1 minute read

Bible Flex Specials: BIBLE VS. MODERN SCIENCE —PART 1

Next Article
X-PERIENCE

X-PERIENCE

KAPAG Bibliya ang paksa, madalas itong iniuugnay sa espirituwalidad, antropolohiya, at kasaysayan. Pero kung sa Science naman ang pag-uusapan, nakadepende ito sa lohika, likas na batas at kabuoan. Ang dalawang larangang ito ay laging kontra sa isa’t isa. Ayon sa mga relihiyosong grupo, totoo ang creationism habang sinasabi ng mga scientist na tunay na nangyari ang ebolusyon. Kung susuriing mabuti ang Bibliya at Siyensiya, talaga bang magkasalungat ito? Tingnan natin.

Hindi isang science textbook ang Bible, pero pagdating sa Science, tumpak lagi ang sinasabi nito. May kinalaman dito, baka naniniwala ka na literal na 7 days nilikha ang mundo? Ayon sa mga scientist, imposible ito kaya itinataguyod ng karamihan sa kanila ang ebolusyon. Ano ba talaga ang totoo: Creationism o Evolution? Talaga nga bang literal na 7 days nilikha ang mundo? Alamin sa susunod na isyu.

Advertisement

earth's spherical shape

Science: Napag-alamang bilog talaga ang mundo nang maglakbay si Magellan sa Pasipiko noong 1520. Bago nito, naniniwala ng mga tao na flat ang mundo.

Bibliya: Ganito ang isinulat ni Propeta Isaias: “May Isa na nakatira sa ibabaw ng bilog na lupa.” (Isaias 40:22) Ito ay 1200 ang pagitan bago ang patunay ni Magellan.

earth's floatingness

Science: Natuklasan ni Isaac Newton ang batas ng gravity noong 1687 at ipinaliwanag na ng mundo ay nananatili sa orbit dahil sa isang di-nakikitang force. Bago nito, naniniwala ang mga tao na nasa ibabaw ng likod ng pagong ang mundo.

Bibliya: Mga 3000 taon bago ang tuklas ni Newton, nakaulat sa Bibliya na nakibitin ang mundo “sa kawalan.” (Job 26:7)

water cycle

Science: Sinasabing nagmula ang konsepto ng water cycle kay Bernard Palissy na nabuhay noong 14th Century Bibliya: “Ang lahat ng ilog ay dumadaloy papunta sa dagat, pero hindi napupuno ang dagat. Bumabalik ang mga ilog sa pinagmulan nito para dumaloy ulit.” (Eclesiastes[Mangangaral] 1:7). Naisulat ito 2000 taon bago nabuhay si Palissy.

This article is from: