Lamdag (Oktubre-Nobyembre 2020)

Page 1

LAMDAG

N

Bagyong Ulysses, nanalasa sa Luzon

agtamo ng malalaking pinsala ang malaking bahagi ng gitna at katimugang Luzon dala ng pagbuhos ng mga ulan ng Bagyong Ulysses (Typhoon Vamco) mula noong nagsimula itong mag-landfall sa lungsod ng Quezon noong ika-11 ng Nobyembre. Naitalang 73 ang nasawi, 68 sugatan, at 19 ang nawawala matapos ang bagyo noong ika21 ng Nobyembre ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).Ulat pa ng NDRRMC umaga noong ika-22 ng Nobyembre, ang kabuuang halaga ng mga pinsalang natamo dahil sa Ulysses ay umabot ng P12.9 billion, kung saan P8.69 bilyon ay mula sa impraestraktura at P4.21 bilyon ang galing sa agrikultura. Sa sektor ng impraestraktura, ang Cagayan Region ang may pinakamalaking kabuuang halaga ng natamong pinsala na P4.9 bilyon at sumunod naman dito ang Bicol na may halagang P1.8 bilyon.Sa sektor naman ng agrikultura, naiulat na ang Central Luzon ang may pinakamataas na halaga ng pinsalang natamo na lagpas P1.3 bilyon at sinundan naman ito ng Cagayan sa halagang 1.12 bilyon. Ang bilang ng mga katauhang naninirahan sa mga kanlungan ay 139,866 habang 46,848 tauhan ang pinagsisilbihan sa labas ng mga emergency site. Dagdag ng NDRRMC, 88,713 na kabayahan ang nasira habang 9,763 ang tuluyan nang nawasak dahil sa bagyo.

Pinaghinalaan naman ng mga residente sa Region II na ang dahilan kung bakit lumubog ang maraming kabahayan ay ang pagbagsak ng tubig mula sa mga binuksang tarangkahan ng Magat Dam. Ngunit ayon sa National Irrigation Authority (NIA), hindi ang pagpapakawala ng tubig mula sa nasabing dam ang dahilan ng pagbaha sa mga lungsod. “[…] It is noted that the carrying capacity of the Cagayan River is 25,400 m3/s while the maximum volume of water released from the Magat Dam is only 6,706 m3/s indicating that water discharge of Magat Dam due to Typhoon Ulysses is not the main cause of massive flooding in the provinces of Isabela and Cagayan,” ayon kay Eden Victoria Selva, ang tumatayong department manager ng NIA Public Affairs and Information Office.Paglilinaw din ng NIA, nagbigay babala sila tungkol sa mga posibleng epekto ng Ulysses sa mga lugar na ito dahil hinulaang tatamaan ng bagyo ang mga probinsya ng Quezon at Central Luzon at ang mga lugar na malapit sa Cagayan Valley at Magat Dam. Subalit, ayon kay Bise Presidente Leni Roberedo, marami sa mga apektadong kaniyang nakasalamuha sa Rizal at Marikina ay nagreklamo dahil sa kakulangan ng impormasyon at babala sa Bagyong Ulysses. “Ang dami nila nare-receive na warnings from NDRMMC (National Disaster Risk Reduction and Management

ang diskriminasyon batay sa kasarian ay maaaring patawan ng multa na P100,000 o higit pa at isang taong pagkakakulong. Kapag hindi naipasa ang SOGIE bill sa Senado bago ang katapusan ng ika-18 Kongreso sa 2022 dahil sa pagtanggi ng kasapi na ito’y pirmahin at suportahan, ang mga senador na gusto itong maipasa ay kailangang magsampa muli sa susunod na Kongreso. “I am hopeful for the day that none of us have to convince people that we are worthy of our own basic human rights,” sabi ni Hontiveros. Unang iminungkahi nina namayapang Senador Miriam Defensor Santiago at dating Akbayan Representative Loretta Rosales ang SOGIE bill noong taong 2000. Muli naman itong iminungkahi ni Senador Hontiveros sa ika-18 Kongreso.

Council), ‘yung mga tinetext. Pero ‘yung karamihan daw na nababasa nila storm surge sa Pasay, Manila Paranaque, Navotas,” sabi niya sa isang panayam sa TeleRadyo. Dagdag pa ni Robredo, sinabi rin ng mga residente sa kaniya na walang nagbalita sa kanila kung gaano karaming ulan ang darating sa kanila at wala rin daw silang napagkunan ng impormasyon na ganoon ang mangyayari. Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa prayoridad ng pamahalaan ang pananalasa ng Bagyong Ulysses. Sa kaniyang address to the nation, sinabi ng pangulo na pinakilos na niya ang iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan para tugunan ang mga pangangailangan ng mga apektadong residente. Ayon sa Social Welfare Department, nagpaabot sila ng higit pa sa P125 milyon tulong para sa mga pamilyang apektado. P77.9 milyon ang nagmula sakanilang ahensiya, P44.16 milyon ang nagmula sa mga lokal na pamahalaan, P2.8 milyon ang mula sa mga pribadong kasosyo at P728,000 ang mula sa mga non-government na organisasyon. Ang bagyong Ulysses ang ika-21 at ang pinakanakamamatay na bagyong nakapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong 2020. Nina Ysabella Macrohon, Shena Lasola, at Lianiel Ramiterre

SOGIE bill, kulang pa rin ng pirma

Nasa ilalim pa rin ng senado ang Sexual Orientation and Gender Identity Expression (SOGIE) sapagkat kulang pa rin ito ng suporta at pirma ayon kay Senator Risa Hontiveros noong ika-29 ng Oktubre, 2020. “Although the SOGIE Equality Bill Committee Report still lacks signatures to report it out on the floor, it is never less important,” ayon ito kay Hontiveros sa kanyang opisyal na Twitter account. Kapag pumasa ang panukalangbatas, ang LGBTQA+ Community ay magkakaroon ng legal na proteksiyon laban sa diskrimanasyon. Dagdag pa rito, magkakaroon din ang same-sex couples ng pantay na karapatan na mayroon ang heterosexual couples, gaya na lamang ng karapatang “to jointly own property”. Nakasaad din sa SOGIE bill na

Kyla Dane Sapitula

Manilla Bulletin


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Lamdag (Oktubre-Nobyembre 2020) by La Liga Atenista - Issuu