3 minute read

3 False Love Sayings

3 Love Sayings na Hindi Totoo

by Aleczandrea Rei Gonzales

Advertisement

MARAMING kasabihan sa pag-ibig ang pinaniniwalaan ng marami. Ang ilan dito ay gasgas na; patok pa rin naman ang iba. Pagdating kasi dito, iba-iba ang pananaw natin at bumabase tayo sa kung ano ang aayon sa pananaw natin na tama ito at paniniwalaan upang humanap ng batayan sa magiging kasangga sa buhay. Pero hindi lahat ay tama at hindi lahat ay mahalaga. Talakayin natin ang tatlo sa mga ito at alamin kung tama ang pangangatuwiran natin sa bagay na ito.

1. “FOLLOW YOUR HEART”

Marami ang nahulog sa patibong na kasabihan na iyan. Sa ibang salita, ma-e-explain iyan na kahit anong mangyari, sundin mo ang gusto mo. ‘Di ba, selfish? Paano naman? Sabihin nating wala siyang feelings sa iyo. Hindi naman kaso kung iiyak mo iyan dahil nasa alaala pa ang sakit na hindi tinanggap ang pagmamahal mo. Pero anong magagawa ng masyadong pagdadamdam na para bang gustong ipakitang kailangan niyang maawa para tanggapin ka? Iyong tipong ipagpipilitan pa ang sarili sa kaniya? Hindi ito pagpapakamatured kung ganiyan ang asal mo. Hindi ka magmamahal kung wala kang pakiramdam at hindi rin naman tama kung lumalagpas sa limitasyon ang iyong puso sa pagpaparamdam ng feelings sa iba. Desperado ang iyong puso na makuha ang gusto nito. Ang tunay na pag-ibig sa isa ay pag sasaalang-alang ng iyong iniisip kasabay ng nararamdaman. Baka iniisip mo, “Gusto ko siya pero mabuti ba siyang tao na may concern nang seryoso sa relasyon namin?” Tandaan na kung lumalamang ang isang aspekto ng pagpapahayag mo ng pagibig, puso man iyan o ng iyong isip, tumutubo ang sinasabi nilang fake love.

SUBMIT NOW

Maaaring mag-submit ng inyong written works tulad nito sa pag-email sa goodpopmood@gmail.com

2. “MAY TAONG NAKALAAN PARA SA IYO. ”

Sino ang maglalaan? Marami ang nagsasabi na si Lord ang maglalaan. Hindi ito totoo. Hindi inilaan ng Diyos ang tamang tao para sa iyo. Mapagmahal ang Diyos at hindi Niya gustong masaktan ang sinuman. Ano ang point? Wala na sanang naabuso o iniwang asawa kung ang Diyos ang naglaan. Sabihin pa, kung nawalan o iniwan ng asawa ang isa at naghintay pa ng ‘ilalaan’ para sa kaniya, kaso walang dumating, masasabi bang may inilaan sa kaniya ang Diyos? Malinaw na wala. Sabi nga na nasa kamay mo ang magiging hinaharap mo. Pumipili ka ng taong magmamahal sa iyo at hindi ang sinuman para diktahan ka. Hindi ito parang nobela na naka-set up na ang lahat para mangyari. Kung ganito nga, gugustuhin mo bang may mangyaring masama sa kaibigan mo at sinasabing planado na ito? Magagalit ka sa may plano, hindi ba? Kaya marami tuloy ang sinisisi ang Diyos sa bagay na hindi Niya ginawa tulad ng pagkuha daw sa mga bata para maging anghel sa langit. Kasabihan lang ito at hindi totoo. Ang tawag sa paniniwalang ito ay Fatalism o Destiny. Lahat daw ay itinadhana. Pero wala sa tadhana ang magiging buhay mo sa susunod na buwan, na mga taon. Walang pag-ibig sa tadhana dahil wala namang tadhana.

3. “LOVE IS BLIND. ”

Sa natalakay sa unang maling kasabihan, ang tunay na pag-ibig ay may kooperasyon ng isip at puso. Kung mai-

hahalintulad sa dalawang mata ang puso at isip, na ang pagtingin nito ay kumakatawan sa pag-ibig, tunay ito. Pero kung malabo ang dalawang mata o bulag pa nga, makakakita kaya ito? Makakaibig ba ang isa kung hindi maayos ang puso at isip niya? Hindi naman bulag ang pag-ibig. Ano talaga ang bulag? Ang sagot ay infatuation. Ang pagkahumaling ay pagkabulag sa pagtingin niya sa iba. Tinitingnan lang niya kung ano ang maganda sa ‘paningin’ niya. Nakikisama lang siya kasi guwapo siya o maganda siya. Pero kapag nagtatagal na, nakikita ang mga kahinaan at hihiwalayan siya. Ang dahilan? Ayaw niya ng kahinaang iyon at makakabuti kung hihiwalayan niya na lang daw kasi hindi ito makakabuti sa kaniya. Ang pagkakahumaling ay pagkamakasarili. Bakit ba naturingang bulag ang pag-ibig? Ayon sa pilosopikal na pananaw, bulag daw ang pag-ibig dahil ang pag-ibig ay walang nakikitang hadlang para iparamdam, anuman ang iyong lahi, katayuan, edad, o seksuwalidad. Totoo naman ito. Pero hindi ito pagkabulag. Ito ay pagkamulat at pagtanggap sa kahinaan o kaibahang taglay ng isa dahil sa pagmamahal. Ito ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Kaya pwede nang palitan ng kasabihang ito na “Love is the eyes openly wide. ” Iniisip mo siguro na napaka-bitter naman ng sumulat. Hindi ito pagpapakabitter para pilipitin ang kung anumang kasabihan sa pag-ibig. Nais ng sumulat na maging mabuti ang pag-ibig ng lahat; pinaiiwas sa maling palagay. Talamak ngayon ang masasaklap na resulta ng pangit na hantungan ng mga relasyon. Bago tanggapin ang isang pananaw, maging investigative at logical sa mga bagay-bagay.

This article is from: