel na nakalatag sa lamesa ang kaniyang atensyon. Umupo si Kaloy, inayos ang kaniyang salamin, at sinimulang magsulat. Minahal kong Estrella, Nasilayan kita sa aking bungang-tulog. Nakahiga tayo sa kapatagan at tinatanaw ang mga ulap na ‘kay dalisay. Nakapatong ang iyong ulo sa aking dibdib, masuring pinakikinggan ang bawat pagtibok nito, na katumbas ng pagtawag ng iyong ngalan. Pinagmasdan ko ang iyong wangis, ningning ng iyong mata’y sinag ng araw na nagbibigay sa akin ng lakas upang mabuhay. Sa iyo umiikot ang aking munting mundo at ikaw mismo ang kalawakang tanging gagalawan ko. Ngunit, mahal, nagising akong bigo’t nag-iisa sa
13
malamig na kamang marapat na para sa’ting dalawa. Kung kaya’t hinayaan kong panandaliang magmuni-muni ang sarili, inaalala ang mga bawat oras na matagal nang lumipas, at muli kong natandaan ang unang beses na nagtagpo ang ating mga mata. Nakaupo ako sa sahig buhat ng biglaang pagtalisod. Matindi ata ang kapit sa akin ni Kamalasan at sa harapan mo pa nangyari ang nakahihiyang kaganapang iyon. Tarantang kinakapa ko ang aking paligid, hinihiling na nahanap ko na ang aking salamin nang nakaramdam ako ng isang kamay na inaabot ang aking hinahanap sa akin. At noong una kitang nakita, ako’y napatulala na lamang. Ngumiti ka at ipinakilala ang iyong sarili. “Estrella”, sabi mo, ngunit bilin mo sa lahat na Eling na lamang ang itawag sa iyo. Tinulungan mo akong makatayo, at mula noong araw na iyon ay hindi na tayo mapaglayo. Tandangtanda ko pa kung gaano mo kinasusuklaman ang iyong pangalan, kung gaano mo ginustong palitan ito nang walang kaalam-alam na ang huni nito sa aking mga tainga ay awit ng adarnang kaakit-akit. Nabanggit ko na ba kung gaano ako nahumaling sa iyong pangalan? Eling, mahal ko, ikaw ang tanging bitwin na aking tititigan. Taon ang nakalipas at mas naging matibay ang ating samahan, pero tila ako’y may ibang nararamdaman. Ngunit sa takot na masira ang ating pagkakaibigan, itinago ko ito. Kahit mahirap, pinili kong patahimikin ang sinisigaw ng puso. Ikalawang taon sa kolehiyo, nakatanggap ako ng liham mula sa isa sa ating mga propesor. Nakakuha ako ng iskolarship para sa isang prestihiyosong
14
paaralan sa Amerika. Hindi ko ginustong lumisan. Hindi ko ginustong malayo sa iyong mga yakap, sa iyong matatamis na ngiti. Ngunit Eling, kailangan kong mamili. Sana noong sandaling iyon ay naunawaan mong ako'y isang puwang na paham at ikaw si Paraluman, kailan man ay hindi kita maaabot, hindi sa panahong iyon. Noong natapos ko ang aking pag-aaral, agad akong bumalik sa pinagmulang-bayan. Sabik na sabik na akong makita ka muli, ngunit huli na ata ang lahat. Nang tayo’y muling nagkita, ipinakita mo sa akin ang singsing sa iyong daliri, sabay paliwanag na itatakda ka na sa makalawa at wala ka nang magagawa sapagkat ito’y utos ng iyong ama. Sa akin ika’y may isang huling hiling, “Ihatid mo ako sa altar,” sabi mo. Kahit labag sa aking kalooban, kahit nakahihinayang isipin na ang tahanang iyong uuwian ay hindi sa aking tabi ngunit sa bisig ng isang ginoong hindi karapat-dapat na masilayan ang iyong kinang, ginawa ko ang kagustuhan mo. Sa araw na iyon, ang aking bituin ay nawalan ng liwanag, at ngayong ako’y uugod-ugod na, hindi ko pa rin mapigilang manghinayang. Paano kung ako ay nanatili na lamang, magiging maligaya ba tayo sa buhay? Makakasama ba kita sa bawat umaga’t gabi? Eling, matagal-tagal na rin noong ika’y nawala sa mundong ito. Kumusta ka na? Nawa’y nakamtan mo na ang kaginhawaang kailanma’y hindi ko naibigay sa’yo. Huwag kang magaalala, giliw, ako’y malapit na ring sumunod sa iyo. Kung sakaling dumating ang araw na iyon, hinahangad ko na tatanggapin mo pa rin ako. Mahal na mahal kita, Eling. Patawad muli. -
Karlos
15
Maingat na itinupi ni Kaloy ang papel at binitbit ito palabas kasabay ang iilang puting rosas. Pagdating niya sa kanyang destinasyon ay agad siyang nagsindi ng isang kandila, umupo sa damuhan at hinawakan ang lapida kung saan nakaukit ang isang pangalang pamilyar. “Eling,” bati niya, “andito na ako mahal ko.”
16
Kakilala Ni Dobby
“Addie!” Pasigaw na bulong ng kasama ko. Mukhang natulala na naman ako. “Ay, sorry. Ano nga ulit yun?”, tanong ko. “Wala, baka ‘di ka na naman makikinig eh. Ano ba yang bumabagabag sa isip mo?” tanong niyang pabalik. Oo nga, ano nga ba talaga ang bumabagabag sakin at ganito ako ka out-offocus? Wala namang nagbago. Sa parehong boring routine pa rin umiikot ang buhay ko. Wala na akong ibang pinagkaabala kundi ang trabaho ko. “Sorry na!” sagot ko sabay tawa. Habang pilit kong inilalabas ang aking tawa ay nahuli ko ang mga mata ng babaeng kapapasok lang sa café. Tila’y huminto ang oras kasabay ang pagbagal ng aking paligid. Nginitian niya ‘ko ngunit umiwas din agad siya ng tingin. “Huy, ano okay ka lang?” rinig kong sabi ni Lia. Lumingon siya nang nakita niyang hindi pa rin bumalik sa kanya ang atensyon ko. “Huh? Ah, okay naman,” ang ani ko. Agad ko namang nilipat ang aking tingin sa bintanang katabi ko. “Sino yun? Kakilala mo?” Tanong niya. Hindi ako makasagot. Kakilala ko nga ba ‘yun? Masasabi ko bang kakilala ko pa siya? Magkakilala naman kami noon. Kung tutuusin, hindi sapat na sabihing magkakilala lang kami noon. 17
Pero ganoon ata talaga ang buhay. Kahit gaano katatag ang pagsasamahan niyo, hindi talaga maiiwasan ang mga hindi inaasahang pagbabago. Kahit na tingin mo’y walang makasisira sa kung ano man ang mayroon kayo. Kahit na ramdam mong panghabang-buhay na ito. Kahit na gusto mong manatili sa mga masasayang sandaling iyon ay hindi puwede. Dahil hindi titigil ang oras para sa inyo. Darating ang araw na mahahanap mo ang sarili mong palayo nang palayo sa dating tinuring mong ginhawa at tahanan. Tanggap ko naman ‘yun. Kaso ang masakit ay hindi naman kami nag-alitan. Walang rason para magkalimutan kami. Walang galit. Walang sama ng loob. Sadyang nangyari lang. Nangyari lang na nalayo ang loob namin sa isa’t isa at nagkanya-kanya na kami. Gusto kong tanungin sa kanya kung bakit. Kung paano. Pero kung kahit ako ay hindi ko alam, siguradong kahit siya ay hindi niya rin alam. Baka nama’y naguguluhan din siya. Sana nga ay naguguluhan din siya. “Oo. Dati kong kakilala.”
18
Matamlay
Ni Denise Maricar Dela Rosa
Dalawang tahanan, palipat-lipat, pabalik-balik. Ganito ang buhay ni Grei. Si Grei ay ang nagiisang anak ng magkahiwalay na magkasintahang si Dan at Adi. Siya ay isang magalang, masiyahin, mapaglaro at inosenteng bata. Ang mga ngiti sa kaniyang mukha ay hindi nawawala. Pinapasaya niya rin ang mga tao sa kaniyang paligid dahil sa kanyang kakulitan. Ngunit sa kaniyang paglaki, may mga hindi inaasahang pangyayaring dumalo sa kaniyang buhay, at masasabi nating gawa ang mga ito ng kaniyang nag-iisang ina. Naroroon si Grei sa tahanan ng kaniyang inang si Adi, kasama ang ibang kasintahan nito. May pahatid ang kaniyang nanay kay Dan, na hindi muna makauuwi si Grei sa tahanan niya. noong nabasa ni Dan ang pahatid na ito, wala naman siyang problema o hindi naman siya kumontra dahil iniisip niya na baka magbabakasyon lamang sila. Ngunit, ilang araw na ang nakalipas at nagtaka na si Dan kung bakit hindi pa rin nakauuwi ang kaniyang anak sa kaniya. Ang hindi alam ni Dan, dinala na pala ni Adi si Grei sa ibang bansa. Sa paglipas ng mga araw na hindi nakauwi si Grei, hinanap ito ni Dan at nalaman niya rin na nang ibang bansa na nga ang dalawa. Sinubukan niyang makuha muli si Grei ngunit ito ay imposible na dahil ilang araw na ang nakalipas mula noong umalis sila sa Pilipinas.
19
Walang magawa si Dan at kahit na masakit, hinayaan niya na lamang ito at nagtiwala kay Adi na si Grei ay maaalagaan nang maayos. Ilang taon ang nakalipas, dumating na nga ang pandemya, si Grei ay binata na. Isang hapon, ito ay naglalakad sa kalsada nang may simangot sa mukha. Makikitang may mga papel na hawak at sa papel na iyon ay ang litrato ng kaniyang ama. Ilang araw sa paghahanap, ay nahanap niya rin ang pamilya ng kaniyang ama. Pagdating niya sa isang pula at malaking tarangkahan, binuksan ito ng kaniyang tiyo, ang kapatid ni Dan. Masaya siyang niyakap ng kaniyang tiyo, ngunit sinundan din nito ng pagsimangot. Pinapasok si Grei sa loob ng bahay at siya ay masayang binati ng pamilya ni Dan. Sa kanilang pag-uusap at sa tawanan, biglang nalungkot at nanghina si Grei. Parang ito ay mamamatay na sa pagkabigla. Gumuho ang mundo ni Grei nang sinabi ng kaniyang tito na wala na ang kaniyang ama na si Dan. Kuwento nito, pumanaw ang kaniyang ama noong araw na nalaman nito na nang ibang bansa na sina Grei. Si Dan ay namatay dahil sa heart attack. Napupuno ng luha ang mukha ni Dan habang paalis siya sa bahay at muling naglakad sa kalsada nang hindi alam kung saan ang pupuntahan. Habang naglalakad, naalala niya ang ginawa sa kaniya ng kaniyang ina. Pagdating sa ibang bansa ay iniwan ni Adi si Grei sa kaniyang kaibigan at hindi na bumalik kailanman. Naisip niya kung gaano ka-malas ang kaniyang buhay, iniwan siya ng kaniyang mga magulang. Isa sa mga pangarap niya ay maramdaman ang mainit na pagmamahal ng
20
isang ama at ng isang ina, at nalungkot siya nang malaman niya na hindi na ito posibleng mangyari. Nang dahil dito, si Grei na noo’y isang batang masiyahin, ngayon ay naging isang binatang matamlay.
21
Bulaklak ng Talim Ni Hintuturo
Sa isang munting baryo, may isang tanyag na hardin dahil sa tatlong kaakit-akit na rosas na nakatanim dito. Ang mga rosas na ito ay natatangi sa ibang mga bulaklak ng maabalang baryo. Kaya naman talagang nakapupukaw ito ng mapag-ibig na mga tingin mula sa mamamayan. Marami ang napangingiti tuwing dumaraan sa harding ito dahil sa kung gaano kaganda mamulaklak ang mga rosas, na may pintang matingkad na pula, at pati na rin ang manamisnamis na pabangong suot ng mga bulaklak, salamat sa maselan at maingat na pag-aalaga ng amo ng mga ito, si Sisa. Si Sisa, at ang kaniyang asawa, ay matagal nang naninirahan sa baryo. Malapit sila sa mga mamamayan ng baryo at kaaya-aya ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Nasaksihan ng baryo ang malumanay na pagmamahal ng mag-asawa sa mga rosas. Ayon pa nga sa kanila, gabi-gabi ay uupo ang mag-asawa sa kanilang hardin para lang pagmasdan at panoorin ang mga walangkibong rosas. Sa bawat pagkakataon, laging ibinabahagi ng mga tao sa mag-asawa ang kanilang pagpuso sa mga rosas. Bukambibig ng mga ito ang pagbibigay-kulay at buhay ng mga rosas ng magasawa sa mapuputlang sandali ng baryo. Sa kabila ng mga ito, hindi maipagkakaila na mayro-
22
ong mararamdamang pagitan sa gitna ng magasawa at sa baryo. Hinala ng mamamayanna may kinalaman dito ang mga rosas sa hardin ng mag-asawa. Ito ay dahil sa tuwing napupunta ang usapan sa mga rosas, napapansin ng mga tao na tila nagiging sensitibo si Sisa at ang kaniyang asawa sapagkat iniiwasan nilang mapalalim pa ang kuwentuhan kapag nasasangkot na ang mga ito. "Parang anak ninyo Hanggang ngayon ay nakikitang bulilit na pabirong sabi ng isang Sisa.
na ‘yang mga rosas. wala pa rin akong kasama ninyo eh,” matandang babae kay
Napahiyang tumawa si Sisa at dahan-dahang napayuko. Agad naman siyang pumasok sa kanilang bahay. Kaya, nailang naman ang matanda. Sa katunayan, karamihan sa baryo ang naiilang sa mga rosas sa hardin ng mag-asawa. Sinasabi nila na kahit isang beses ay hindi kusang nagbahagi ang mag-asawa ukol sa mga ito. Mayroon na ring mga iilang nagtanong sa mag-asawa kung may kadahilanan ba sa likod ng kanilang pagtanim ng mga rosas at sa bilang ng mga ito. Laging nagtitinginan ang magasawa bago sumagot ng “Dahil magaganda ang mga ito,” na sinusundan ng mga paalam. Maliban dito, bigla nalang sumusulpot, isa-isa, ang mga rosas sa hardin ng mag-asawa. Ngunit, ilang taon na ang nakalipas at nanatiling tatlo ang bilang ng mga bulaklak na ito. Hindi nakita ng baryo si Sisa sa labas ng kanilang 23
tahanan nang ilang buwan. Isang gabi, nagising ang mga kapitbahay nang paandarin ng asawa ni Sisa ang maingay na makina ng kanilang sasakyan. Mabilis na pinatakbo ng asawa ang sasakyan, kasama si Sisa. Naiwang nagtataka at tulala ang mga tao. Nagtungo ang dalawa sa ospital. Siyam na buwan na palang nagdadalang-tao si Sisa. Puno ng kaba at takot ang kaniyang asawa nang dalhin ng mga doktor ang buntis upang magpanganak. Walang narinig ang asawa kung hindi mga nakabibinging sigaw at iyak, habang naghihintay sa labas ng silid. Biglang natigil ang ingay at naghari ang katahimikan sa pasilyo. Lumabas ang isang doktor habang itinatanggal pa ang duguan niyang guwantes. May naramdamang kakaiba ang asawa ni Sisa at doon pa lamang ay alam niya ng may masamang nangyari. Ipinahiwatig ng doktor ang masamang balita na kinatatakutan ng kahit sinumang magulang. Parang mga tinik ng rosas ang pumasok sa mga tainga ng asawa nang lumabas sa mga labi ng doktor ang paunawa na nakunan si Sisa. Sa ‘di alam na kadahilanan, tunay na nawasak ang asawa ni Sisa, ngunit tila hindi siya nagulat sa balita. Matapos ang ilang araw ng pagpapahinga sa ospital, umuwi nangg tahimik, ngunit magkaisa, ang nabigong mag-asawa. Bago tumungo sa kanilang pamamahay, nagpasya muna sila sa isang plorero at bumili ng isang mapulang ro-
24
sas. Pagdating sa baryo, habang namamasamasa pa ang mga mata, maayos na itinanim ni Sisa ang bagong biling rosas sa kanyang hardin. Isang kabigha-bighaning rosas na naman ang dumagdag sa lipon ng mga rosas sa hardin ng mag-asawa. Ang bawat matinik na rosas sa kanilang hardin ay sumisimbolo sa mga trahedyang nagnakaw ng kanilang pagkakataon na maging mga magulang. “Hindi ko man sila mahahawakan at mayayakap, maalagan at mapapalaki ko pa rin sila,” banggit ni Sisa sa kaniyang asawa, sabay yakap ng mahigpit sakaniya.
25
Kapariwaan ng Tala Ni Zhameera Tawasil
Ika-26 ng Disyembre. Tandang-tanda ko pa noong una tayong nagkakilala. Ako’y isang manggagamot sa malapit na paaralan habang ikaw naman ay isang guro. Inabutan kita ng panyo sa isang malawak na hardin, an gating pinakaunang tagpuan. “Salamat ah,” mangiyak-ngiyak mong sabi. "Walang anuman! Maaari ko bang malaman kung bakit ka umiiyak? Kung ayos lang.” Tugon ko naman, halatang hindi mapigilan ang aking pagiging usisera (isang bagay na sinasabi nilang makadadala sa akin sa kapahamakan). “Ah ano… Umalis na kasi ang aking abuela. Hinding-hindi ko na siya muling makikita sa buhay na ito,” pagsasalaysay mo nang may malungkot na ngiti habang tinutuyo ang mga butil ng luha sa iyong mata. “Nakikiramay ako,” tugon ko naman sa’yo, sabay ngiti nang malumbay sa’yo. “Salamat. Jason nga pala,” pagpapakilala mo, (sabay pag-abot sa aking panyo) “Ako naman si Estella,” sambit mo naman.
26
Sa puntong ‘yon, ‘di ko inaasahan na sa’yo pala ang mapapawi lahat ng aking kalungkutan. Sa paglipas ng mga araw, madalas tayong nagkikita, nagku-kuwentuhan, sabay na kumakain, at kung ano-ano pa. Nagsimula na akong makaramdam ng lihim na pagtingin para sayo kaya’t nag-ipon ako ng lakas ng loob hanggang akin na itong ipinagtapat sa’yo. Nagsimula tayo bilang magkaibigan; nauwi tayo sa pagiging magkasintahan. Doon, lalo pang lumalim ang ating samahan. Isang gabi, inanyayahan kitang lumabas para kumain. “Mahal, alam mo ba na tala ang kahulugan ng pangalan mo?” Sabi ko sa’yo. “Eh? Totoo?” “Oo mahal. Tumingala ka sa mga tala at bilangin mo ang mga iyon. Isaisip mo sana na ang pagmamahal ko sa’yo ay parang bilang ng mga tala, walang hanggan,” ito ang sabi ko sa’yo habang isinusuot ko ang hugis talang kwintas sa iyong leeg. “Ang ganda!” Pasigaw mong sabi sa tuwa. Habang tayo ay naglalakad-lakad pauwi, bigla kang napatigil. Hinarap mo ako sabay sabi, “Mahal, paano kung may bilang na ang buhay mo… anong gagawin mo?” Kinabahan ako sa iyong biglaang tanong. “Siguro susulit sulitin ko ang bawat segundo kasama ang mahal ko sa buhay,” malumanay kong sabi habang pilit na tinatago ang kabang nararamdaman. “Ba’t mo naitanong?”
27
“Ah wala…” Lumakas ang ihip ng hanging pumapalibot sa atin, kasabay ng pagdama ko na may itinatago ka mula sa akin hanggang bigla ka nalang nahimatay sa kalagitnaan ng ating usapan. Agad kang isinugod sa ospital at doon muna magpapahinga ng ilang araw. Nalaman kong tama nga kutob ko. Mayroon kang itinagong lihim mula sa akin. “Mahal, ba’t di mo sinabi sa akin na may terminal cancer ka pala?” “Paumanhin. Sasabihin ko naman sadyang naghahanap lang ako ng tamang pagkakataon. Alam ko rin naman na di na ko magtatagal pa –“ “Huwag mong sabihan yan!” Paiyak kong pagputol sa kaniyang sasabihin sabay yakap sa kaniya. “Gagaling ka, gagamutin ka nila.” “Mahal maaari ba kong humiling sayo?” Sambit mo matapos ang ilang minute kong pagiyak sa bisig mo. Tumango naman ako. “Maaari ba nating bisitahin yung hardin kung saan una tayong nagkakilala?” “Oo naman, kapag malakas-lakas na yung katawan mo. Sige na, magpahinga ka muna.” Habang ako’y namimili ng mga kakailanganin sa bahay, nakatanggap ako ng tawag. “Hello, doc? Kailangan po namin kayo ngayon, isinugod po si Estella sa ICU.” Dali-dali akong pumunta ng ospital at agad-agad na pumunta sa iyong kinaroroonan sa takot na ‘di na kita maaabutan.
28
Nakita ko kung gaano ka nila sinisikap na sagapin, subalit sa mga sandaling ‘yon alam kong ‘di ka na nila kaya pang isalba… Ngunit patuloy pa rin ang aking paghiling kay Bathala na sana’ymabigyan pa ‘ko ng isa pang pagkakataon na ika’y makasama pa. “Mahal…mahal…lumapit ka,” mahina mong bulong. “Patawarin mo ako, kung hanggang dito nalang ang inabot ko. Binigyan mo ’ko ng kaligayahan sa loob ng bilang kong araw at rason para ako’y magpatuloy pa… nagpapasalamat para doon.” Ngumiti siya sa akin sa kahui-hulihang pagkakataon. “Mahal na mahal kita irog ko.” Kaniyang sambit kasabay ng pagsara ng kaniyang mga mata. Labis akong nalulungkot sa kaniyang ‘di inaasahang pagkawala at ‘di ko matanggap na ako’y isang doktor ngunit ‘di ko man lang nagawang gamutin ang sarili kong kasintahan. Sa mga puntong ‘yon napagtanto kong… sa bawat sandali na hinihiling kong mailigtas siya, siya ang nagligtas sa akin. Irog ko, tulad ng mga tala…. tayo’y minsan ipinagtagpo ngunit itinakdang tayong magkalayo. Sana’y muli pang magtagpo ang ating landas ngunit sa ngayon, paalam aking tala. Paalam, aking Estella.
29
Kubling Bukadkad Ni Asher Eugene Evangelista
“Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Tayo’y maglaro ng tagu-taguan. Pagbilang kong sampu, nakatago na kayo…” Ako’y namamadaling naghanap ng aking matataguan, patungo sa Baleteng malapit sa simbahan sa ating bayan. Nagbabakasakaling ako ang pinakamatagal mong matagpuan sa lahat ng ating mga kaibigang nagtatago. Narinig mo ba ang lakas ng aking paghingal o sadyang karaniwan lamang ang lugar na aking tinataguan? Dahil sa kasawiang palad ay ako pa ang nauna mong nahanap. isa, dalawa, tatlo… “Ano ba ‘yan, Elise, mukhang nagiging mas magaling na ako kaysa sa’yo sa larong ‘to,” ang sabi mo noong ako’y tinulungan mong tumayo. “Anong magaling? Ang bilis mo kasing magbilang kaya wala na akong oras na makapaghanap pa ng mas magandang lugar na mapagtataguan,” naman ang aking depensa. “Sus! ayaw mo lang talagang tanggapin na lagi kitang nalalamangan. Lakasan mo lang ang loob mo at sigurado akong magiging magaling ka rin tulad ko”. “Paano naman ‘yun makakatulong? ‘Eh tingin ko nga dinadaya mo lang ako,” ani ko. Tawang-tawa ka sa sinabi ko ngunit mula sa araw na ‘yun ay nagiba na ang tingin ko sa’yo.
30
apat, lima, anim… Sana nga talaga ay nilakasan ko na ang loob ko bagupaman ako naging ganito. Tayo’y sampung taong gulang noong napansin ko na iba ang pagtingin ko sa’yo. Tayo’y magkababata at walang araw na ‘di tayo magkasama. Madudungis tayong umuuwi sa kani-kaniya nating tahanan mula sa buong araw na paglalaro na tila bang sa tulog at kain na lang tayo nagkakahiwalay. Normal lang ba sa isang kaibigan na tumitintang kulay rosas ang pisngi at mga tainga sa tuwing tayo’y magkatabi? O ang paglakas ng dabog ng puso sa tuwing tayo’y nagtititigan? Naging ganito ako sa’yo mula elementarya hanggang haiskul at kolehiyo natin. Sa panahong ikaw ay patangkad nang patangkad na tipong kailangan ko nang tumingala sa tuwing tayo ay nag-uusap, ang boses mong malalim, at ang mga biro mong walang kakupas-kupas, ako’y napaisip na suwerte ang babaeng makikilala sa’yo. pito, walo, siyam… “Sinasabi ko sa’yo, Elise, bilang isang kaibigan mo, pagsisisihan mo ‘to hindi pa man ngayon ngunit sa paglipas ng panahon,” – sanay na akong naririnig ang mga linyang ‘to ngunit ‘di ko kaya. Siguro dahil ayaw kong marinig ang mapait na katotohanan mula sa iyo na maaaring tumagos sa aking puso. O hanggang kaibigan lang talaga, sa tingin ko, ang ating hantungan at ‘di ako nararapat para sa’yo. Napansin na ng ating mga kaibigan na hindi ako umiimik sa tuwing tinutukso nila tayong dalawa maging na
31
ang pag-iba ng ihip ng hangin sa tuwing nakikita kitang may inaakbay na iba. ‘Di ka ba naghinala o napatanong? Nais kong malaman ang sagot mula sa’yo ngunit alam kong huli na ang lahat. Wala nga talaga akong lakas ng loob. …sampu Sampung taon na ang lumipas. Sampung taon ko na ring tinago ang tunay kong nadarama para sa’yo. Sampung taon akong nagpanggap bilang isang “kaibigan na iyong mapagkatiwalaan” ngunit isa ring “kaibigan na umasang magkakaroon ng mas-higit pa sa kung anong mayroon tayo”. Sa sampung taong iyon ay maraming nagbago. Tulad na lamang ng Balete na ngayo’y matanda na’t naglalakihan ang sanga habang ako’y papasok sa simbahan – ang simbahan kung saan isasagawa ang pinakamahalagang yugto sa iyong buhay. Ako’y napaisip kung gaano lang kabilis ang panahon habang naalala ang mga araw na tayo’y nagtatagu-taguan lamang sa mismong lugar na ‘to. Ikaw ay naka-Amerikanang puti at maligaya ang lahat habang kayo ay nag-iisang dibdib. Nakita ko sa iyong mga mata at matamis na ngiti ang ilaw na lumiliwanag habang ako ay ipinakilala mo sa kaniya; ang babaeng nakasuot ng puting traje de boda na may hawak-hawak na pumpon. “Elise, asawa ko nga pala,” – at sa sandaling iyon, habang ako’y nagparaya na sa aking tinataguan at kayo’y aking ginagalak na binabati, napagtanto ko na lumakas na ang aking kalooban.
32
Imahe ng Kahapon Ni Narcissus
Ang bawat tunog na ginagawa ng aking takong ay katumbas ng isang kilos ng pinakamahabang kamay ng aking relos papunta sa kanang direksiyon. Isang tunog, isang hakbang, isang segundo. Sa bawat pag-abante ng aking mga paa, pag-alingawngaw ng tinig na nagmumula sa aking mga takong, at paglipas ng isang segundo, isa-isa ring bumabalik ang mga imahe ng kahapong ilang taon ko ring pilit na ipinagwalang saysay. Itong mga imaheng walang ibang ginawa kung ‘di tusukin nang paulit-ulit hindi lang ang aking puso, kung ‘di pati na rin ang aking isip. Itong mga imaheng binuo ko kasama ka. Itong mga imaheng binuo nating magkasama sa silid-aklatan sa dulo nitong pasilyong aking nilalakaran. Hindi man ito nakaaayang pakinggan, ngunit bago pa kita makilala, marami na akong narinig na mga haka-haka tungkol sa’yo. Ikaw daw ay isang “patapon” na mag-aaral. Isang mag-aaral na walang ibang ginawa kung ‘di magbulakbol, matulog sa klase, kadalasang bagsak at minsan lang magkapasang-awa, kalimitang nanggugulo sa iba (lalong-lalo na tuwing may klase kung kaya’t suki ka raw ng disciplinary office), at may nakapagsabi rin na salbahe ka raw. Narinig ko nga mula sa aking mga kaklase na mismong mga magulang mo, hindi na rin alam kung ano ang gagawin para mapunta ka sa tamang landas kaya unti-unti na raw silang sumusuko sa’yo. Kaya 33
naman kahit pa hindi ako yung karaniwang madaling maniwala sa mga kuwentong ‘di ko sadyang marinig, medyo hindi talaga maganda ang imaheng nabuo ko sa aking isip tungkol sa’yo. Siguro naramdaman mo iyon sa una nating pagkikita, ano? Hindi kasi masyadong maganda yung pagtrato ko sa’yo noon dahil medyo hindi ako natuwa noong nalaman kong kailangan kitang i-tutor tuwing alas cuatro ng hapon sa silid-aklatan. Subalit dapat hindi ako naging mapanghusga lalo pa’t ‘yon ang unang pagkakataon malapitan tayong nakipagugnayan. Talagang naaalala ko pa, sa sandaling nagpakilala ka’t inalok sa akin ang upuang nasa tabi mo noong araw na iyon, ginusto kong humingi ng tawad sa’yo – na hindi ko naman ginawa sa oras na ‘yon dahil nahihiya ako sa’yo. Tila hindi naman kasi totoo yung mga hakahakang kumakalat tungkol sa’yo eh. Sabi nila, salbahe ka raw. Kung ganoon, bakit pinaghila mo pa ako ng upuan pagkatapos mong magpakilala sa akin nang nakangiti? Noong mismong itinu-tutor na kita, hindi ka naman magulo, ni hindi ka nga natulog at ‘di mo rin pinakitang naboboro ka. Hindi ka nga rin nagpakita ng mga tanda na gustong-gusto mo nang magbulakbol. Ngunit syempre, itinatak ko pa rin sa aking isipan na baka nagpapakitangtao ka lang dahil una nating pagkikita iyong araw na ‘yon, na baka lalabas ang “tunay mong ugali” sa susunod na pag-tutor ko sa’yo. Kaya sa ikalawang araw at sa mga sumunod pa, tinutukan talaga kita nang mabuti. Anong nangyari? Wala lang akong napala dahil sa buong unang linggo kong pag-tutor sa’yo, 34
pareho pa rin ang mga pagkilos mo’t pagtrato sa akin. Dahil dito, nag-ipon ako ng lakas ng loob upang humingi ng tawad sa’yo dahil sa lahat ng aking maling-akala. Sa Lunes ng ikalawang linggo na itinu-tutor kita, humingi ako ng paumanhin sa’yo. Akala ko nga’y mangungunot ang iyong noo noong ibinabahagi ko ang aking saloobin ngunit hindi. Tumingin ka lang pababa at ngumiti sabay sabing, “Ayos lang, sanay na ako.” Noong pagangat mo ng iyong ulo, nagkatinginan tayo, mata sa mata. Nakakapagtaka man ngunit sa pagkakataong iyon ko napagtanto na maaaring magbago ang daloy ng aking buhay nang dahil sa’yo, na baka hindi lang ikaw ang matututo sa ating mga tutor session. Mula noon, naging kumportable na tayo sa isa’t isa at kalauna’y naging mas malapit na rin tayo. Kung dati’y sabik akong mag-alas cuatro upang makapagkapiterya, noong mga panahong iyon, naging sabik akong makapunta sa silidaklatan at isagawa an gating sesyon. Nagawa na rin nating makapagbahagi ng mga kuwento tungkol sa isa’t isa, mapa-gawaing pangparaalan man o ‘di kaya’y mga simpleng suliraning kinahaharap natin sa ating araw. Nabanggit mo sa akin na unti-unti nang tumataas ang iyong mga marka at nasabi ko sa’yo na hindi na gaano karami at kalala ang mga haka-hakang kumakalat tungkol sa’yo. Nalaman mo rin na mahilig akong mangolekta ng mga polaroid film at nalaman ko naman na mahilig kang kumuha ng larawan. Kaya naman kung tingin nating ‘di na muna nating kailangang mag-tutor para sa isang araw, 35
nagkikita pa rin tayo upang makapagkuha ng napakaraming larawan, mga larawang hindi ko inakalang isasapuso ko kahit lumipas na ang napakaraming taon mula nang mabuo ang mga iyon. Sa paglipas ng mga segundo, minutong, araw, linggong, at buwang magkasama tayo ay mas lalo pang lumalim ang ating pagsasama. Mas lalo kitang nakilala at hindi ko ipagkakailang hindi mahirap na mahulog ang aking loob sa’yo. Hindi ko alam kung pareho ba tayo ng nadarama o hindi ngunit isa lamang ang aking kinatatakutan, iyon ay ang mawala ka kung sakaling hindi man maging maganda ang kalalabasan nitong pagtingin ko para sa’yo. Kaya pinilit ko itong itago at dahil sa kagustuhan kong itago ito sa’yo, hindi ko namalayang unti-unti na kitang naiiwasan – na hindi ko naman sinasadya. Naging madalang nalang ang ating mga sesyon dahil parati akong naghahanap ng palusot upang ‘di makipag-usap sa’yo. Pilit mo man akong hagilapin ngunit paumanhin kung pilit ko rin magtago mula sa’yo. Sa ilang mga iglap, tila bumalik ang lahat sa dati, noong hindi pa tayo nagkakilala. Balita ko, bumaba raw muli ang iyong mga grado kung kaya’t personal na akong pinakiusapan ng iyong guro na ipagpatuloy ang pag-tutor sa’yo. Sa pagkakataong iyon, alam kong wala na akong takas. Malakas din ang kutob kong gagamitin moa ng pagkakataong iyon upang kumprontahin ako tungkol sa mga nangyayari sa nakalipas na kaunting panahon. Syempre, pinaghandaan ko ang aking mga sasabihin, pati 36
na rin pala ang aking puso’t isip kung sakali mang… iyon nga. Hmm, siguro alam natatandaan mo pa kung ano ang naging kinalabas noong sesyon na iyon, ano? Iyon na rin kasi ang kahuli-hulihang pagkakataon na tayo’y nagkausap nang malapitan. Iyon na rin ang huling pagkakataon na nakapagkuha pa tayo ng mga larawan nating dalawa, ‘di ba? Muli, humihingi ako ng paumanhin dahil hindi na kita kinausap pang muli. Hindi ko naman kasi alam na ganoon na kalalim ang nadarama ko para sa’yo, masakit kasi eh. Ngunit huwag kang mag-alala, hindi ko naman pinagsisihan ang ating pinagsamahan, kahit pa kakaunting panahon lang iyon. Huwag kang mag-alala dahil kahit pa sinasabi kong pagtusok sa aking puso’t isipan lamang ang dala ng imahe ng ating kahapon, hindi ko maipagkakailang nakaukit din sa aking isip ang mga ngiting dinala ng mga ito. At habang patuloy ang pagtunog ng aking takong sa bawat pag-abante ng aking mga paa; habang patuloy ang pagkilos ng pinkamahabang kamay ng orasan papuntang kanang direksiyon; habang palapit nang palapit ako sa silid-aklatan na dati nating tambayan, tila mayroong munting hiling na namumuo sa aking puso.
37
Tula
HAPON
Kirot, Kirot, antak, antak, hapdi, hapdi, pangungulila, pangungulila, Bakit Bakit ba ba kayo kayo nangangambala? nangangambala?
Gitara Ni Narcissus
Sa bintana’y aking napagmamasdan, Ang kulay keso’t kalabasang malawak na kalangitan. Habang nakatingi’y orasan ay tumutunog sa’king silid, Kaya muling naisaisip ang dating nakagawian sa gan’tong mga saglit. Setyembre nang taong iyon, no’ng ako’y labindalawa, Sa akin ay pinakita, pinahawak, at pinakilala. ‘Sang maliit na bagay na hindi ko inaakala, Na kukuha ng puwang saking puso na tila siya’y isang tala. Ikaw, oh aking inibig nang mahigit isang taon din, Na pinakilala ng ‘sang binatang tibok ng puso ko’y kayang pabilisin. Ikaw na siyang kaagapay tuwing ako’y nagtatago sa hardin, Na dapat, ngunit hindi, kasama sa ganitong mga oras, paumanhin. Lapitan at hawakan ka ay nais kong maisagawa Subalit sa pinakaloob-looban alam kong ‘di ko kaya, Dahil lahat ng lumba’y dadaloy muli sa aking pagkatao, Dala ng pagkawala ng lalaking saaki’y ika’y ipinagkalulo.
39
Alaala at sakit ng kaniyang pagkawala ay nais maibaon sa limot, Kaya pati ika’y aking iiwasan upang puso’y maigamot. Pangako, balang araw ika’y lalapitan, hahagkan, at isasama sa aking pagtinig, Ngunit ‘di muna ngayon, hindi ko pa kaya, gitarang iniibig.
40
Libo-libong Kilometro Ni Neolights
Ang unang masalimuot na pagbiyak ng puso, Ay hindi dahil sa isang matipunong ginoo, Kundi kagagawan ng iyong biglaang paglayo, Sa isang supling na sabihin nating ako. Sisimulan natin lahat sa umpisa, Kung saan aakalaing maligaya, Ngunit ang buhay ay bangungot nga pala, Tila hindi tayo nadadala-dala. At dumating na ang hindi inaasahan, Ang araw ng iyong mapait na paglisan, Ayaw man at labag sa ating kalooban, Wala nang magagawa sapagkat kailangan. Ako ay pilit na naging matatag at totoo, 'Pagkat alam kong distansya natin ay libo-libo, Ngunit hindi mapigilan ang takot na mabigo, Pero 'pag kaya mo, bakit ako magrereklamo? Gagawin ang lahat ng makakaya, Upang ika'y mayakap at makita, Sa ilalim ng buwan at mga tala, Sa ating kaharian, aking ina.
41
Huwad
Ni Lianiel Ramiterre
Mga labi, walang ngiti Kasiyahan ay ‘di makamit Mga karanasan sa nakaraan Puso’y hindi ito malilimutan Nag-iisa at walang kasama Ligaya ay hindi makita Pagmamahal ang kailangan Ngunit walang nagpaparamdam Sa gabi ay umiiyak Sa umaga ay nagpapangap Hanap ay bagong pag-asa Upang mga ngiti ay muling makita
42
Paalam
Ni Asher Eugene Evangelista
O giliw ko, ako’y napatanong Saan ba ako nagkulang at ba’t tayo nagkaganito? Maging na ang ating mga pangako at hangarin ay iyo lamang ipinako Iniwan mo ‘ko sa pira-pirasong biniyak mong puso Mga paru-parong naglalaro sa aking kalooban, Libo-libong katanungan ngunit ikaw pa rin ang nasa isipan Sa mapaglarong tadhana ako’y natamaan Ba’t ako nagkakaganito kahit na ako’y iyo nang kinalimutan? Ang araw ay naging linggo na naging buwan Ako’y nagsisisi ngunit walang dahilan Ba’t parang ako ang nagkasala kung ikaw naman ang nagparaya? Umibang landas ka na’t iniwan mo akong umaasa Matamis mong ngiti, kumikislap mong mga mata Isa lamang ilusyon sa masasakit mong salita ‘Di ko inakala na agad nang matatapos ang nasimulang kabanata Noong nakita kong may iba ka nang kinikita O giliw ko, hanggang dito na lang pala Isang mapanakit na biro noong ikaw ay bumitaw na Nawa’y makita mo na ang taong magpapasaya at mamahalin ka Dahil sinabi mo na tayong dalawa ay ‘di tama
43
Ako ay nakatayo habang tinitingnan kitang lumalayo Naalala ang lahat ng pinagdaanan noong naging tayo Mga yakap, kilig, tawa, at alaalang nabuo Masakit pero kailangan, ako’y namamaalam, o giliw ko
44
Tama Ba? Ni Dobby
Buong buhay ko'y hinintay kong bumalik ka Tuwing gabi'y pinalangin kong makapiling kita Ngunit nung narito ka na Hindi mawari kung tama ba Tama bang makita kong napakabuti mong ina? Tama bang lumaki akong wala ka? Tama bang hindi ko naramdaman ang haplos ng sarili kong ina? Tama bang andito ka na pero hindi ko pa rin magawang abutin ka?
45
Iwan
Ni Denise Maricar Dela Rosa
Mag-isang naglalakad, Kung saan man mapadpad. Ako ba ay may katulad, Na naiwan sa kasamaang palad. Ako ay naiwan Na para bang isang kamalian. Pagmamahal lamang ang kailangan, Ngunit ako ay nawalan. Naiwan mag-isa, Sarili ay nagdusa. Sa ibang bansa, Na akala ko ay may pag-asa. Naiwan ako, Ika’y sumuko, Ako ay nagpaloko, Sa mga walang kwentang pangako.
46
GABI
Buong Buong akala’y akala’y pagnariyan pagnariyan na na ang ang buwan, buwan, Kirot Kirot ng ng puso’y puso’y tuluyan tuluyan nang nang iiwan. iiwan.
Tikas ng Damdamin Ni Liksugo
Sinubukan kong langhapin ang hanging nababalot ng lumbay buhat ng aking mga pangangamba habang ninanamnam ang ilang oras na paghihintay bago makarating ang kabayong bakal ni ama sa pinaroroonan nito. Kasabay ng aking pagmumunimuni kasama ang munting maletang aking yakap-yakap, nakausli sa aking kamao ang parihabang selulusa. “Laban lang!” “Sabay nating makakamit ang mga pangarap natin!” Puno ng pighati ang aking damdamin tuwing lilitaw ang mga salitang ito sa aking isipan. Habang nagmumunimuni’y bigla akong natauhan ‘pagkat tinapik ako ng aking kaibigan. Aniya, ilang minuto na lamang at magsisimula na ang open forum sa lawang parihaba. Dahil sa lumbay, pilit kong inilulubog ang aking sarili sa lawa upang makatakas sa kanilang mga katanunga’t matang ‘di-naman-mapagmatiyagngunit- nais-ko-pa-ring-iwasan. Sa kasawiang palad, matagumpay pa rin akong naihatak ng aking kaibigan sa harap ng dalawampu’t walo kong kaklase. Bawat saboy nila ng tubig sa aking balat ay siya ring paggising ko sa katotohanang naroon pa rin siya, isa sa mga dalwampu’t walong kaklase kong nakatuon ang atensiyon sa akin. Napakatulin ng takbo ni Manong San-ora kung kaya’t hindi na’ko nakapag-isip sa aking sasabihin. “Kung wala na talaga, wala na talaga.
48
Ngunit naririto lang ako para sa’yo.” Ito ang mga katagang lumabas sa aking bibig. Muli akong sinabuyan ng tubig. Tila mga bala ang dumampi sa aking balat na ibinubulong ang mga salitang “Nasaan ka? Lagi naman akong naghihintay sa iisang lugar. Kahit na huminto ang pag-inog ng mundo, sa mga oras na ito na walang kasagutan, narito ako.” Kaya sa aking iniibig, hindi ko man maipapangako na nariyan ako sa mga gabing kapiling mo ang kalungkutang dulot ng anumang bagay na magaganap sa hinaharap, ngunit asahan mong nasa’yo pa rin ang puso kong patuloy ang kumpas at pagpapahayag sa katikasan ng aking damdamin.
49
Pait ng Hinagpis Ni Asher Eugene Evangelista
“’Nak, kape ka muna.” Alas otso na ng gabi nang binuksan ni mama ang pintuan sa aking silid. Hawak-hawak niya ang tasang umuusok na may dalang matapang na amoy dahil sa mabangong kapeng barako. “Mamaya na ‘nay, tatapusin ko muna ‘tong takdang aralin namin. Kailangan na po kasi namin itong ipasa mamaya, eh.” Iniwan ni mama ang kape sa aking lamesa habang ako ay kaniyang tinitingnan. “’Nak, mukhang napapadalas na ang pagpupuyat mo, ah. Huwag ka naman masyadong magbabad sa iyong kompyuter. Alagaan mo rin ang sarili mo dahil hindi sa lahat ng oras ay narito ako sa tabi mo.” Ako ay nagbibingi-bingihan lamang dahil hindi ako nakapo-pokus sa ginagawa kong aralin. Pasok sa kaliwang tainga, labas sa kabila. Sa mga araw na ako ay dinadalaw ni nanay sa aking silid upang ako’y pagsabihan na nakahanda na sa aming hapag ang aming hapunan o siya ay mauuna nang matulog sapagkat gabing-gabi na, ako ay laging abalang-abala sa aking mga gawaing pangedukasyon. “Balang araw, lahat ng pasanin at pagod na iyong naiharap ay masusuklian ng maraming biyaya.”
50
Lahat ng ito ay para kay inay na laging nagbabanat ng buto kahit alam kong tinatago niya sa akin ang pagod na kaniyang dinarama. Palala nang palala na ang kaniyang ubo at ang sakit sa kaniyang likod. Bawat araw, siya ay lalong humihina, na tila bang ako rin ay isang pasanin na lagi niyang binibitbit. “Ayos lang ako, ‘nak. Wala kang ikapag-alala sa akin. Nagawa mo na ba ang iyong mga aralin?,” ang lagi niyang tugon sa akin sa tuwing siya ay aking tinatanong kung ayos lang ba siya. “Kapit lang inay, tayo rin ay makakaahon at makaaasenso sa buhay,” ang lagi ko namang sinasabi sa aking sarili upang pumursigi. Ibibigay ko ang lahat na iyong ninanais na hindi ko man mabili ngayon. Susuklian ko ang mga gabi na hindi ka nakatutulog dahil sa iyong trabaho, maging na ang stress mula sa mga bayarin na hindi pa nababayaran. Hindi man kita laging pinapansin, aking ipinapangako na ang lahat ng aking pagsusumikap ay para sa ating dalawa. Parang isang ihip lang ng hangin nang lumipas na ng walong taon. Ako ay nakabibili na ng mga gusto kong bilhin at lahat nang aking mga minimithi ay unti-unti ko nang nakakamit. Tulad nga ng sinabi ni inay, lahat ng ating pasanin at pagod ay lubusang mabibiyayaan balang araw. Ngunit, lingid sa aking kaalaman na itong “biyaya” pala ay may dalang “kapalit”. Habang si inay ay payapang nakahigang nakapikit at naka-puti mula ulo hanggang paa. Habang idinarayo siya ng kanyang mga mahal sa buhay – sina tiyo at tiya, ninong at ninang, mga matatalik na kaibigan at kaniyang mga 51
kilala na halos ‘di ko na kilala. Habang inaalay nila ang dala-dala nilang mga bulaklak at tahimik na umiiyak sa harap ng katawan ni nanay at nakikiramay at ako’y nagdadalamhati, tila bang dinukot sa akin ang kaligayahan na minsan ko lang matikman. Bago pa man mahulog ang unang luha mula sa aking mata, itinaas ko ang itinimpla kong kape at nilanghap ang matapang nitong amoy, naalala ang timpla ni mama noong ako ay nag-aaral pa, na ngayon, ay wala nang hininga sa aking harapan. Bago ko pa man inumin at malasahan ang pait na tulad ng buhay na aking pinakikibaka sa ngayon, pabulong kong sinabi kay inay: “’Nay, kape muna tayo”
52
Ako Ba? Ni Dobby
“’Nak!” Lumingon ako. Nakita kong kinuha ng aking kaibigan ang bag na inabot sakaniya ng kaniyang ina. “Una na ‘ko ha. Mag-iingat ka.” Sabi sakaniya sabay halik sa noo. Hindi ko alam kung ano ‘tong nararamdaman ko. Malapit din naman ako sa mga magulang ko dati, ngunit, may panahong lagi na lang akong galit. Lagi akong naiirita. Lagi kaming nagkakasagutan. Simula noon ay nagkaroon na ng pader sa pagitan sa namin at hindi na ‘to nabiyak. Hindi ko nga mapagtanto kung mabibiyak pa nga. “Uy, Nia! Andiyan ka pala.” Tawag sakin ng kaibigan ko. “Okay ka lang?” Dagdag niya’t pasimpleng sinusulyapan ang mukha ko. “Syempre! Napuling ako lang ako.” Patawa kong sinabi. Sabay kaming pumasok sa aming silidaralan. Bago ako umupo ay dinaanan ko muna ang listahan ng top 10. Ako pa rin ang nangunguna sa klase namin. Sa kabila nito ay parang may kulang pa rin. Parang hindi pa rin sapat ang mga pagsisikap ko. Natatakot akong mawawala sa akin ang mga pinaghirapan ko, na sa anumang sandali ay matutumba ako. Kahit hindi nila sabihin ay alam kong may inaasahan pa rin sila mula sa akin. Wala lang silang sinasabi 53
dahil hindi pa ako pumalpak. Kaya hindi ako maaaring pumalpak. O baka naman ako lang talaga ang problema. Baka talagang hindi ko lang matanggap na ako lang ang nagpapahirap sa aking sarili. Ako lang ang nagdududa at naninira sa pagmamahal nila. Baka naman talagang tatanggapin pa rin nila ako kahit pa ako’y mahulog, at baka dapat ay magpasalamat na lang ako sa tiwala nila sa kakayahan ko. Ngunit bakit ganoon? Kung talagang mas mahalaga sakanila ang kaligayahan ko. Kung mas mahalaga sakanilang may natututuhan ako, bakit hinayaan nila akong maiwang magisa sa mga gabing kailangan ko sila? Bakit hinayaan nila akong umiyak nang walang humihimas sa aking likod? Bakit hindi sila nagagambala tuwing wala silang marinig na ni isang imik galing sa bibig ko? Dahil bang alam nilang hindi pa rin ako kikibo kahit subukin nila? Dahil ba hindi na nila ako maabot? Ako pa rin ba talaga ang problema?
54
Nakaraan
Ni Denise Maricar Dela Rosa
(BABALA: Mayroong nilalamang su*c*de attempt) Kaya mo pa ba? Si Res? Parang hindi na… Luha, dugo, sakit, lungkot, lahat sa gabi. Pagkatapos ng mahabang araw, oras na naman para masaktan. Klase sa umaga, klase sa hapon, laban sa gabi. Si Res ay isang babaeng magaaral. Siya ay tahimik at mahiyain na bata. Kadalasan ay mag-isa lamang si Res sa kaniyang bahay dahil nasa trabaho parati ang kaniyang mga magulang. Maaga silang umaalis sa bahay at gabi na umuuwi. Ang mga magulang ni Res ay mga doktor, kaya kadalasan ay nasa ospital sila kaysa sa nasa bahay dulot ng pandemya. Sa bawat pagsapit ng gabi, siya ay may mga suliraning kinahaharap, at hindi ito alam ng kaniyang mga magulang. Ganito ang karaniwang araw ni Res simula noong nagkapandemya. Isang araw nang matapos na ang lahat ng kaniyang klase simula umaga hanggang hapon, siya ay natulog nang may luha sa kaniyang mga mata at ito ay namumula. Sa kaniyang pag gising ay agad niyang sinaktan ang kaniyang sarili. Sinasaktan ni Res ang kaniyang sarili sa paraan ng paggamit ng ballpen at sinusuntok niya ang pader. Halos araw-araw niya ito ginagawa ngunit sa araw na iyon ay nakita ito ng kaniyang mga magulang.
55
Nang nakita ito ng nanay ni Res, lumaki ang kaniyang mga mata at siya ay napasigaw sa kaniyang nakita. “Res!!!!” Sigaw ng kaniyang ina habang tumatakbo ng mabilis papunta kay Res. Nabigla si Res at agad itong nagtago sa kaniyang kumot. “Anong ginagawa mo?!” Tanong na pasigaw ng kaniyang nanay habang ito ay natataranta. Sunod na dumating naman ang tatay at ito ay nataranta din. Madali niyang kinuha ang kanilang pangunang lunas. Kanilang ginamot muna ang mga sugat ni Res at ito ay pinakalma. Nang nakakalma na si Res, bigla itong umiyak muli at niyakap ang kaniyang nanay. “Bakit ngayon lang kayo dumating, sa mga oras na kinakailangan ko kayo?” Walang nasabi ang kaniyang nanay at siya ay humingi ng tawad. Nag-usap sila ng matagal at dito na nasabi ni Res ang lahat ng kaniyang mga pinagdaanan. Pagkatapos nilang mag-usap ay naging maluwag na ang pakiramdam ni Res at tumigil na ito sa mga pinaggagawa niya na nakakasakit sa kaniya. Mas binigyang atensyon na din si Res ng kaniyang mga magulang. “’Yon ang kuwento ko, last year pa yun ah. Actually same day ngayon ‘nong nangyari ‘yon.” Sabi ni Res sa kaniyang mga kaibigan. “Alam mo proud ako sayo, nalampasan mo at nilaban mo yung sarili mo kahit na nahihirapan ka na, happy birthday ulit!” Sabi naman ng isa niyang kaibigan. 56
“Sa gabay ng mga magulang ko pati na rin sa pag dating niyo sa buhay ko nahanap ko muli ang aking sarili at ngayon ay nasa masayang buhay na ako.” Nagmula kay Res.
57
Mga Mata ni Tanda Ni Hintuturo
"Mabuhay nang matagal,” dasal ng nakararami. Noong ako’y musmos pa, ito rin ang hiling na ibinulong ko nang palihim sa’king sarili tuwing dumarating ang aking kaarawan. Sino nga ba naman ang ayaw mapahaba ang buhay? “Sa dinami-rami ng mga lugar na maaaring puntahan at sa dinami-rami ng mga taong maaaring makilala, gusto kong mabuhay nang matagal,” katwiran ng aking murang isip. Kanais-nais naman talagang mabuhay nang matagal, maliban kung hindi na. Ngayon, ‘di-hamak na nabuhay na ako nang matagal. Sa nakaraang buwan ay lumipas na ang aking ika-siyam na pu’t isang taon na paglilibot dito sa mundo. Masasabi kong nakita ko na ang lahat na dapat kong makita, o iyong mga minithi ng tadhana para sa akin. Kaya’t wala nang natitirang makita o gawin pa dito sa mundo para sa akin. Ako ay naghihintay na lamang. Bawat araw, pinagmamasdan na lang ang relo sa matandang dingding, habang kinakain ng nagmamadaling oras ang mga kapiraso ng natitirang sigla at kabuhayan sa aking
58
katawan. Tila isa nang bantayog, nakaupo na lamang sa aking silyang patumba-tumba, pinapanood ang patuloy na habulan ng araw at buwan. Wari’y hindi ito isang grasya, kundi isang sumpa. Ang pamumuhay nang matagalan ay ang pagsaksi sa parehong pagsilang at pagpanaw ng iyong mga mahal sa buhay. Habang naroon ako sa mga pagdiriwang ng mga kapanganakan at kaarawan, wala akong magagawa kundi pumaroon din sa pagtawid sa kabilang buhay ng mga aking minamahal. Wala nang tabak ang mas didiin pa sa puso kaysa sa pagdalo sa libing ng sariling magulang, kapatid, at anak. Sila ay nauna na, habang ako ang natira, mag-isa. Tuwing pagsapit ng gabi, masyadong malalim at mabigat ang aking damdamin upang makatulog nang mahimbing. Sa isang matandang tulad ko, ang pagpapahinga at pagtulog ay lahat maliban sa payapa. Hindi ko mapigilang alalahanin ang mga minamahal kong pumanaw at tandaan ang mga huling saglit ng aming pagsasama. Tangi riyan, sino ba naman ang kayang matulog nang maginhawa kung siya ay dehado na at walang katiyakan na mababati pa ang umaga ng bukas? Bagkus, ang mga ito ay ang mundo sa paningin lamang ng isang siyam na pu’t isang matanda, walang-imik na nakaupo sa silyang nakatabi sa durungawan.
59
Tula
GABI
Ngunit Ngunit bakit bakit tila tila hapdi’y hapdi’y mas mas sumidhi, sumidhi, Habang Habang binabalikan binabalikan ang ang mukha mukha ng ng dati? dati?
Sariling Walang Saysay Ni Asher Eugene Evangelista
Alas dose na’t gising na gising pa rin ang isipan Walang maaasahan, walang mapupuntahan Mag-isang hinahanap ang ilaw sa kadiliman Isusuko na ang sarili sa lubos na kalumbayan Sapagkat ako’y nawawalan na ng pag-asa at paraan “Kailan pa kaya ako makakalisan?” ang tanong ko sa sarili, Ako’y nalulunod na sa poot at pagsisisi Sa kadiliman ng gabi ako ay nakakubli Nais kong makita ang dati kong sarili sa huling sandali Dahil nagbabakasakaling maibabalik ang buhay na kawiliwili Ako’y sumisigaw ngunit walang nakaririnig ‘Di alam ang gagawin sa nakatikom kong bibig Kahit ang sarili man lang ay ibigin ‘Di makakaya ang ihip ng hanging lumalamig Tulad ng sarili na wala nang kapanalig Kahit anong dilat at pikit ay walang pinagbago Lahat ng mga mithiin ay biglang naglaho Matinding pangungulila sa sarili ay unti-unting lumalago Ang daang ninanais ay tila lumalayo Sa karimlang ito, saan ba ‘to tutungo?
61
Hawak Ni Dobby
Sa bawa't ihip ng hangin Sa gabing patuloy na lumalalim Hindi alam kung ano pa ang gagawin Kundi magtago sa dilim Sa bawa't luhang tumutulo Kasabay ng walang tigil na pagpatak ng ulan Milyon-milyong mga katanungan Patuloy na dumadaloy sa aking isipan Nais mang sumigaw, Nais mang humanap ng kalinga, Hindi ko magawa ‘Pagkat may makatutulong ba talaga Gising ma'y wala nang mithiing mabuhay Ano pa't wala nang saysay Kaluluwa ko'y nadungisan na nang hawakan ako Ng hindi pamilyar na mga kamay
62
Mapagkunwa Ni Zhameera Tawsil
Sa mundong aking ginagalawan, May mga sal’tang bumabagabag sa aking munting isipa’t May depresyong (kalungkutang) mag-isa kong nilalabanan. Sa likod ng masasaya kong ngiti, Narito akong binabalot ng pighati. Sa likod ng mga matang ‘to, ‘Di niyo nakikita ang mga sakit na aking iniinda. Narito ako, unti-unting nang nauubusan ng hininga. Sa likod ng bawat halakhak ko, Nababaliw na ako. Nababaliw sa mga masasakit na sal’tang lagi niyong sinusumbat. Ngunit kailangan kong magpanggap, magpanggap na kaya kong lahat. Subalit, nagdurugo ako sa mga pang-araw araw na panghuhusga. Nagdurugo ako sa mga taong lagi akong ikinukumpara. Oo, unting-unti akong nadudurog at nagdurugo ako Sa mga pawawalang kibo, Sa mahahapding salitang inyong binabato. Pagkinggan niyo naman ako. Pagod na pagod na ko. Gaano man kalakas ang tinig ng aking sigaw, Isa pa rin akong alitaptap na nawawalan na ng ilaw
63
Minsan pinipili kong kausapin ang sarili nang mag-isa Sa pag-aakalang ako’y gagaling pa. Heto, muling pinupulot ang nagkawasak-wasak kong puso, Muling hinihilom ang sugatan kong pagkatao Ngunit, sa kabila ng lahat ng ito, Alam kong balang araw makababangon din ako. Balang araw, ako’y makawawala sa mga gapos ng kadenang ‘to.
64
Ayon Ni Narcissus
Tila ngayon ika’y nakikiayon sa akin, ah? Masaya ka ba ngayon na ako’y nagdurusa? Masaya ka ba na ngayo’y mukha ko’y punongpunong ng luha? Ano, itim na kalangitan? Sagutin mo ako habang ika’y umiiyak nang masinsinan! Kung bakit ba kasi ako ganito? Nais ko lang namang makita ang ningning sa mata nila’t magpakitang-gilas. Ang mapagmasdan ang ngiti ng iba dahil sa akin ang isa pa sa’king gusto. Ngunit bakit upang makamtam to’y pagpasok sa butas ng karayom ang dinanas? Lahat-lahat, maski ang maglakad sa ibabaw ng apoy, ay aking ginawa, Subalit bakit simangot at ‘di ngiti ang napagmamasdan sa kanilang mga mukha? Ano pa ba ang nais nilang makita’t mahagtan mula sa akin? Kalangitan, nagsusumamo ako, ano pa ba ang nais nila mula sa akin? Bakit kung tila ba ay umayon sakin, ayaw nilang gawin. Mayroon bang kamalian sa pagkatao ko’t ayaw nila ‘kong pansinin?
65
Ilang beses ko pa ba kailangang magpakatanga at magbigay ng lahat-lahat? Ilang beses ko pa ba kailangang hingiin ang kanilang ngiti sa pagkakataong ikaapat? Itim na kalangitan, sa’yo ngayo’y aking ipagtatapat, Sumuko ay tila bang sagot sa katanungang sa isipan ko’y nakasulat. Salamat na lamang siguro sa iyong pakikiayon, kalangitan. Sa ngayon, susundin ko ‘tong sagot nang walang pag-aalinlangan.
66
Ulila
Ni Lianiel Ramiterre
Sa pagpikit ng mga mata Luha’y ating makikita Sakit ng nakaraan Karanasang ‘di malilimutan Sana’y may kasagutan Ang lungkot na aking nararamdaman Upang maiwasan ang ala-ala'y Hindi na dapat balikan Sana muling bumalik ang ligaya Mga ngiti at magagandang ala-ala Upang makamit ang saya Na gustong makita
67
Muling Pag-ahon Ni Jonamae Potenciano
Araw, linggo, buwan Tatlong katagang bumubuo sa isang taon Gaano na nga ba katagal? Isang taon? Dalawang taon? Panahon lamang ang may alam Lapis na nag-iiwan ng marka sa blankong pahina ng libro Pares ng matang nakatitig sa kawalan Nakaukit na katagang binabalik-balikan Pangarap na hindi natutupad Naulila dahil sa mga hindi makitang bagay Mga karanasang hindi na maibabalik Natangay ang mga alala sa malakas na alon Ngunit hanggang ngayon ay nagbabakasakali parin ako Hanggang kailan tayo mamumuhay ng ganito? Para tayong mga bentilador na paulit-ulit ang pag-ikot Magbubukas at magsasarado Humihina at lumalakas Kay sarap sa pandinig ang patak ng ulan Sa ilalim ng gabing walang katapusan Nag-aabang sa kasukdulan Sa mundong walang kasiguraduhan Tumitila na ang ambon Sa huling patak, tayo’y nagagalak Mawalan man tayo ng lakas Magpapatuloy parin sa pag-angat Patuloy tayong lumalangoy patungo sa ibabaw ng karagatan Buwan na siyang gumagabay sa atin sa daan Sabay-sabay tayong aahon sa dalampasigan At pagmasdan ang kagandahan ng kalawakan
68
Larawang Guhit
HATINGGABI Buti Buti nalang nalang at at mga mga tala’y tala’y hindi hindi lumisan lumisan At At ligid ligid ay ay balot balot na na balot balot ni ni Katahimikan. Katahimikan. Kaya’t Kaya’t no’ng no’ng pumikit pumikit ay ay may may ngiti ngiti na na sa sa labi, labi, At At sa sa puso’y puso’y naglaho naglaho ang ang pagsisisi. pagsisisi.
Pagalis at Pagpapatuloy
70
Mulat
71
Takas
72
Pagbabago
73
Sayaw
74
Sawing-palad
75
Hangganan
76
Dili-dili
77
Sa Daan ng Panahon
78
Pagkatapos ng Handaan
79
Silip sa Dilim
80
Bagong Kabanata
81
UMAGA
Sa Sa muling muling pagmulat pagmulat at at pagsalubong pagsalubong sa sa mga mga sinag, sinag, Natabunan Natabunan ang ang damdaming damdaming madilim madilim dahil dahil kay kay Liwanag. Liwanag. Nakaraan, Nakaraan, masakit masakit ma’y ma’y ika’y ika’y babalik-balikan babalik-balikan pa pa rin, rin,
Ngunit Ngunit sa sa ngayo’y ngayo’y kay kay Kinabukasan Kinabukasan muna muna ako ako titingin. titingin.
Kinaadman
Ni Edpin Susulan Jr.
83
Ni Edpin Susulan Jr.
84
Bagong Pagkakataon
Ni Pauleen Angel Venice Locson
85
Pananampalataya
Ni Fatin Lasatan
86
Paglunas
Ni Fatin Lasatan
87
Bukang-Liwayway
Ni Lorenz Clyde Jose
88
Pagmamahal
Ni Lorenz Clyde Jose
89
Takip-silim
Ni Lorenz Clyde Jose
90
Dasal
Ni Lorenz Clyde Jose
91
Lumalagong Pag-asa
Ni Ahmed Ijiran
92
Sumisibol
Ni Ahmed Ijiran
93
Sa Pagsikat ng Araw
Ni Nashmin Hasid
94
Kontribyutor Maikling Kuwento
Tula Narcissus Narcissus Neolights Neolights Ramiterre Ramiterre Evangelista Evangelista Dobby Dobby Dela DelaRosa Rosa Tawasil Tawasil Potenciano Potenciano
Larawang Kuha Susulan Susulan Locson Locson Lasatan Lasatan Jose Jose Ijiran Ijiran Hasid Hasid
Background Artists Palma Palma Asaali Asaali Tan Tan Jumaoas Jumaoas
Liksugo Liksugo Neolights Neolights Dobby Dobby Dela DelaRosa Rosa Hintuturo Hintuturo Tawasil Tawasil Evangelista Evangelista Narcissus Narcissus
Larawang Guhit Asaali Asaali Tawasil Tawasil Matsuzawa Matsuzawa Genito Genito Jumao-as Jumao-as Palma Palma Tan Tan
Layout Artists Macrohon Macrohon Nones Nones Evangelista Evangelista
Pahina 2022: Añoranza Guhit at disenyo ng pabalat ni Anne Jumaoas