Lamdag (Agosto-Setyembre 2021)

Page 1

@OneNews.PH

LAMDAG

Muling pagbubukas ng face-to-face classes, inaprubahan na ng pangulo.

M

atapos ang ilang beses na hindi pagsang-ayon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa muling pagbubukas ng face-toface classes, ipinahayag noong Lunes, ika-20 ng Setyembre 2021, ang pag-apruba niya sa muling pagbubukas ng face-toface classes sa 120 na pampubliko at pribadong paaralan sa mga lugar kung saan ‘di gaanong laganap ang COVID-19. Sa 120 na mga paaralang ito, 100 ay pampubliko at 20 naman ay pribado na kailangang pumasa sa pagtatasa ng kahandaan na isasagawa ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH). Sa muling pagbubukas ng face-to-face classes, asahan na hindi agad-agad babalik ang kalagayan sa dati. Sa halip na sa nakasanayang sampung oras araw-araw, ang mga klase sa bagong sistema ng face-toface classes ay tatlo hangang apat na oras at bawat iba pang linggo na lamang magkikita. Sa isasagawang limitadong faceto-face classes, hindi lahat ng mga mag-aaral mula sa 120 paaralang napili ang papasok sapagkat 12 na mag-aaral sa kindergarten, 16 na mag-aaral sa mga baiting 1 hanggang 3, at 20 na mag-aaral sa mataas

na paaralang senior lamang ang unang makapapasok. Ang tala naman ng 120 na paaralan na papayagang magbukas muli ng face-to face classes ay hindi pa inilalabas. Ayon sa DepEd, kapag naging tagumpay ang pagsusuri sa panibagong sistema ay unti-unti nang itataas ang mga bilang ng paaralang papayagang magbukas muli ng face-to face classes. Karamihan sa mga magaaral at mga magulang na naglabas ng kanilang mga opinyon ukol sa muling pagbubukas ng mga paaralan ay natuwa sa pagpapahayag na magsasagawa ng dry-run ang DepEd sa pagbubukas ng limitadong face-to-face classes. Ang muling pagbubukas ng face-to-face classes ay hindi lamang para sa katuwaan ng mga mag-aaral o para makipagkumpitensiya sa ibang mga bansa, ngunit ito rin ay para sa pagpapabuti ng mental health, para sa ekonomiya, at para siguraduhin na makatatanggap ng de-kalidad na edukasyon ang mga mag-aaral. Ayon sa isang eksperto, dahil nililimitahan ng online classes ang edukasyon na dapat matanggap ng mga mag-aaral, malaki ang epekto nito sa kinabukasan. Dagdag

pa niya, umaabot sa 11 trilyon ang mawawala sa Pilipinas sa susunod na 40 taon kung hindi makaktanggap ng dekalidad na edukasyon ang mga kasalukuyang mag-aaral. Bago napagpasyahan na muling buksan ang mga paaralan, isa ang Filipinas sa huling dalawang bansa na hindi pa nagbubukas ng face-to-face classes mula nang nagsimula ang pandemya noong Marso ng 2020. Isang taon at anim na buwan na ang lumipas mula nang huling faceto-face classes kaya asahan ang ilang karagdagang alintuntunin sa paaralan. Ilan sa mga patnubay na isinasaalang-alang para sa muling pagbubukas ng face-to-face classes ay ang pagsuot ng protective gear na mayroon tulad ng mga face masks at face shields, wastong kalinisan, contact tracing, quarantine, at social distancing. Kapag dumating na ang panahon kung saan ang ating paaralan ay muling magbubukas ng face-toface classes, ‘wag kalilimutang sundin ang mga alituntuning itatakda ng paaralan at maging isang responsableng mag-aaral Ni Thamara Raine Arrieta


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.