3 Love Sayings na Hindi Totoo by Aleczandrea Rei Gonzales
MARAMING kasabihan sa pag-ibig ang pinaniniwalaan ng marami. Ang ilan dito ay gasgas na; patok pa rin naman ang iba. Pagdating kasi dito, iba-iba ang pananaw natin at bumabase tayo sa kung ano ang aayon sa pananaw natin na tama ito at paniniwalaan upang humanap ng batayan sa magiging kasangga sa buhay. Pero hindi lahat ay tama at hindi lahat ay mahalaga. Talakayin natin ang tatlo sa mga ito at alamin kung tama ang pangangatuwiran natin sa bagay na ito.
1. “FOLLOW YOUR HEART” Marami ang nahulog sa patibong na kasabihan na iyan. Sa ibang salita, ma-e-explain iyan na kahit anong mangyari, sundin mo ang gusto mo. ‘Di ba, selfish? Paano naman? Sabihin nating wala siyang feelings sa iyo. Hindi naman kaso kung iiyak mo iyan dahil nasa alaala pa ang sakit na hindi tinanggap ang pagmamahal mo. Pero anong magagawa ng masyadong pagda-
POP MOOD, NO. 1, 2022
damdam na para bang gustong ipakitang kailangan niyang maawa para tanggapin ka? Iyong tipong ipagpipilitan pa ang sarili sa kaniya? Hindi ito pagpapakamatured kung ganiyan ang asal mo. Hindi ka magmamahal kung wala kang pakiramdam at hindi rin naman tama kung lumalagpas sa limitasyon ang iyong puso sa pagpaparamdam ng feelings sa iba. Desperado ang iyong puso na makuha ang gusto nito. Ang tunay na pag-ibig sa isa ay pag sasaalang-alang ng iyong iniisip kasabay ng nararamdaman. Baka iniisip mo, “Gusto ko siya pero mabuti ba siyang tao na may concern nang seryoso sa relasyon namin?” Tandaan na kung lumalamang ang isang aspekto ng pagpapahayag mo ng pagibig, puso man iyan o ng iyong isip, tumutubo ang sinasabi nilang fake love.
SUBMIT NOW Maaaring mag-submit ng inyong written works tulad nito sa pag-email sa goodpopmood@gmail.com
8