We're BROKE
What Kpop fans feel
No. 4 2022
PhotoCredits: p 2,JustE(A)RLYbook,GudPMWritings;p 5, BTS,GettyImages,BLACKPINK,allkpop;p 6, HYBE,JYP,SM,&YGLogos,eachofthe companieswebsite;p 10,MariaClaraatIbarra casts,gmanetworkcom
|
publication is not for sale.
| All rights reserved. Copying the contents of this publication is strictly prohibited either by electronic or any other means without written permission from the author/publisher. Unless otherwise indicated, Scripture quotations are from modern language New World Translation of the Holy Scriptures published by Jehovah's Witnesses. Visit www.jw.org POP FEATURE “Same.” Ano'ng feeling ng broke? Kuwento namin. Sundan sa pahina 3 SA ISYU RING ITO Finger Heart for Kdramas..................................................p. 8 -2022 Mood Recap..................................p. 9 -2022 Pop Mood Bulletin................................................p. 11 1. Filos 2. Fans Equals Rich 3. What a K-life! Kahon: Kpop Dictionary for Newbies ©2022 Gud PM Official goodpopmood@gmailcom Scan the code on page 11 to follow Gud PM on Facebook |
This
It is voluntarily made as a work for a project of the organization.
MAGAZINE
Published by Gud PM Official (via Gud PM Writings)
on ISSUU and Wattpad ©2022 Gud PM Official All rights reserved
POPMOODisaliteraryjournalism magazinethatfeaturesvarietiesof issuessuchaspopculture,youthlife, music,modernstigmas,etc in accordancewiththegoalofreaching peoplewithagoodmoodthrough writing,thatpublishandmanagesby GudPMOfficial,viaGudPMWritings, quarterlyoftheyear Thismagazineis unsuited,inconclusionwiththearticles thatbeenreleasedineveryissueletting itsauthorswriteexpressively Although direct,thearticleshavebeen researchedthoroughlybythe propernessoftheideaspresented, adherespublicationsthatareinlawor legal,biblical,studied,legitimate, surveyed,trustful,psychological, medical,etc asreferences This publicationisapoliticalandconservative oftheadvertisementstaken
PUBLISHERS
Gud PM Official Meycauayan 3020 Bulacan, Philippines goodpopmood@gmailcom
Published December 2022
PUKLOY
Author, Founder Gud PM
ABOUT THE COVER
Ipinakikita ng pabalat ang hand sign ng finger heart na tumutukoy sa kahit anong impluwensiyang K Tumutukoy ang glitches nito sa good at dark sides na dulot nito sa mga fans ang pagmamahal sa mga iniidolo nila kasabay ng masamang dulot sa pinansiyal at damdamin ng mga fans
ON THE PLATFORMS
Available pa rin ang aklat na Just E(A)RLY ni Pukloy sa Wattpad at Smashwords na mababasa nang libre Pwede ring i-scan ang code
No. 4 2022
2
We're BROKE
3 FEATURE
Filos
Pangatlo ang Pilipinas sa may pinakamaraming Kpop fans sa mundo. Mas higit pa sa bansang South Korea na sentro ng genre ng musika Kaya hindi nakakapagtakang napupuno ang mga arena sa Pilipinas kapag may concert ang mga Koreano dito Kung babalikan natin ang kasaysayan ng impluwensiya ng Kpop sa mga Pilipino, matatandaang naging bahagi ng legendary group na 2NE1 ang pambansang krung-krung na si Sandara Park, sumikat din ang kantang Nobody ng Wonder Girls, at ang Gangnam Style ni Psy Masasabing hindi pa ganoon karami ang mga Filo Kpop fans dahil hindi pa masyadong laganap ang kasikatan ng mga ito noon.
Masasabing ang mga Filo Kpop fans ang “da best ” Bakit? Pruweba ang mga natapos nang concert noon na tayo ang may pinakamainit na pagtanggap, hindi lang sa klima natin na mainit talaga. Sa pagsalubong pa lang sa airport, nararamdaman nila ang pagbati natin nang hindi magulo Ayon sa iKON member na si Bobby, hindi nila naramdamang nakalimutan sila ng mga fans nila sa Pilipinas dahil aniya'y puno pa rin ang venue ng dinaluhan nilang Kpop Masterz in Manila sa SM Mall of Asia Arena noong Setyembre. Saliwa ito sa akala niyang nilalangaw na sila Napakaiingay ng mga Filos during concert Masyadong naha-hype ang mga idol sa mga concert nila dahil sa lakas ng hiyaw ng mga nanonood sa concert. Isa pa, nirerespeto natin ang privacy ng mga idol once na napasyal sila dito sa bansa. Halimbawa, nang pumasyal dito noon ang Seventeen member na si Joshua Hong kasama ang kaniyang ina bilang pagdiriwang sa Chuseok, hindi man lang naging maugong agad ang kaniyang pagbisita dahil, batay sa mga nakakitang fans, hindi nila ito ipinost muna bilang pagrespeto sa privacy nito Lumabas lang ang mga kuhang litrato at videos nang wala na sa Pilipinas ang idol Siyempre, hindi matatawaran
ang dedication ng mga Filo fan sa suportang ibinibigay nila sa mga love nilang idols
Bilang conclusion, we are the best Gustong ibigay ng fans ang suporta nila bilang pagmamahal sa kanilang iniidolo pero marami ang hindi man lang makuha ang kanilang gusto. Maraming post ang naglilipana kapag may release na bagong merch ang company ng idol nila kasabay ng caption na “Broke ” Bakit ang hirap maging isang Kpop fan?
4
PRETTY PRETTY I'M ON THE NEXT LEVEL... 난 네 머리 꼭대기에서 춤춰 YOU DUMB DUMB
SOPRETTY PRETTY
Fans Equals Rich
Bukod sa caption na “broke,” ang iba ay “Kidney for sale.” Nai-express ng mga Kpop fan ang kanilang kakapusan sa pagpo-post nito sa social media. Todo suporta naman ang kanilang mga co-fan na sila rin naman ay “nakikiramay” sa kawalan nito ng pera. Nariyan ang tickets para sa paparating na concert na napakamahal tulad na lang ng sa BLACKPINK, na nakatakdang magconcert sa Philippine Arena sa Bulacan sa March 2023, na posibleng umabot ng mahigit dalawampung libo ang pinakamahal. Maliban diyan, sunodsunod ang paglalabasan ng mga merchandise na umaabot naman ng mahigit isanlibo ang bawat isa samantalang nais nila na makabili ng merch ng bawat isang miyembro. Kaya mahihirapan ang isang Carat (Seventeen fan) na bumili ng isang album na may version ng bawat isang miyembro. Ang iba'y para makatipid, bumibili na lang ng version ng bias nila sa grupong iyon. Habang naglalabasan ang mga merch, nandiyan ang iba't ibang produkto ng isang brand na may mukha ng mga iniidolo nila dahil kinuha silang endorser. Nais rin nilang makakuha ng limited edition nito. Tulad na lang ng grupong Treasure na may partner ng Line Friends sa Japan na may produktong tinatawag na TRUZ na mga cartoon-made avatar ng bawat miyembro nito na ang isang unan ay nagkakahalaga ng mahigit dalawang libo.
Ayon sa isang Treasure Maker (Treasure fan) sa isang post nito sa Facebook, kailangan mo munang maging mayaman bago ka maging isang Kpop fan. Anila ang pag-ibig sa sarili ay pagkakaroon ng pera upang suportahan ang iniidolo nila. Iniibig nila ang kanilang sarili dahil passion nila ang pagiging fan. Bakit ba nila nararamdaman iyon? Ayaw nilang mapag-iwanan sa update. Dahil sikat ang mga iniidolo nila, iniisip nilang kailangang
mayroon sila nito. Pero iba kasi pagdating sa mga walang pera. Ang ilan, tanggap nila na hindi sila makakabili ng mga ito. Ang iba nga'y wala pang taglay ni isa. Naiinggit ba sila sa iba pa? Oo. Sigurado. Tinitiis nila ang pagka-inggit na iyon para hindi sila maghangad ng higit pa. Umaasa sila sa hindi nila alam kung may dadating. Kung mayroon man, baka okay na iyon sa kanila. Malaking bagay na iyon sa kanila. Puno ang isang arena ng isang concert, pero mukhang mas marami ang mga Team Labas. Sila yaong mga nahuli sa pila sa ticket sale o yaong mga wala talagang pambili. Umaasa ang mga broke fan sa mga freebies na ipinamimigay ng mga organisasyon ng fandom nila sa panahong iyon. Hindi man isang official merch, nakakuha naman sila ng naiibang merch ng kanilang tinatanging idolo. Maituturing na napakapalad na nila kung may mag-alok man sa venue ng libreng ticket.
5
What A K-Life! BIG THE
Nakikiramay ang sumulat sa lahat ng mga fan na broke. Maging ang inyong lingkod din ay ganiyan. Hindi kami binibigyan ni YG ng maraming comebacks kundi maraming merch. Ang inyong lingkod ay isang YG stan particularly Teume.
Bukod sa pagiging broke, marami pa tayong nagiging hanash bilang isang Kpop fan. Halimbawa, madalas na main market ng Kpop industry ang South Korea, Japan at US. Hindi man lang tayong mga Filo Kpop fan ang nabibigyang-pansin. Nalulungkot din tayo kapag may mga member na nagha-hiatus, nagkakasakit, nagli-leave ng group at company, may nalalamang mistreatment, may pumapasok sa military service at higit sa lahat, may nadi-disband. Naiinip tayo kapag wala pang comeback. Ang saya natin kapag may natanggap silang award, isang feat at mga best, number 1s, at mga first time. Naiintriga tayo kapag may nalaman tayong dating rumours, kapag love nila ang Filo-culture, o kapag may ibinibigay silang spoiler. Napapaindak tayo kapag may naririnig tayong tugtog ng awit ng paborito nating idolo. Napapatingin tayo sa kung saan kapag may narinig tayong kahit keyword man lang ng may kinalaman sa Kpop. Nasasanay na rin tayo sa mga kalikasan ng bigkas at pag-awit ng mga Korean songs. Nakakasambit ng hindi nalalaman ang Korean words. Masyado na tayong maraming nalalaman sa Kpop at tila pioneer na tayo dito.
Hindi natin alam kung titigil tayo dito. Maging hanggang pagtanda ba ay nandito pa rin ang ating puso? Dadating kaya ang panahon na titigil ang mga ito? Paano kaya kung wala ito? Maisip man lang natin ang mga bagay na ito, nawiwindang tayo at sinasabi pa nga ng ilan na mamamatay sila kung mangyari ito. Ang idol natin ang nagdulot sa atin ng saya at lungkot sa sekular na buhay natin. Hindi na ito magbo-“broke” sa puso natin.
HYBE Labels is home of the Kpop Giant BTS, and other Kpop groups such as Tomorrow X Together, Enhypen, Le Serrafim, NewJeans, and some of the American artists such as Ariana Grande and Justin Bieber Its chairman is Bang Si Hyuk
JYP Entertainment's founder is J Y Park It is home to Kpop artists such as Twice, Itzy, Stray Kids, NMIXX, Xdinary Heroes, etc , which belong to its coalition of artists called JYP Nation
SM Entertainment is founded by Lee Soo Man This company promotes artists with the influence of Kwangya, which pertains to virtual world Its coalition of artists, called SM Town, compose of Girls' Generation, Super Junior, aespa, NCT, Red Velvet, etc
YG Entertainment is known for its dark concepts and hiphop-style choreographies It was founded by Yang Hyun-suk YG Family is composes of BLACKPINK, Big Bang, iKON, Treasure, AKMU, Winner, and Sechskies
6
Kpop Definition of Terms
Annyeong salitang Hangul na katumbas ng “Kumusta” o “Paalam” sa Tagalog
Comeback tumutukoy sa pagkakaroon ng bagong release na song at album ng isang Kpop idol; ang opisyal na comeback ay ang mismong araw ng pag-release ng music video ng title song nito
Finger Heart hand sign na tumutukoy sa kung anumang Koreaninfluenced
Bias pinakanapupusuang miyembro ng isang Kpop group
Maknae pinakabatang miyembro ng isang Kpop group
Daesang pinakamataas na parangal sa Kpop genre; madalas na tumutukoy ito sa pinakanag-stand out na album, song at artist ng taon
Stan pagkagusto sa isang artist
Big 4 tumutukoy sa 4 na pinakamalaking entertainment companies sa South Korea partikular ang HYBE Labels, JYP Entertainment, SM Entertainment, at YG Entertainment
Banger tinatawag sa isang song kung ito ay isang hit
Happy Pill source ng kasiyahan ng isang tao; ang mga idols ay happy pill ng mga fan
7
MOOD NOW
Finger Heart Dramas for K
Kamakailan, nagsuhestiya si Senador Robin Padilla may kinalaman sa impluwensiya ng K sa Pilipinas. Gusto niyang ipagbawal ang mga K-Drama sa bansa upang mas lalong pagtuunan ng pansin ang mga local-made dramas. Siyempre, may comment dito ang mga KDrama fan. Ayon sa kanila, bakit niya ipagbabawal ang K-Drama gayong kinukuha ito ng mga TV Networks para ipalabas? Bakit nagkakaroon pa ng Philippine version ang ilan nito? Malinaw na malabo itong mangyari Bakit ba napupusuan ng mga Pilipino ang K-Drama? May maganda rin namang dahilan
Una, hindi lang talagang sikat ang K-Drama ngayon, umaayon kasi ito sa panlasa ng masa Maganda ang plot, kahit na ang iba'y pangkaraniwang kuwento lang Ginagawa nilang palaisipan ang mga susunod na eksena. Kailangan mo pang mawindang para malaman ang buong kuwento Kung ikukumpara, para itong pagbuo ng jigsaw puzzle. Hindi mo maidudugtong ang
bawat puzzle nang magkakasunod mula sa itaas pababa. Ang pagbuo nito ay nakadepende sa makukuha mong piraso ng puzzle. Sa katulad na paraan, ang panonood ng K-Drama ay hindi tuloy-tuloy na eksena kundi isang puzzle Ginagawa nila ito para pag-isipin ang mga manonood; gawing suspense ang bawat sequence. Isa pang pitak sa pagiging patok nito ay nakukuha ng K-Drama ang feeling ng karakter na para bang inilalagay ang mga manonood sa
8
Angel's Last Mission: Love
mismong loob ng kuwento na parang kasali siya nang sa gayon, maramdaman din ng manonood ang nararamdaman ng karakter sa kuwento Ito ay dahil sa cinematography. Di-tulad ng Pinoy Drama, nagiging madalas ang paggamit ng manginig na pokus ng camera upang bigyang-pansin ang aksiyong ginagawa. Ang motion ng camera ay iniaayon sa galaw ng aktor Ginagamit na ang side focus kung saan ang kalahati ay naka-blur. Ginagawa ito para maka-relate ang mga viewer.
Ikalawa, patok ang tema nito. Ayon sa batikang direktor na si Jose Javier Reyes, naka-inclined sa tunay na tema ang mga K-Drama. Dagdag pa niya, nasa Pinoy Drama pa rin ang bahid ng kung ano ito:
palitan ng babies sa ospital, mga palpak na kidnapping, ang laging late na mga pulis o ang pinakasikat na plot “twist” of all time ang pagkakaroon ng amnesia Kaya puro bash si Antonietta sa mga telenovela, eh Ang bawat kuwento ng K-Drama ay talagang nakapokus sa kung ano ito at ang kaligiran nito Halimbawa, ang The Penthouse ay sa edukasyon, opera, at paghihiganti. Ang Angel's Last Mission ay sa pag-ibig ng isang anghel at tao. Kaya marami ang napupuyat para matapos ang buong serye ng isang K-Drama. Talagang napapaiyak sila dahil sa ganda ng kuwento. Kaya nga natuwa ang marami sa Maria Clara at Ibarra. Nakikita daw kasi ng ilan ang Korean vibe sa cinematography at kuwento nito
Ano'ng matututuhan ng marami sa Korean dramas? (bukod sa pagkoKorean at pag-iintindi ng subtitles) Ang bawat kuwento nito ay kapupulutan naman ng aral. Ginagawa ka nitong mapag-isip Pinapakilig ka nito nang todo. Bakit hindi na lang ganito ang Pinoy dramas? Batay pa kay Direk Reyes, sa isang reply niya sa Twitter, “kapag nararamdaman ng producers na hindi na ito ang gusto ng 'nakararami,' siguradong maghahanap sila ng paraan para baguhin ang nakagawian” Hindi naman na kinikritisismo ang Pinoy dramas. Pinahihiwatig lang ng artikulo kung bakit patok ang KDramas. Kaya finger heart for KDramas for bringing the best stories for the heart of Filos!
9
Doom At Your Service
2022 MOOD RECAP
Maraming naipahayag na mood ngayong taon sa magasing Pop Mood. Sagutin natin ang ilang tanong bilang pagbabalik-tanaw sa mga paksa ng magasin ngayong taon
1
Sa ngayon, mas tinatanggap ng mga tao ang kung anong patok na kulay Pero hindi ba't mas maganda kung pinipili natin ang kalidad ng mga kulay kaysa sa isang kulay lang? Tanggap natin ang mahal natin bilang siya, kahit na iba ang kulay natin sa kaniya Tanda ng pag-ibig ang pagtanggap sa lahat ng kulay.
3 Totoo bang magkakontra ang Science at ang Bible?
Hindi May ilang napatunayan ang siyensiya na nauna nang sinabi ng Bible tulad ng hugis ng mundo, katayuan nito sa outer space at ang water cycle Ang ulat ng Bible sa paglikha ay hindi literal na 7 araw na may 24 oras Ang isang araw ay tumutukoy sa di-tiyak na haba ng panahon Ang sequence nito ay scientific
4. Ano ang pinakanakapanlilinlang na kasabihan sa love?
Ang kanilang grades sa report card Kapag nakita nila na hindi naman nag-reflect ang grades nila sa mga ginawa nila, siguradong malaking dagok ito sa kanila Kahit nga makita nila na nagpo-post na ang iba ng kanilang matataas na grade sa social media, feeling nila wala silang kuwenta.
*Tingnan ang kabuuang artikulo ng mga tanong na ito sa mga nakaraang isyu ng Pop Mood Magazine
Ito ay ang sundin mo ang iyong puso. Bakit? Hindi mapipigilan ang puso sa kung ano ang gusto nito Ang puso ang siyang nagbibigay sa iyo ng kung anumang ikasasaya mo samantalang ang isip ang magdidikta kung tama o mali ang sinasabi ng puso mo Ang konsensiya ang siyang magnu-neutralize ng dalawang aspekto Kung lalamang ang isa, hindi magiging balanse ang pagpapasiya Ang resulta? Hindi matalinong desisyon
GUD This Year?
! 10
Mahalaga ba kung ano ang kulay mo?
2. Ano pa ang isang posibleng factor na dahilan ng stress at pagkalugmok ng ilang mga estudyante?
What's FINDOUT ONTHENEXT ISSUE
BULLETIN 2022 POP MOOD Kuwentuhan Tayo About Your X-perience Ano'ng Color Mo?
is Stress? We're Broke: What Kpop Fans Feel • Sarap sa Pag-iisa • Unang Karanasan • Ano'ng Sey Mo? • 3 Love Sayings na Hindi Totoo • Bible VS. Science—Part 1
•
is Emerging! • Ang Kulay • Ang True Color Mo • Bias Na Ba Ang Color? • Ang Medal, Bow! • Bible VS. Science—Part 2 • Filos • Fans Equals Rich • What A K-Life! • Finger Heart for KDramas • 2022 Mood Recap
Read all the past issues and articles of Pop Mood Magazine Read this issue on ISSUU (flipbook version) and on Wattpad (mobile version)
Education
• Online VS. Modular? FTF • Unfair Grades • Ikaw at Ang Edukasyon • Pwede Bang Alisin ang K-12? • Just Release(d)
Ppop